Chapter 9

44 31 3
                                    

Terminal

Nagising ako na nasa loob ng kotse ni Blue. Seryoso siyang nagdadrive at nakatingin sa daanan. Nakahawak ang isang kamay nito sa manibela at ang isa nama'y pinaglalaruan ang labi.

Nanaginip ba ako o talagang ganito kami kalapit ngayon?

Gumalaw ako ng konti upang ipahayag sa kaniyang gising na ko. Agad niya akong binalingan ng tingin ngunit agad balik sa dinadaanan namin.

"D-do you know me?" Nauutal kong tanong.

Sobrang kuryoso na talaga ako eh. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang gawin at sabihin lahat ng interaksyon namin o napagkakamalan niya lang ako. I don't really know.

Hindi siya sumagot.

Inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng isang building. Lumabas siya at agad niyang hinablot ang kamay ko papasok sa lobby ng building.

Ewan... hindi ko maintindihan ang sarili ko ba't hinahayaan ko lang siyang hilain ako kung saan niya gustong pumunta.

Pumasok kami ng elevator ng tahimik.

"Do you know me?" I tried to ask again hoping that he'll finally answer me but there's nothing come out in his mouth. And it's frustrating me!

Nakakainis! Kanina pa ako nagtatanong rito eh. I'm really really curious and it's killing me. Ang dami kong tanong pero kung una pa lang eh hindi niya na ko sinasagot, what more pa sa iba.

Pagkalabas namin sa elevator, agad kaming pumasok sa isang room probably his condo.

Pagkapasok pa lang namin, agad kong binawi ang kamay ko dahil sa inis.

Agad naman siyang napaharap sa 'kin.

"God, Blue! We're total strangers and you're just pulling me here like you know me so much." Inis kong sabi.

"Get in the bathroom. Take a shower so that you'll get sober." Utos niya na parang hindi narinig ang mga sinabi ko.

"No." Pinal kong sabi sabay talikod na upang lumabas ng condo niya ngunit agad niyang hinila ang aking palapulsuhan at iniharap ako.

"I've known you for a long time. Now, can you please take a shower so that you'll get sober." Pagmamakaawa niya. Punong-puno ng pagsusumamo ang mga mata nito at mapupungay.

"I'll take a shower but promise me you'll explain everything."

"I promise." Agaran niyang sagot.

Sinunod ko ang gusto niyang mangyari. Pero huli na ng mapagtanto kong saan ako kukuha ng isusuot ko.

Lumabas ako sa shower room at nakita ang isang oversized white t-shirt with a maong short and a pair of underwear.

Nabigla ako at nahiya. Pero agad ko na rin itong sinuot at lumabas ng bathroom.

Naabutan ko si Blue na nakatalikod at nakahilig ang mga braso nito sa kaniyang balkonahe. Basa ang buhok nito at nakaputing t-shirt na rin at shorts. Kakatapos rin siguro nitong maligo.

Agad itong napaharap sa 'kin at lumapit.

My heart beats fast while he's approaching slowly. He looks so damn good.

"N-now, e-xplain it to me." Matapang kong sabi.

Umupo siya sa kama at napatili ako ng bigla niya akong hinila at napaupo sa kaniyang mga hita.

He snaked his arms around my waist. I'm feeling his breath on my ear.

"W-what are you doing?" Nauutal kong sabi.

Hindi ko ba alam pero ba't masaya ako. Hindi ko mapigilang sumaya sa mga nangyayari ngayon. Is it true? Is it really happening?

"I've known you for a long time. It started years ago." Pagsisimula niya na ikinabigla ko.

Ang tinutukoy niya ba yung nangyari years ago sa may terminal ng bus?Pagkatapos ng audition? Noong sinungitan niya ko?

"In the terminal. The time when I'm being harshed on you. The time when I regret not being nice to you. The time where it all started..."
Pagpapatuloy niya.

Nabigla ako. 'Yun yung time na inis na inis ako sa kanya dahil sa ugali niya. Dahil sa pagsusungit niya.

He rested his chin on my shoulder. Hindi ko alam pero ba't hindi ko siya mabawalan sa mga ginagawa niya ganung hindi naman talaga kami ganito kaclose.

His moves are just for someone he loves. Someone that is dear to him. His girlfriend... or wife.

"Nabaliw siguro ako at natuluyan na dahil narinig ko ang boses mo. I can't run from it anymore. I can't run from you anymore. I'm falling deeper and deeper." He whispered.


End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon