Audition
Araw ng Biyernes. The day before the audition.
Luluwas kami ng Manila mamayang 10. Nakapagpaalam na kami sa teachers namin. Pagkatapos ng audition, babalik rin kami agad. Parang isang araw lang kaming excuse.
Naghanda na ko ng mga kailangan kong dalhin.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa audition bukas. Sana matanggap kami.
Nakasakay na kami ni Lei ng bus. May dala akong candy. Hindi kasi ako sanay bumyahe at sumakay sa bus. Baka mahilo ako at magsuka.
After ng ilang oras na byahe, nakarating na kami sa tutuluyan naming pansamantala ni Lei. Sa tita niya. Dalaga pa siya. Wala siyang kasama sa bahay kaya pansamantala kaming tumuloy dito.
"Magandang gabi po, auntie." Bati ni Lei.
"Magandang gabi po." Bati ko naman.
"Magandang gabi rin sa inyo. Nandito na pala kayo. Tara pasok." Sabi niya.
Mukha pa nga talaga siyang dalaga. Siguro nasa 20s pa lang siya.
"May bakanteng isang kwarto ako rito. D'un na lang kayong dalawa. Magpahinga muna kayo.Kakatapos lang ng byahe niyo eh. Mamaya tatawagin ko kayo kung kakain na. Sige feel at home." Masaya niyang sabi.
Mukha talaga siyang mabait.
"Thank you po." Sabay naming sabi ni Lei.
Pagpasok namin sa kwarto ay agad na kaming nag-ayos ng mga gamit namin. Malaki ang kama kasya ang dalawang tao.
"Sana talaga matanggap tayo." Sabi ni Lei.
"Kaya yan. Malay mo isa tayo sa limang babaeng maswerte, 'di ba?" Positive kong sabi.
"Pero ang dami kayang talented sa Pilipinas."
"Sa tingin ko, ikaw ang nega mag-isip sa'ting dalawa. Daig mo pa ang nakadrugs kakaisip eh."
"Ikaw na nga may sabi, 'di ba? Expect the unexpected."
"Pero hindi makakatulong sa 'tin yan ngayon. Halika na nga, kumain na tayo. Tinatawag na tayo ng auntie mo."
Kinabukasan, naghanda na kami para sa audition. Inihanda na namin ang aming mga gagamitin para sa ipapakita naming talent.
Pagdating namin sa venue, namangha kami dahil sa sobrang daming tao.
"Grabe! Ang daming tao. Makakaya kaya natin 'to." Pag-aalinlangan ni Lei.
"Kaya natin 'to. N'ung una ang lakas lakas ng loob mo. Tsaka nandito na tayo, ngayon pa ba tayo aatras. There's no way out unless we do it." Sabi ko.
At nagsimula na ang audition. Pang 364 ako at pang-365 naman si Lei.
Sa totoo lang, aaminin ko, medyo kinakabahan rin naman ako. Kailangan ko lang ipakitang malakas ako sa harap niya dahil kung magmumukha rin akong mahina hindi namin 'to makakaya.
"Ash! Malapit na tayong sumunod. We're next. My god!" Ani ni Lei.
"Next." Sabi ng isang judge sa harap.
Agad akong pumasok.
"I am Ash Louise M. Tyler. I am 16 years old."
"Okay, Ash. You can start."
🎶I need another story
Something to get off my chest
My life gets kinda boring
Need something that I can confess'Til all my sleeves are stained red
From all the truth that I've said
Come by it honestly I swear
Thought you saw me wink, no
I've been on the brink, soTell me what you want to hear
Something that will light those ears
Sick of all the insincere
So I'm gonna give all my secrets awayThis time don't need another perfect lie
Don't care if critics ever jump in line
I'm gonna give all my secrets awayMy God, amazing how we got this far
It's like we're chasing all those stars
Who's driving shiny big black cars
And everyday I see the news
All the problems that we could solve
And when a situation rises
Just write it into an album
Send it straight to gold
But I don't really like my flow, no, so🎶Pagkatapos kung kumanta, sumunod naman si Lei. Tsaka kami sabay sumayaw.
"Okay. We'll call you if you have pass the audition. Thank you."
God! Sobra pa rin akong kinakabahan hanggang ngayon. Buti naman at tapos na.
"We're done."
"Sana makapasok tayo." Hoping na sabi ni Lei.
"I hope so."
Pagkabalik namin sa bahay ng tita niya, napagpasyahan na namin agad na umuwi na ng Pangasinan.
Sa probinsiya na lang namin hihintayin ang resulta.
"Sige po, Auntie. Alis na po kami." Paalam ni Lei. "Thank you po."
"Sige. Mag-ingat kayo. Ipagdadasal ko na sana matanggap kayo." Sabi ng tita ni Lei.
"Salamat po." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...