Chapter 24

27 11 4
                                    

Sorry

"I don't miss you."

Biglang may naramdaman akong kirot sa puso ko sa mga binitawan niyang salita. Alam ko galit siya pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nakayakap sa 'kin.

Gusto kong sabihin sa kanya that even if he doesn't miss me, I miss him so bad. Pero bakit parang may pumipigil sa 'kin?

"I'm sorry." I sincerely said to him.

And from that moment, the atmosphere between us became silent. Tahimik na para bang may nasabi akong mali.

Sorry.

The word that every person who have been hurt physically or emotionally wants to hear just to forget the pain.

The word that proves that no one is perfect and we all commit mistakes.

Pero hindi lahat ng sorry gustong marinig. Minsan may mga taong gustong maghilom ang sugat sa pamamagitan ng paglipas ng panahon, paglayo, at pagtakbo.

Pero alam ko, hinding-hindi maghihilom ang sakit hanggat hindi naririnig ang salitang ito. Hindi sapat ang paglipas ng panahon.

Kaya kahit lumipas ang anim na taon, alam ko kailangan kong humingi ng tawad. Kahit ang ginawa kong pag-iwan ay makakabuti pareho sa 'ming dalawa. Even if I've been hurt also.

"I shouldn't be doing this." Bigkas niya sabay kalas ng yakap niya at tumalikod na pabalik sa loob.

"Blue!" Sigaw ko.

Huminto siya pero hindi man lang siya lumingon sa akin.

Ang sakit na noon tuwing tinatawag ko siya, hindi lang siya lilingon, lalapit pa siya. At ang tanga ko para isiping pwedeng maulit 'yun ngayon.

"Stay away from me."

And from what he said, I regretted calling my favorite name again.

Dahil sa sobrang sakit, hindi ko na namalayan na napaupo na lang ako. Hinang-hina habang umaagos ang sunod-sunod na luha mula sa 'king mga mata.

Ang tanga ko para umasang may babalikan ako dito. Ang tanga ko para umasa sa simpleng pagyakap niya kanina. Ang tanga ko para isiping para sa akin ang mga binitawan niyang liriko habang kumakanta siya. Ang tanga ko para isiping mahal pa rin niya ako pagkatapos ko siyang iwan ng ilang taon.

I didn't know it would be this hard hearing from the man I missed the most how he want me to stay away from him.

Now, I regret going back here. But what can I do if my heart misses him?Na bawat araw na lilipas ay masakit dahil alam kong wala siya?

Damn it! It hurts hell bad!

---

Kasalukuyan akong nasa meeting ngayon tungkol sa magiging buhay ko sa loob ng isang buwan kasama ang Aces. At kahit anong pinag-uusapan ni Manager at ng manager ng Aces ay hindi ko pinapakinggan. Nakatingin ako sa kawalan at ang tanging tumatakbo sa utak ko ay magiging buhay ko sa loob ng isang buwan kasama ang mga lalaking nasa harapan ko ngayon.

Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang bumangga sa mga paa ko sa ilalim ng table. Bigla akong napatingin sa tapat kong upuan at natagpuan ko ang nakangising si Zaniere. Sinuklian ko siya ng isang irap.

Napatingin ako sa mga katabi niya at silang apat ay seryosong nakikinig sa pinagsasabi ng dalawang Manager.
Agad kong ibinalik ang tingin ko kay Zaniere ng napatingin sa 'kin si Blue.

"Listen." Senyas ni Zaniere habang itinuturo ang tainga niya. Inirapan ko lang siya bilang sagot. Bakit niya ba ko pinapakialaman?

Pero imbes na bumalik ako sa pag-iisip ay nabigla na lang ako ng ikulong niya ang dalawang binti ko gamit ang kaniyang mga binti. Pilit akong kumawala pero sobrang lakas niya.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon