Ending
Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos ng pagkawala niya. The memory of losing him is still fresh. His last words are still vivid in my mind. At tuwing naalala ko kung paano niya isinakripisyo ang kaniyang buhay para sa 'kin ay ang pagtulo ng luha ko ang kasunod.
Umihip ang malakas na hangin. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon kaharap ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.
Zaniere G. Cross
Born: August 01, 1991
Died: May 24, 2019
"Alam mo, nakakainis ka. Ni hindi mo man lang ako pinakinggang magpasalamat. Ni hindi mo man lang ako hinintay na sabihin ang mga bagay na gusto kong sabihin sa'yo."
Iniisip ko. Ganoon ba talaga niya ko kamahal para isakripisyo ang sarili niyang buhay? Para isakripisyo sa babaeng hindi naman siya kayang mahalin pabalik? From what I said, one-sided love sucks. Pero ang natutunan ko mula sa tagapagligtas ko, kahit na 'one-sided', hindi ko dapat kalimutan na may 'love' pa rin itong kasama.
Sometimes, we people intend to just look at the negative words na nakakalimutan na nating may positibong salita ang kasunod nito. Iniisip nating ang mga salitang gaya ng temporary happiness at one-sided love ay hindi maganda ang dulot. Pero hindi naman lahat ng iniisip ng tao ay tama. Minsan masasabi lang nating tama ang mga iniisip natin kung tayo na mismo ang nakaexperience nito. Thoughts come first, and then you learn from experience. At ngayon ko napatunayan, nailigtas ako ng one-sided love ni Zaniere. And it made me changed my perception.
"Sayang at hindi mo nakilala ang babaeng tatapos ng one-sided love na mayroon ka. Pero nagpapasalamat ako dahil niligtas mo ko. Thank you for loving me. Paalam sa'yo Koreano, my saviour."
Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi sabay talikod na sa kaniyang puntod. Nasabi ko na. Nasabi ko na ang mga bagay na hindi ko nasabi sa kanya. And this is an example of goodbye as a closure.
Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso sa babaeng kakausapin ko ngayon. Naghihintay siya sa isang coffee shop malapit sa apartment namin.
Pagkalabas ko ng kotse ko ay naaninag ko siya na nakaupo malapit sa salaming dingding ng shop. Halata ang kaba niya at ang nagsisisi niyang mukha. Sana lang talaga totoo lahat ng 'yan.
Alam ko na kung ano ang totoo. Kasabwat siya ni Celine sa planong paghiwalayin kami ni Blue noon. At kaya ako pumayag na makipagkita sa kanya sa kabila ng sobrang galit ko ay sa gusto kong marinig ang dahilan niya.
Umupo ako sa katapat niyang upuan habang halatang-halata sa 'kin ang galit ko sa babaeng kaharap ko ngayon.
"Bakit? Tell me your reason." Una kong sabi.
"I'm sorry, Louise. I'm so sorry. I'm really really sorry."
"I don't want to hear that. Hindi ko alam kung bukas ang puso kong patawarin ka." Matapang kong sabi.
"Pumayag ako sa plano ni Celine noon dahil sa sobrang inggit ko sa'yo. Ikaw ang mas sikat. Ikaw ang mas tinitingala ng mga fans natin. Lahat ng papuri nasa sa'yo. Pati si CEO mas pinapahalagahan ka. Kaya naisip ko na makipagsabwatan sa kanya para hilain ka pababa. Ako ang kumuha ng mga litrato niyo ni Blue. Sinundan ko kayo ng gabing matapos ang mall show natin. Pinilit ko rin silang umoo sa offer ni CEO na ilipat tayo sa Korea. Inisip ko kasing pwedeng mas sikat ka dito sa Pilipinas pero hindi sa ibang bansa. Pero wala eh. Ikaw pa rin. Mas lalong lumaki ang inggit ko sa'yo na umabot ako sa puntong gusto na kitang mawala. Pero n'ung mapanood ko 'yung interview mo, doon ako natauhan. Hindi ko naisip ang pinagdaanan mong sakit. Patawarin mo ko, Louise." Kwento ni Ate Keith.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...