Goodbye
Lumipas ang ilang araw at nakalabas na si Blue ng hospital. At sa bawat araw na lumilipas, iba't-ibang pambabash ang natatamo ni Celine. Iba't-ibang death threats din. Hindi ko na rin siya napapansing pumupunta sa kompanya nila.
Hindi ako naguiguilty pero hindi ako masaya sa nangyayari sa kanya. Hindi ko inaasahang magiging ganito ang kalalabasan ng mga sinabi ko. At hindi ako natutuwa sa kinalabasan nito. Oo at tumigil sila sa pambabash sa 'kin. Pero mas lalong lumala sa ibang tao. And I'm certain that they didn't understand what I'm trying to say, what I really mean. And I hate to admit that my words are useless.
Kasalukuyan akong papunta ngayon sa apartment naming lima upang bumalik na sa Primrose. Hindi na itinuloy ni CEO ang kontrata ko sa BC dahil sa nalaman niya ang plano nila. At napagdesisyunan niyang ibalik na ang Primrose.
Ang buong Aces naman ay may meeting ngayon sa sariling bahay nila. And I don't have any idea kung anong pag-uusapan nila.
Ipinark ko ang kotse ko sa parking lot namin at tsaka bumaba. Pinindot ko ang doorbell ng isang beses at naghintay. My hand is ready to ring it for the second time when I suddenly smell something from a handkerchief on my nose that made me unconscious. Tangina! Sino ba 'to?
Nagising na lang ako na nakatali ang aking mga kamay at paa sa isang upuan. I'm in an empty room. Tanging liwanag galing sa iisang bombilya ang nagpapailaw sa buong kwarto. Napatingin ako sa kabuuan nito ng mahanap ng aking paningin ang isang lubid na nakalambitin mula sa itaas. Creepyness of the whole scene made me tremble. Shit! Ano bang mayron dito? Ba't ba ko nandito?
"Tulong!" Sigaw ko kahit alam kong wala naman talagang darating na tulong. But atleast it's okay than never doing anything.
Ang sobrang kaba ay naghahari sa aking kabuuan. Hindi ko alam. Sobra akong natatakot na feeling ko anumang oras ay kakaharapin ko na si kamatayan. Ang alam ko hindi nangyayari ang mga bagay na 'to sa totoong buhay dahil napakaimposible lang niya. Pero darating rin pala ulit ako sa puntong sasabihin ko ang linyang ito. Expect the unexpected.
I'm not afraid to die. Pero natatakot ako para sa mga taong iiwan ko dito. Natatakot akong hindi ko pa tapos ang mga bagay na dapat kong gawin para sa kanila. Natatakot akong mawala ng walang paalam. Kasi ang pagpapaalam ay hindi laging nagdudulot ng sakit. Sometimes it means closure.
Nadagdagan pa lalo ang takot ko ng may lalaking naka-itim ang pumasok sa loob. Ang mga nanlilisik niyang mata, madilim niyang aura, at ang pag-igting ng kaniyang bagang ay nagdudulot ng sobrang panghihina sa aking kaloob-looban.
"Humanda ka na. Ito na ang huling araw mo sa mundo." Bigkas niya gamit ang malalim niyang boses.
"Sino ka ba para bigyan ng taning ang buhay ko? Diyos ka ba?" Pagtago ko sa sobrang takot na nararamdaman ko.
Napalunok ako ng dahan-dahang siyang lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ang aking pisngi na nagpalamig sa kalamnan ko.
"Kung isa lang akong normal na tao baka nagkagusto pa ko sa'yo. No wonder grabe ang galit niya sa'yo. Isa kang babaeng dapat kainggitan."
"Nakakainis lang at mamatay ako sa napakababaw na dahilan." Natigil ako sa pagsasalita dahil sa gulat ng makita ang babaeng kakapasok pa lang. Tama nga ang hinala ko. "Pero mas nakakainis na ang tatapos ng buhay ko ay isa ring taong mababaw." Pagtukoy ko kay Celine na kakapasok pa lang.
Ngunit ikinabigla ko ang agad paglapat ng kaniyang palad sa aking pisngi. Hindi pa ako nakakabawi mula sa kaniyang sampal ay ang paghawak niya sa aking mukha ang sunod.
"Walang magagawa ang tapang mo ngayon. You're going to die here. And I'll make sure of it. Sinira mo ang buhay ko kaya buhay mo ang kapalit. Naiintindihan mo?" Nanggagalaiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...