Don't Miss
"How I hate saying this, but I miss that voice."
Pagkatapos niyang sabihin 'yun,agad na silang bumaba ng stage. Iniwan nila akong tulala. Pinoproseso ang mga salitang binitawan ng Asul na 'yun.
At dahil sa kakaisip, hindi ko namalayang nakuha na pala ako ng BC sa halagang 750k. Oh, 'di ba mas maswerte ako kay Lei.
Pero Aces ang kasama ko ng isang buwan? Oh my! Sana makaya ko.
Pagkatapos ng Auction, bumalik kami sa pwesto namin kanina. At ang masaklap nito, may pasayaw si CEO.
Marami ng mga taong nagsimulang sumayaw sa gitna. They are dancing with their partners in a romantic way. Ba't may paganito? Dami talagang alam ni CEO.
Pati ang mga kamiyembro ko, nagsitayuan na rin. Pero ako, naiwan dito ng nakatulala. Iniisip ang susunod na buwan na makakasama ko ang buong Aces. I can't even imagine it! Nakakaloka!
"May I have this dance? Let's see kung marunong ka ring sumayaw." Hindi ko rin namalayan na nakalapit na si Zaniere sa kinauupuan ko.
Oh shit! 'Wag ngayon. Iniisip ko pa kung paano ko kayo pakikisamahan eh.
Saan ba si kuya? Please, iligtas mo ko dito.
Hindi na ko nakatanggi ng agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila sa gitna ng mga nagsasayawang tao.
"Nagtanong ka pa." Asik ko sa kanya pagkarating namin sa gitna.
"Napagod kasi yung kamay ko." Malokong sabi niya.
"Tss."
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil ayoko naman talagang sumayaw. Pero agad niyang hinablot ang dalawang kamay ko at ipinatong niya 'to sa kaniyang balikat. Galing ng lalaking 'to ah.
"There you have it. Dyan dapat nakalagay yang mga kamay mo kung makikisayaw ka. Remember that." Pang-iinsulto niya sa 'kin. Tinuruan pa ko. Parang hindi ko alam ah.
"Tss." Sagot ko na lang. Nakakainis makipagtalo sa lalaking 'to.
"Nakakailang tss ka na? Baka 'di ako makapagpigil---"
"Ano, anong gagawin mo?" Pagsabat ko sa sasabihin niya.
"Ito lang naman." Sabi niya at agad inilapat ang kaniyang mga labi sa aking labi. It was a smack one, again.
Sa inis ko, tinapakan ko ang paa niya.
"D-on't y-ou ever kiss me again without my permission." Nauutal kong pagbabanta sa kanya.
Walangya! Nakakailan na siya ah.
Ngumisi lang siya sa akin at hindi man lang ininda ang pagtapak ko sa paa niya. Baliw!
Napairap na lang ako at napabaling sa kinauupuan ni Blue. Nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isa naman ay nasa mesa hawak-hawak ang basong may laman na alak.
Mariing siyang nakatitig sa pwesto namin ni Zaniere. Ni hindi man lang niya inaalis ang titig niya kahit alam niyang nakikita ko siya.
Agad siyang tumayo na ikinabigla ko. Shit! Papalapit siya sa 'min. Pero nagkamali ako. Agad niyang hinablot ang batok ni Celine at hinalikan ito.
Hindi ko kayang tignan ito. Agad akong tumalikod at bumalik sa pwesto namin. Hindi na ko nagpaalam kay Zaniere. Hindi ko kayang tumagal doon. Sobrang sakit!
Agad kong kinuha ang baso na may lamang alak sa kamay ng napadaang waiter.
Tangina! Dapat sa Korea na lang namin itinuloy ang career namin. I can't do this. Paano ko na lang sila pakikisamahan? Tangina! Isang buwan pa!
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanficAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...