Decision
Pinag-iisipan ko pa rin ang sinabi ni Lei. Yes! I'm happy when I'm singing. At pangarap ko talagang sumikat sa larangang ito.
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapatulala dahil sa kakaisip tungkol dun sa audition.
"Anak, ano bang iniisip mo at tulala ka riyan? Ni hindi mo pa nga nababawasan yang pagkain mo." Puna sa'kin ni mama.
Try ko kayang sabihin sa kanya. Baka matulungan niya pa kong magdesisyon.
"May napanood po kasi kami ni Lei na audition ng Primrose. Sa Manila po." Kwento ko.
"Oh, anong problema?" Tanong niya.
"Kilala mo naman ako ma. Gusto kong kumanta pero kasi 'di ba nga priority ko ang pag-aaral ko."
"Anak, pangarap mo yan. Walang mangyayari kung hindi mo susubukan. Just try." Pangaral ni mama.
"Isipin mo lahat ng pwedeng maging dahilan mo para mag-audition. Pati rin ang mga dahilan kung bakit hindi ka dapat mag-audition. At tsaka mo timbangan. Ano mas nakalalamang?" Turo ni papa.
May point si papa. Ginawa ko nga ang sinabi niya.
"Ikaw? Magau-audition. Asa ka! Baka sa mukha mo palang, bagsak ka na." Pangangantyaw ni kuya sabay thumbs down.
Kahit kailan talaga hindi siya nakakatulong. Kuya ko ba talaga siya?
"Atleast ako may gagawin sa pangarap ko. Eh ikaw, baka nga wala kang pangarap eh." Asik ko naman.
"May pangarap ka nga, wala ka namang ganda. Edi useless."
"Kung wala akong ganda, wala ka rin. Magkapatid kaya tayo." Ganti ko sa kanya.
"Nash! Tigilan mo na nga yang kapatid mo." Utos ni mama.
Buti nga sa kanya.
"Oh Ash! Nakapag-isip ka na ba?" Tanong ni papa.
"Meron na po. And it's final. Thank you po." Sagot ko.
"Whatever your decision is, we are always here for you." Sabi ni mama.
"Ang drama niyo ma." Panira ni kuya.
Tsk. 'Di kasi siya sweet eh.
"Pinapagaan ko lang naman ang loob ng kapatid mo. Ikaw talaga."
"Matanda na yan." Asik pa niya.
"Mas matanda ka, hoy!" Ganti ko sa kanya.
"Tigil na." Utos ni papa.
Excited na kong sabihin kay Lei ang desisyon ko.
Pagdating ko sa school, hinanap ko agad siya. At nakita ko siya sa canteen. Nag-aalmusal siya.
"Audrey Lei! Umagang-umaga kain ng kain.Kaya tumataba eh." Sabi ko sa kanya.
"Tse! Hindi kasi ako nag-almusal. Oh ano? Nakapagdesisyon ka na ba?" Tanong niya.
"I won't take the audition." Sagot ko sabay sad face.
Bigla na lang lumungkot ang mukha niya. Eh sa niloloko ko lang naman siya eh.
"Hoy! Biro lang. 'To naman. Sasama ako sayo. Baka makonsensiya pa ako kung hindi ka nakapag-audition eh."
"Talaga! Wala ng bawian. Nakapagdesisyon ka na. Yes!" Masaya niyang sabi sabay yakap sa 'kin.
Sa sabado na yung audition. Naghahanda na kami ng aming audition piece. Naging busy kami sa pagpapractice ng aming kakantahin at sasayawin.
Fire ng BTS ang sasayawin namin. Napag-alaman kasi namin sa kanilang fb page na pwede kaming magsabay sumayaw. At pagdating sa pagkanta, maghihiwalay na kami.
Secrets ng One Republic ang kakantahin ko.When We Were Young naman ni Adele ang kay Lei.Hindi ko maiwasang mangamba sa naging desisyon ko. Sana worth it 'tong pagod sa pagpapractice.
I hope my decision is right.
A/N:
Whaaaaa! She will take the audition.
Makakapasok kaya sila?
Comment your thoughts about this chapter.
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...