Epilogue

51 12 5
                                    

His Point Of View

"Sungit!" Sigaw sa 'kin ng babaeng nakabangga ko.

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniyang likod na papalayo sa 'kin. I'm speechless, and I don't know why. I can't get to stop staring at her from the moment she started talking, and I still don't know why. Why am I being like this?

Siguro dahil siya lang kauna-unahang fan that talked back at me. She's so straight forward. Kung anong gusto niyang sabihin ay sasabihin niya ng taas noo. And I can't deny the fact that she's so attractive. Very attractive.

Naagaw ng atensyon ko ng isang bagay na nakalapag sa sahig. It's her i.d.

"Ash Louise M. Tyler."

Itinago ko ito sa loob ng aking wallet at isinawalang-bahala. I shouldn't think about her.

Pero bawat araw na lumilipas,hindi siya maalis sa isip ko. Her eyes, her touch, her braveness. I can't seem to forget her. I can't seem to forget that particular fangirl of mine.

"Hoy, Asul! Magpapractice na tayo. Tigilan mo na 'yang pang-iinstalk mo jan sa babaeng Abo na 'yan. Wala kang pag-asa jan. Tinawag kang sungit eh." Pang-iinsulto sa 'kin ni Zaniere.

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng pagkikita namin. And from that moment, I can't understand why am I so attracted to her making me stalk her everyday. I really can't understand what's with her that's making me curious. So so curious.

"Tangina! Tinamaan ang bunso natin. Patingin nga." Bigkas naman ni Kuya Sander sabay silip sa phone ko. "Galing pumili ah." Sabi niya pagkatapos niyang makita ang profile picture ni Ash.

"Naku! Kuya Sander, magaling nga siyang pumili pero 'yung babae siya ba ang pinili?" Pang-aasar pa ni Zaniere.

"Bakit naman hindi niya pipiliin si Asul?"

"Torpe kasi! Sungitan ba naman ang ganiyang kagandang babae." Sagot ni Zan.

"Tangina mo, Zan! Tumahimik ka!" Sigaw ko sa kanya.

-----

Dumating ang araw ng debut nila. And for the first time, I heard her sing.

The girl with the most angelic voice that I ever heard.

Na-hypnotize nga talaga ako ng boses niya dahil nagawa ko ng sabihin sa kanya lahat. Kahit ilang beses akong lumayo, ilang beses kong takbuhan ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko na kaya.

Hindi ko siyang magawang lapitan kahit na ang lapit-lapit niya na sa 'kin. Hindi ko siya magawang kausapin kahit ang dali-dali lang gawin. Pinipigilan ako ng pwedeng mangyari. Pinipigilan ako ng career ko. Dahil alam kong talent siya ng kalaban naming kompanya. At dahil sa una naming pagkikita.

But I can't take it anymore. I want her close. I want her to love me. I want her. I really do.

"Nabaliw siguro ako at natuluyan na dahil narinig ko ang boses mo. I can't run from it anymore. I can't run from you anymore. I'm falling deeper and deeper."

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang resulta ng pag-ibig.

"We need to let go. I can't fight,
anymore. I'm inlove with you, my bias yet my rival."

Bumitaw siya.

Hindi siya lumaban.

Iniwan niya ko.

I love her so much. Pero masakit isipin na ako ang dahilan ng mga luha niya. Her tears remind me of how fate was so hard on us.

Mahal ko siya. Mahal niya ko. Why can't we just stay together?

------

"Bumalik na siya." Panimula ni Zaniere matapos kong lumabas ng kwarto upang mag-almusal. Simula ng umalis si Ash, dito na ko tumira sa bahay naming lima.

"What now?"

Pero tumawa lang siya sa naging reaksyon ko.

"Mukhang alam mo kung sino 'yung tinutukoy kong bumalik na. Wala naman akong binanggit na pangalan. Tsk! When words lie, actions speak truth." Pang-iinsulto niya sa 'kin. He got me.

Hindi ko na lang siya pinansin. Pero ang ikinagulat namin ay ang pagdating ni CEO sa bahay namin kasama si Manager.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. I'll tell you the reason why I'm here." Pagsisimula ni Mr.Perez. Lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa kanya. "You all are aware na nangunguna na ngayon ang ML. At hindi ako makakapayag 'dun. And the only solution I came with ay ang palipatin sa 'tin ang pinakasikat na miyembro ng Primrose and that is Louise Tyler."

Sa mga narinig ko,alam ko na kung anong binabalak ng matandang 'to.

"And I want you to do it Blue. Alam kong may past kayo kaya alam kong kaya mo." Utos ng matandang Perez.

"I won't." Sagot ko sa kanya sabay tayo at talikod sa kanilang lahat.

"Do it for our company." Dagdag pa niya.

"It's your company. It's not mine. And don't you ever do something stupid to her. That's a threat."

Dumating ang araw ng welcome back party nila. And hell, we're invited.

Taking a sip at my coffee in the balcony, Zaniere entered my room.

"Blue, gawin mo na lang kung ano ang pinapagawa sayo ng matandang 'yun. Alam nating pareho na hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha si Louise. At may naisip akong plano. Mamaya may magaganap na Auction sa party nila. Kailangan nating makumbinse ang matanda na gagawin mo na ang pinaplano niya para hindi na siya magbalak ng iba pa para makuha ang babaeng Abo. Pipiliin natin siya sa kanilang lima. 'Yun lang naman eh. Hindi mo na kailangan pang lapitan si Louise. Ang drama mo eh. You keep on denying your feelings na nakakalimutan mong halatang-halata ka na. Tignan lang natin kung hindi mo pa siya lalapitan mamaya sa gagawin ko."

------

She is now walking towards me. And I can't seem to stop looking at her. She is the most beautiful view I've ever seen in my life.

Pakakasalan ko na siya. Pakakasalan ko na ang tagahanga ko.Pero ang hindi niya alam. Ako ang tagahanga niya. Her braveness, her heart, her passion. The things that made me fall in love and became her fan. Her number one fan.

Hindi ko alam na halos ng mga luha niya'y ako ang dahilan, sa akin pa rin siya babagsak. Sa aking bisig, sa aking halik, sa aking puso. And I'm going to love her always.

Muli kong nasaksihan ang pagpatak ng luha niya habang papalapit siya sa 'kin. She's so beautiful. Her tears are beautiful.

Hindi ko na kayang maghintay agad ko siyang hinatak papalapit sa 'kin at hinalikan.

"God! How can you make me this so crazy."

Kahit ayokong masaksihan ang mga luha niya, alam ko dulot ito ng sobrang saya. And I want to embrace her tears. Kasi ito ang patunay, that our love story is strong.

I am happy. I am so happy .'Cause this beautiful lady beside me will be mine.

I am now marrying my fangirl.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon