Afraid
Tumakbo ako palayo sa babaeng 'yun. Sa babaeng sumira sa mga magagandang nangyari sa 'kin.
I am here in the shore crying and crying. My tears won't stop falling. Nakakatawa dahil ang dagat ang laging nakakasaksi sa aking mga emosyon. Na siya ang sumasalo sa mga luha ko. Kaya siguro hindi siya nauubusan ng tubig.
Bakit sa lahat ng araw ngayon niya pa sinabi lahat ng 'to? Bakit kung kailan naging masaya ako ulit? Bakit hindi man lang niya pinatapos ang tatlong araw ng pagsasama namin? Kahit tatlong araw lang!
"Why does fate doesn't want me to be happy?!" I shouted.
Oo nga pala. Temporary happiness does exist. And it did exist in my life so many times. Kung kailan sobrang saya mo na, ganun din pala kasakit ang pagbawi nito. Sobrang sakit!
Lahat lahat ng ipinakita niya ay isang malaking pagpapanggap. Pero hindi ko siya masisi. Ako ang unang nanakit. Bumabawi lang siya. Pero pareho kaming nasaktan noong iniwan ko siya. It's so unfair. Life is so unfair.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa 'kin mula sa aking likuran na nagpabagsak pa ng aking mga luha.
"I'm so damn afraid. I thought that you have leave me again." He said that a sign of relief is visible.
Kung sana totoo ang ipinapakita mo. Kung sana totoo lahat ng kasiyahang naramdaman ko sayo.
Iniharap niya ko ng may tumulong luha sa kaniyang braso.
"What happened? Why are you crying?" Nag-aalala niyang tanong sabay hawak sa aking mukha.
Pero bakit sinasabi ng puso kong totoo lahat ng ipinapakita niya, lahat ng ipinaparamdam niya?
Agad kong tinanggal ang kaniyang kamay at agad siyang hinarap ng walang ka-ekspre-ekspresyon.
"Tell me. Was it all fake?"
"What are you talking about?" Nagtatakang tanong niya.
"Tangina, Blue! Sabihin mo na ang totoo na ang lahat ng ito ay isang pagpapanggap, na ang lahat ng ito ay dahil sa utos ng CEO niyo. Just tell me the goddamn truth!"
"Who told you?"
"So it's true." Dahil sa tanong niya nalaman ko ngang totoo. Parang unti-unting sinaksak ang puso kong umaasang totoo ang lahat. Unti-unting nagiging bato ito dahil sa lalaking kaharap ko.
Agad niya kong hinawakan sa aking braso pero agad ko itong tinanggal.
"Kaya ba ako 'yung pinili niyo ng gabing 'yun? Kaya ba ang laki-laki ng offer niyo sa 'kin? Kaya ba ganun magsalita ang Manager niyo noong nagpapractice tayo? Kaya ba tayo nandito ngayon? Kaya ba kahit iniwan kita ng anim na taon ay bumalik ka pa rin?!" Lahat ng luha ko ay sunod-sunod ng lumalabas.
"Yes." Sagot niya na hindi na kinaya ng puso kong marinig. "But listen to me." Dagdag pa niya sabay hawak pa sa akin.
Pero agad akong kumalas at tumakbo palayo sa kanya.
Hindi ko na kayang makita siya. Unti-unti niyang pinapatay ang puso ko. Seeing him makes my heart numb.
"Please, listen to me baby..."
Pagmamakaawa niya ng maabutan niya ko at yakapin patalikod. "Just please listen to me...""Just let me go. Nakabawi ka na. Nasaktan na ko, sobra-sobra. Kaya tumigil ka na kasi hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang labanan ang sakit." Nanghihina kong sabi.
Unti-unting kumakalas ang yakap niya habang nararamdaman ko ang luha niyang tumutulo sa aking balikat. How I hope that those tears are real.
Naglakad ako palayo sa kanya habang bumubuhos ang aking luha.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
Fiksi PenggemarAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...