Chapter 2

86 47 11
                                    

Aces

Simula ng ipakilala sa 'kin ni Lei ang boy group na Aces, nagsimula na ang pagiging fangirl ko. I love how they dance and how they sing. And I must say I love their pretty faces, too.

Nagsearch ako ng mga tungkol sa kanila.

*Blue Collin
-18 yrs.old/main vocalist/lead dancer/center of the group
*Zaniere Cross
-19 yrs.old/vocalist/lead dancer
*Flyx Evans
-19 yrs.old/lead dancer/rapper
*Xyron Blast
-21 yrs.old/lead rapper
*Sanderson Dean
22 yrs.old/vocalist/leader

Nanonood din ako ng mga music videos nila. Ang saya saya nga ni Lei dahil may kasama na siyang tumambay sa labas ng faculty room.

"Hoy! Hinay-hinay lang. Adik ka na ata?" Sabi niya.

Hindi pa naman siguro ako malala. Masyado naman 'to.

"Alam ko po yun. Pero masama bang magpantasya? Eh sa fan nga talaga ako ni Blue eh." Asik ko sa kanya.

"Hoy! Tumigil ka sa mga pantasya mo. Mahirap na baka mainlove ka jan. Naku! Walang sasalo sayo." Pangaral niya.

"Tse! Pero ikaw ba sinong bias mo sa kanila?" Tanong ko.

Hindi ko kasi alam kung sino ba sa kanila ang ina-idolize niya eh. Masikreto rin 'tong babaeng 'to eh.

"Si Flyx Evans. Alam mo yung ang galing galing niya lang talagang sumayaw. At ang gwapo niya,bessy!" Masaya niyang sabi.

"Oo nga pala. Mahilig ka palang sumayaw, hehe."

"Langya! Kaibigan ba talaga kita?" Inis niyang sabi.

"Tsk. Tinatanong pa ba yan?Malamang oo. Ngayon ko lang narealize na idol mo si Flyx dahil sa pagsayaw. Gaga!Lagi mong nami-misunderstood ang sinasabi ko eh." Pagpapaliwanag ko.

"Ipaintindi mo kasi ng maayos." Bawi niya.

Kahit kailan talaga siya di siya papatalo.

"Pero mabalik tayo. May pag-asa kayang makilala natin sila?" Tanong ko.

"Uso namang mangarap eh." Sagot niya.

"Langya! Wala kang kwenta kausap."

Pero may punto naman siya eh. Hanggang pangarap lang muna kami.

I know him but he doesn't know that I exist.

Pagkatapos ng break time namin, naisipan namin ni Lei na manood ng palabas sa tv. May tv kasi ang room namin kahit na public school lang 'to.

Habang nanonood kami, napansin namin ang isang commercial tungkol sa gaganaping audition ng Manila's girl group na Primrose.

~Open to all girls ages 15 to 25. Can sing and have a good voice. A good dancer. If you think you have the qualities, then you have the chance to be one of the lucky five girls of Primrose. Just bring your birth certificate and materials needed for your audition piece.~

Pinag-usapan namin ni Lei ang tungkol sa audition. Gaganapin ito sa Manila. Marunong sumayaw si Lei. At masasabi ko namang may boses naman ako. May hilig rin ako sa pagsayaw kaya lang mas pinagtutuunan ko lang talaga ng pansin ang pagkanta.

Noong bata pa ko, kumakanta na talaga ako. Mahilig ako sa videoke. Namana ko siguro ang hilig ko kay papa at mama dahil pareho silang may talent sa singing. Pero hindi ko pinaparinig sa maraming tao ang boses ko. Siguro ang pamilya, kamag-anak at si Lei lang ang nakakaalam na magaling akong kumanta.

Si Lei naman mahilig na talagang sumayaw bata pa lang kami. Minsan sinasabayan namin ang gusto ng isa't isa. She also have a good voice but that's not her priority.

"Ano kaya kung mag-audition tayo?" Sabi niya.

Pwede naman pero ang layo ng Manila sa Pangasinan. Tsaka paano ang pag-aaral namin.

"'Wag na. Kailangan nating mag-aral. That's our priority, remember?"

"Malay mo naman matanggap tayo. Tapos sisikat tayo. Makikilala tayo sa buong mundo. Maybe that's a way for you to meet Blue Collin." Pagkukumbinsi niya pa sa 'kin.

"I don't know."

Mahirap sumugal sa isang bagay na mas malaki ang possibility na hindi matupad. But that's what taking risk means. Sumusugal ka kasi walang kasiguraduhan. There's two possible outcomes. Either the outcome that you want or the reverse.

But it's my dreams...

Is it really a way to meet him? To meet Blue Collin? To meet my bias?

Damn it! It's frustrating.

A/N:

Ano sa tingin niyo ang magiging desisyon ni Abo?

Comment down your thoughts about this chapter.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon