Jacket
Kasalukuyan kaming nasa backstage at inaayusan ng aming kanya-kanyang make-up artist. Nasa iisang room lang kaming anim ngayon.
Pagkatapos akong ayusan,agad akong pumunta sa wardrobe para magpalit na. Pero hindi ako tumuloy ng makitang may pinag-uusapan si Blue at ang designer nila. Wearing a maroon longsleeves polo and maong pants with black boots, you can tell by how his jaw clenched and how his arms rested on his waist that he is mad. Ano kayang pinagtatalunan nila at ganyan siya kagwapo?
"Louise, you need to dress up. Malapit na kayong magperform." Utos ni Manager ng makitang hindi pa ko nakabihis.
Kaya napilitan akong pumasok sa loob kung nasaan si Blue at ang designer.
"Make sure on our next performance, make it less revealing." Galit na utos niya sa designer ng mapansing papalapit na ko.
"I'm sorry, Sir." Nakayukong paumanhin ng babaeng designer.
Agad lumabas si Blue ng hindi man lang ako pinapansin.
"Sorry po, Ma'am Louise. Sa susunod po aayusin ko na po yung design ng damit niyo 'yung hindi po masyadong nagpapakita ng balat. Sorry po talaga." Baling niya sa 'kin.
"Po?" Walang ideyang tanong ko.
Pero hindi niya na ko nasagot ng tinawag na siya ni Blue.
Ano bang pinagsasabi niya? Okay lang naman sa 'kin ang kahit anong suot ko kapag nagpeperform. I just want a comfortable design.
Wearing a cropped tube top and a black shorts with knee-length white boots, I stepped outside to see myself in the mirror. Inayos ko ang buhok kong nakalugay na medyo kulot sa ibaba nito at ang hairclip sa gilid na may nakalagay na 'Louise'.
Tumingin ako sa paligid at nabigla ako ng wala ng tao sa loob kundi ako. Ako lang! Tumingin ako sa wall clock para tignan ang oras at nakitang may 30 minutes pa naman kami.
Nakaharap ako salamin ng bigla kong mapansin si Asul na papalapit sa likuran ko. Shit! Naiwan kaming dalawa dito.
"Wear it." Utos niya sabay abot sa 'kin ng isang denim jacket. "Kung pwede lang talaga kitang balutin." Bigkas niya sabay labas na ng room.
Agad akong natauhan ng marinig ang pagsara ng pintong hudyat ng pag-alis niya. Tinignan ko ang jacket na ibinigay niya sa 'kin at natagpuan ang salitang 'Happy' na nakalagay sa likuran nito. Bakit happy?
Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi. May part sa 'kin na gusto siyang sundin at may part din sa 'kin na ayaw siyang sundin. Pero nagulat na lang ako ng suot-suot ko na ang jacket na ibinigay niya pagkalabas ko na nagpabigay sa kanya ng ngiti ng dumapo ang tingin ko sa kanya. Tangina! Tagumpay ang walanghiyang Asul.
Ba't ba siya nangingialam sa suot ko?
"Bakit ba ang aga niyong umalis? May 30 minutes pa naman tayo ah." Tanong ko kay sa katabi kong si Flyx.
"Try to ask that possessive boy over there." Sagot niya sabay nguso kay Blue. Binalingan niya pa ng tingin ang suot. "Kaya naman pala." Dagdag niya.
Ni hindi pa pumapasok sa utak ko lahat ng sinabi ni Flyx ay agad may umakbay sa 'kin. Binalingan ko ng tingin ang may-ari ng braso at natagpuan ko ngiting-aso ni Zaniere.
"Take us a picture, Flyx." Utos niya sabay abot ng phone niya sa lalaking kausap ko.
"No way, Zan! Baka madamay pa ko sa pagsabog ng bulkan." Pag-angal ni Flyx. Bakit ba lagi na lang niyang bukambibig ang bulkan na 'yan?
"Ako na lang, Zan." Boluntaryo ni Xyron sabay kuha sa hawak na phone ni Koreano.
"Teka lang! Hindi pa ko pumapayag Koreano." Hindi na ko nakaangal ng agad niyang iniharap ang mukha ko sa camera.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...