South Korea
I let go of him.
The man I dreamed of, the man I hoped for, the man I love the most.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni Lei.
Nag-uusap kaming lima ngayon sa may sala para sa paglipat namin sa South Korea.
"We know it's hard, Louise. Pero ito rin naman ang makakabuti sa inyong dalawa." Pagpapagaan ni Ate Keith.
Hindi ko na sila sinagot. I'm just listening to every words they are saying.
Ano pa ba kasi ang magagawa ko, 'di ba? Wala na. I did let go of him. And it hurts remembering how I left him crying and begging. It really hurts.
Gusto ko na lang umalis na kami agad papuntang South Korea hoping na matatakasan ko ang sakit. Pero hindi 'yun ganun kadali.
Dahil sa concern nila sa 'kin, kinabukasan ng pag-uusap namin agad na rin kaming nag-impake ng mga gamit namin.
Tinawagan ko na sila mama para sabihing sa South Korea namin itutuloy ang career namin. Pinayagan naman nila ako basta raw mag-iingat ako.
Wala na akong natanggap na text galing kay Blue. Ni kahit anong paramdam man lang wala. What do I expect? Ako ang nakipagbreak eh.
Nasa may airport na kami at handang-handa ng umalis. Ewan ko lang kung handa rin ang puso kong umalis.
Mali ba kung gugustuhin kong makita man lang siya bago ako umalis? Na gusto ko man lang maramdaman ang yakap niya?
Damn! Hindi dapat ako maging ganito.
Pumunta muna ako saglit sa comfort room ng airport. Matagal pa naman ang flight namin.
Nakatingin ako sa salamin ng biglang pumasok ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.
My heart began to beats fast.
"Ano-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at agad pinaulanan ng mabababaw na halik.
Here we go again. His damn kisses are making me change my mind.
"Don't go. Please, please, please stay. I love you." Pangungumbinsi niya.
"Blue! Hindi pwede."
"Why not? Think of me, baby. How can I live here knowing that you're not here?" He said everytime he let go of my lips. "Please,stay."
"I can't, Blue. 'Wag mo na kong pahirapan. This is what the fate wants. We can't be together. Please, let go." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Gusto ko na lang na tumigil siya kasi alam ko konting pagmamakaawa niya na lang bibigay na ko. At alam kong mali 'yun.
"Blue, kailangan ko ng umalis. Please,
don't make it hard for me." Dagdag ko pa."If it's hard for you, then don't."
"Even if it's hard, if it's the right thing to do, I'll still do it. So please, let me go." I begged then I just felt his hands letting go of my face.
Biglang tumulo ang luha ko. Ang sakit na bumitaw siya. Ang tanga ko!Ginusto ko 'to, 'di ba?
Bigla akong tumakbo palabas at pinunasan ang mga luha sa 'king mukha. Buti na lang kokonti ang tao dito sa airport.
Pumunta ako sa mga kamiyembro ko ng parang walang nangyari.
"Louise, kanina ka pa namin hinahanap. Aalis na tayo." Sabi ni Ate Mace.
"Sorry." 'Yun lang ang salitang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...