Chapter 10

42 28 9
                                    

Obsessed

Nabigla ako sa mga sinabi niya. I'm feeling so happy but there's a part of me that doesn't let me for there's something I can't belive.

Oo! Hindi ako makapaniwala. Hindi agad natanggap ng mga sistema ko ang lahat ng sinabi niya.

I stayed sitting in his lap thinking all his words. Hindi ko maproseso lahat.

"I-i'm sp-speechless." Tanging salitang lumabas sa bibig ko.

I don't know what to say. I don't know what to react. Dapat maging masaya ako, 'di ba? Pero bakit may halong takot?

Pinilit kong tumayo para umuwi na. Hinayaan naman niya ko.

"I'll drive you home."

"Okay."

Tahimik kami buong oras ng paghatid niya sa 'kin sa aming bahay. Agad kong kinalas ang aking seatbelt at binuksan ang front door upang makaalis na.

"Goodnight." Sabi niya.

"U-uhh. Goodnight."

Hindi ko hinintay na umalis siya. Agad na kong pumasok sa loob.

Tulog na silang lahat. Pati si Ate Mace na roommate ko, tulog na rin.

Humilata ako sa kama at pinroseso lahat ng nangyari ngayong araw.

How can a Blue Collin fell inlove with me? Imposible! May girlfriend na siya, 'di ba?

Kinabukasan, nagising silang lahat na sobrang saya.

"Finally! Nakapagdebut na tayo!" Sigaw ni Ate Kara.

"Oh, Abo. Sa'n ka pala nanggaling kagabi? Hindi ka namin nakita sa buong building. Hindi ka tuloy namin nakasabay na umuwi." Pansin ni Lei.

"Uh! Lumabas ako saglit upang magpahangin. At pinuntahan ko rin sila mama." Pagsisinungaling ko.

"Sabi ko na eh."

"Okay! Today's schedule is a performance in a tv show. Kailangan nating magperform nang makapagpromote tayo ng album." Paalala sa 'min ni Ate Keith.

"Bakit? Wala bang bumibili ng album natin?" Tanong ko.

"Actually, meron naman. Pero it's not that fast selling. Mas tinatangkilik nila ang  music video ng Butterfly. It's understandable naman kasi mas murang manood na lang sa youtube. But we really need to promote." Sagot ng aming leader.

"Hays! Kala ko naman makakapagpahinga tayo ngayon." Complain ni Ate Mace.

"Don't worry. Our three-day vacation will start tomorrow." Ate Keith said happily.

"Oo nga. Oh my! I'm so excited." Si Ate Kara.

Muntik ko na palang makalimutan. Bukas na pala ang bakasyon namin sa Palawan. Finally! Makakapagpahinga na rin kami.

But not my mind. Alam kong gagambalain pa rin ako ng lahat ng mga sinabi ni Blue sa 'kin.

"Get ready! Aalis daw tayo mamaya sabi ni Manager para sa tv guesting natin." Si Ate Keith.

Pagkatapos ng almusal na 'yun, naghanda na kami para sa performance namin mamaya.

The theme of our clothes is shiny and sprinkling. That's why nakasuot ako ng tube top na kulay silver na puno ng glitters and black na shorts na sinamahan pa ng boots na hanggang tuhod. My hair is ponytailed high with my bangs.

Nasa may backstage kami habang nag-aayos. Palabas ako ng aming room dahil pinapatawag ako ni Manager.

Nabigla ako ng mapansin ang Aces na papunta sa kanilang room na katapat lang ng amin. My eyes immediately darted on the man that have been invading my mind the whole night.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon