Chapter 25

33 13 4
                                    

First Day

Kasalukuyan akong papunta sa sariling bahay ng buong Aces ngayon. Sabi ni Manager may bago raw silang gagawing album ngayong buwan kaya 'yun ang magiging trabaho ko ngayon. Sa pagtatapos ng buwan na 'to ay ang paglabas ng bagong album at ang pagtatapos rin ng kontrata ko sa kanila.

Kaya ko 'to. Isang buwan lang, Louise.

Ipinasok ko ang kotse ko papunta sa parking lot nila ng makilala ako ng guard na nagbabantay sa gate.

"Hinihintay na po kayo ng buong Aces, Ma'am." Pahayag niya.

Entering the pathway with my own feet, I can clearly see the white mansion-like house in front of me. Ang sabi sa 'kin ni Manager ay ginagamit lang nila ang bahay na 'to tuwing may bago silang album at hindi nila ito ginagamit pang personal dahil may kanya-kanya silang condo.

Agad kong pinindot ang door bell pagkarating ko sa main door ng bahay. Pero baka mauulit ko itong pindutin dahil hindi ako pinagbuksan sa unang pagdoor bell ko.

I started to raise my hand for the second time when the door suddenly open and it showed a man with a pair of rounded eyes and a half-naked body. Dahan-dahang tumutulo pababa ng kanyang katawan ang kaniyang mga pawis like they are tracing every part of him. And there I saw how his well-built body screams of too much attractiveness. Shit! I can't resist too look.

"What a proper way to welcome your visitor." Mataray kong sabi upang matakpan ang panghihina sa kaloob-looban ko. Damn, Blue!

"You didn't like it?" May laman niyang tanong. "From what I saw, you were staring at my body from the moment I opened the door like you were fantasizing every part of it." Dagdag niya habang pinaglalaruan ang kaniyang ibabang labi sabay titig sa 'kin mula ulo hanggang paa.

"I'm sorry but no body can attract me no matter how well-built it is."
Pahayag ko sa kanya. That's the truth actually. I'm not fond of abs, muscles,
etc... I don't idolize someone just because they have abs. I'm actually into talents, personality plus an attractive looks. Hindi ako nakukuha sa pakita ng abs.

Pero ang lalaking 'to, sinalo na ata lahat ng nakakapag-attract sa 'kin with a bonus of well-built body.

At naiinis ako! Paano ko lalayuan ang lalaking 'to?

"Oh, really?" Tanong niya sabay hakbang papalapit sa 'kin. Tangina!Nasaan ba ang mga kamiyembro niya?

Hindi ako nakagalaw sa paglapit niya hanggang sa itinapat niya ang mga labi niya sa tainga ko.

"But I can feel how intimidated you are, right now. Tell me, how strong are you?" Bulong niya.

The feeling of his breath on my ear just added the softness I'm feeling. My knees are trembling. Na para bang isang maling galaw pa niya ay hindi na nito kakayanin.

Pero imbes na manghina ng todo ay lumaban ako. " 'Stay away from me'. Do you still remember?" Bulong ko pabalik para maging sagot sa katanungan niya.

Humakbang siya patalikod na para bang natauhan siya dahil sa sinabi ko. At doon lang bumalik ang lakas ko mula sa panghihina. But then a sudden pain in my heart strikes when I realized that it was the second time he stepped back away from me.

"Oh, you're here." Sigaw ni Zaniere habang pababa sa sementadong hagdan. Nakita ko rin ang sunod-sunod na pagbaba ng tatlo pa nilang kamiyembro. At ang pinakamalupit?Kasalukuyan na rin ngayong pababa si Celine Barcelo.

"What's with your outfit? May dala ka bang pang-practice?" Salubong sa 'kin ni Zaniere. Tinignan ko ang kabuuan ko. I'm wearing a jumper short with an off-shoulder blouse inside of it.

"Wala. 'Di ba pag-aaralan lang natin ang mga kanta ngayon? Line distribution?" Nagtataka kong tanong sa kanya. That's what Manager said to me.

"May tv guesting tayo bukas. At gusto ni CEO na ipakita sa mga tao na kasama ka namin pansamantala sa grupo. Kaya kailangan nating magpractice ngayon." Sanderson explained.

Ahhh! That explains how Blue is full of sweats.

Napatingin ako sa lalaking kasalukuyang laman ng utak ko. Natagpuan ko kung paano kumapit sa braso ni Blue ang babaeng artista. Tss! Bakit ba siya nandito?

"Bakit ba lagi ko na lang nahuhuli 'yang mga mata mong nagtataray?"
Puna ni Zaniere. Hays! Isa pa 'to!

"Bakit ba lahat lahat na lang napapansin mo?" Asik ko sa kanya na naging dahilan ng singhapan nilang lahat. Nakita ko pa kung paano ngumisi si Blue.

"Aba! Tumba si koreano."
Mapanuksong sabi ni Flyx sabay halakhak. Koreano? Siguro dahil sa mga mata niya. Nakisabay rin ako sa tawanan nila.

"Shut up!" Asik niya kay Flyx sabay harap sa 'kin at halukipkip.

"Humanda ka." Banta niya sabay akyat na sa taas kung saan sila nagpapractice.

"Matatakot na ba ko?" Paghahamon ko sa kanya habang paakyat siya.

"Matakot ka kung may lumapat na naman jan sa labi mo."

Tangina! Agad akong nakaramdam ng hiya sa mga tinging itinugon ng mga taong nakapaligid sa 'kin dahil sa mga binitawang salita ng walanghiyang lalaking 'yun.

"I can feel a volcano ready to blow." Bulalas ni Flyx sabay akyat na rin pero bago siya humakbang sa unang baitang ay hinawakan niya ang balikat ng lalaking tinutusok ang ilalim ng kaniyang pisngi gamit ang kaniyang dila at tsaka ito bumulong. Ano kayang sabi niya kay Blue?

"Tara na, Louise." Pag-aya ni Xyron sabay turo sa ikalawang palapag.

Sinundan ko sila Sanderson at Xyron na paakyat. Moving up, I can feel the intense presence behind me. Na para bang unti-unting natutupok ang tapang ko gamit ang mainit niyang presensya. Alam ko si Blue at Celine ang nasa likuran ko. "You are already wet, Blue. I'll get a towel." Dinig kong sabi ni Celine sabay baba. Damn it! I can't help but to feel bitter and insecure.

"You are walking slowly. Are you bothered?" Bulong ni Blue ng makalapit siya sa 'kin. Shit! Ramdam ko na naman ang presenya niya.

"I'm not." May diin kong sagot tsaka binilisang umakyat.

Ewan ko pero... para bang natatakot na kong makitang tumalikod siya muli sa 'kin. That he would step back again away from me. Kaya mas pipiliin ko na lang sundin ang gusto niyang mangyari. To stay away from him, the man I love so much.

Nakarating ako sa practice room nila.

The room is carpeted with a wooden floor. In front, a mirror is visible in the whole part of the room. Sa kanang bahagi naman makikita ang speaker na ginagamit nila.

Maraming tao ang nasa loob. Their choreographers, I guess. Nasa loob rin ang Manager nila. Great! Ako lang ang taga-ibang kompanya.

"So, si Louise ang narecruit ng kompanya natin. You all already know her, I guess." Pahayag ng manager nila. "Louise, those team of boys are the choreographers. While, these are the members of Aces." Pagpapakilala niya sa kanilang lahat. "And that is Celine Barcelo..." Sabay turo niya sa babaeng kakapasok lang sabay lapit kay Blue at punas ng pawis nito.

"Blue's girlfriend." Dagdag ni Celine. Ngumiti siya sa 'kin at halatang-halatang peke ito. So, I did give her the fakest smile I can ever give to the woman I hate the most. Tss!

Pero ipinagtaka ko ang pagtahimik nilang lahat. Nakatingin sila na para bang pinapanood ang reaksyon ko. Tangina! Kahit hindi pa rin ako nakakapagmove-on, hinding-hindi ko ipapakita 'yun.

"Done staring? Let's start the practice." At 'dun lang sila natauhan lahat. Nakakainis! It's awkward. 'Di bale isang buwan lang 'to Louise.

Narinig ko pa kung paano tumawa ng mahina ang lalaking nasa tabi ko.

"Grabe! Kakaiba ka talaga. I can now understand them." Bulong ni Flyx.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon