Weakest Point
"Anak, bangon na. May bisita ka." Katok ni mama sa pinto. Nagising ako hawak-hawak ang ulo ko. Shit! I have an headache.
Teka! Sinong bisita?
Bumaba ako na hindi man lang nag-aayos. Baka si Lei 'yan. O, isa sa mga kagrupo ko.
Ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako sa hagdan ay agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa loob ng kwarto ko. Agad ko itong nilock at tumalikod sa pinto. Shit! Bakit nandito si Blue? Kaharap pa niya sina papa at mama.
Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Wearing a maong shorts and a grey t-shirt, I planned to go down. Bakit ba ko kinakabahan?
Pababa pa lang ako damang-dama ko na ang paninitig niya.
"Dati rati Abo hindi ka naman naliligo kung may bisita tayo. Anong mayro'n?" Pagpapahiya ni kuya sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at tsaka inirapan. Kainis!
Napatingin ako kay Blue at kitang-kita ko ang pagngisi niya. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko mamayang hapon pa ang practice namin. Ba't ang aga-aga nandito siya?
Binalingan ko ng tingin si papa na seryosong sumisimsim sa kaniyang kape habang kaharap si Blue.
"Pa, bakit ang seryoso niyo?" Pagbibiro ko sabay upo sa tabi niya.
"You just need to love her like how we love her so much. 'Yan lang ang hinihiling ko. Kung ikaw ang pinili ng anak ko, naniniwala ako sa desisyon niya." Sabi ni papa kay Blue. "Anak, may pupuntahan raw kayo ng boyfriend mo. Pinaalam ka lang niya sa 'kin." Baling naman sa 'kin ni papa.
"Po?" Napatingin ako kay Blue para sagutin ang tanong ko.
"You can keep my promise. Loving her is my favorite thing to do."
Nakatitig siya sa 'kin habang sinasabi niya ang mga linyang ito na dapat ay para kay papa. Ngumiti siya at agad ko rin siyang sinuklian ng ngiti. God!I'm so lucky to have this man.
"Anak, napaghahalataan kang masyadong in love sa kanya. Magpalit ka na dahil may pupuntahan pa kayo." Pagbibiro ni papa.
Agad akong umakyat sa taas dahil sa sinabi ni papa. Saan ba ako dadalhin ng Asul na 'to?
Wearing a long black cardigan with white spaghetti strap tank top inside and a jeans, I wouldn't know that I would be this so excited. Na kahit hindi ko pa alam kung saan kami pupunta ay willing na willing akong sumama. I should get used to it. Blue Collin is a man that can make my systems weird.
Nagpaalam kami kina mama at papa tsaka kami sa kotse niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng agad kaming makapasok sa loob ng sumakay sa kotse niya.
"We will leave this world for 3 days."
"3 days? May trabaho tayo. At nasa kontrata kong hindi dapat ako umabsent within the whole month." Sisimulan na ang pagpiprepare para sa bagong album. Hindi kami pwedeng umalis.
"I have it all in control. So, you don't have to worry. Gusto kitang masolo. 'Yung ako lang ang tagahanga mong makakakita sa'yo. So be ready." Bigkas niya habang nagdadrive.
"You didn't tell me. Wala akong dalang damit."
"I told you, everything is in control." Mayabang niyang sabi.
"Teka! Anong pinag-usapan niyo ni papa?" Naalala ko ang seryoso nilang mukha kanina.
"I told them that I'll marry you." Sabi niya ng wala man lang ka-ekspresyon sa mukha habang nagdadrive.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...