Let go
"Sa'n ka natulog?" Usisa sa 'kin ni Lei pagkauwi ko ng bahay kinabukasan.
Pagkatapos ng halikang naganap kagabi sa 'min ni Blue, agad na kaming nagpahinga. Ang dami kasing nangyari sa araw na 'yun.
"Sa condo ni Blue." Maikling sagot ko.
"Hinahanap ka ni Manager. At hinala niyang kasama mo si Blue. Siguradong gagawa na 'yun ng aksyon para paghiwalayin kayo." Paalala sa 'kin ni Lei. "At tsaka, nakita mo na ba 'yung nga kumakalat na pictures niyo ni Blue sa social media?"
Tumango ako bilang sagot.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa 'kin. Nabasa niya na siguro ang comments tungkol sa 'kin.
Hindi ako sumagot. Agad niya kong niyakap.
"Sobra-sobra ka ng nasasaktan, Abo. At hindi ko gusto 'yun. Nabasa mo ba ang mga comments nila tungkol sayo?Alam mo 'yung gusto kong sabihin sa kanila na mali ang nga sinasabi nila tungkol sayo pero pinagbawalan kami ni Manager eh. Ang kompanya ang bahalang humawak sa issue mo. Pero gusto ka muna nilang kausapin." Nag-aalala niyang sabi.
Habang magkayakap kami ni Lei, biglang tumunog ang phone ko.
"Hello, kuya." Sabi ko sa kabilang linya.
"Abo, okay ka lang ba? Nakita ko 'yung tungkol sa inyo ni Blue Collin." Nag-aalalang sabi ni Kuya.
"Okay lang ako, kuya. Sila mama ba, alam na nila?"
"Hindi ko sinabi sa kanila. At buti na lang wala pang kuryente dito sa 'tin. Kaya hindi pa nila nababalitaan. Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?" Ulit niyang tanong sa 'kin.
"Kuya, kaya ko 'to. Ako pa ba." Mayabang kong sabi.
"Anong kaya mo? Eh dati kapag sinasabihan ka ng malandi, nagiging amazona ka. Ba't ngayon wala ka man lang ginawa?"
"Kuya naman. Eh 'di naubusan ako ng fans."
"Kung hindi naman totoo ang mga pinagsasabi nila, ba't matatakot ka?Kung nasa tama ka, ba't hindi ka lumaban? Eh ano ngayon kung maubusan ka ng fans? Nandito pa naman kami nila mama ah. Pati mga kababayan natin handang sumuporta sayo." Pagbibigay lakas ni kuya sa loob ko.
Kung pwede lang, kuya. Kung pwede lang talaga akong lumaban. Kung okay lang na maubusan ako ng fans.
Pero kasi kapag lumaban ako, maraming madadamay eh. Paniguradong mawawalan ng fans ang buong Primrose. At ayokong mangyari 'yun. Pinaghirapan naming makarating dito. Ayokong sayangin ang pinaghirapan namin.
Pati si Blue, pwedeng madamay.
And that's the least thing I wanna do right now, to fight.
"Kuya, hindi sa lahat ng oras na nasa tama ka, dapat kang lumaban. Minsan mas mabuting isipin ang kalalabasan ng paglaban. Kung may madadamay ba."
"Nasa sayo naman ang desisyon, Ash Basta nandito lang ako. Handa ako maging kuya sa lahat ng oras." Pagmamalasakit ni kuya.
"Alam ko, kuya."
Pinatay ko na ang tawag ni kuya.
Alam ko nasa akin pa rin ang desisyon. Pero kung gagawin ko 'yun magiging makasarili ako. And that attitude is what I hated the most, selfishness.
"Alam mo feeling ko iisang tao ang pinagmulan ng rival issue at nagkalat ng pictures niyo ni Blue. At kung may mga litrato siyang ganun, ibig sabihin sinusundan niya kayong dalawa." Hinala ni Lei.
"Alam ko. At may hinala na ko kung sino." Sabi ko sa kanya.
Napag-isip isip ko na 'to. Kung gusto niya kaming paghiwalayin ni Blue at taga-BC siya, hindi malayong si Celine Barcelo ang may pakana ng lahat ng ito. Pero hindi ko pa napapatanuyan.
Hypothesis will never be a conclusion without basis.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanficAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...