With A Smile
Nagising ako na sobrang mugto ng mga mata ko. Iyak kasi ng iyak eh.
Asul:
Are you okay?
I got a text from him. The man behind those tears last night.
Me:
I'm okay.
Blue:
Just rest for today. I know you're not okay.
Kilalang-kilala niya na talaga ako.
Magrereply na sana ako ng biglang pumasok si Lei.
"Okay ka na ba? Tignan mo 'yang nangyari jan sa mga mata mo." Sabi niya sa 'kin.
Umuwi kasi ako kagabi at naikwento ko sa kanya lahat. Iniyak ko ng iniyak sa kanya lahat kasi ayokong ipakitang umiiyak ako kay Blue.
"I did a background check about the rival issue between you and Blue. At napag-alaman kong isang babaeng nagtatrabaho sa kompanya ng BC ang nagkalat na dapat kayong magkalaban ni Blue." Pahayag niya.
"Sinong babae?"
"May suspek bang gagawa ng krimen at ipapahayag sa lahat na siya ang gumawa n'un?"
"Pero paano mo nalaman na nagtatrabaho siya sa parehong kompanya ni Blue?" Kuryoso kong tanong.
"Feeling ko gusto niya talagang iparating sa'yo na taga-BC siya para mas lalo mong pag-initan ang kompanya nila. Hindi niya kasi inalis ang detalye na taga-BC siya." Dagdag pa niya.
"Eh, ano naman ngayon kung nagtatrabaho siya sa BC? Ang gusto ko lang malaman ay kung sino siya at bakit niya kinakalat ang nakakainis na issueng 'yun."
"That's what I'm impossible to get kasi she deleted her account pagkatapos niyang maikalat yung issue. At 'dun na nagpapapasa-pasa sa mga tao ang idea na dapat ngang magkalaban kayo ni Blue. In short, she's the source of the idea of that rival issue." Paliwanag pa niya. "Ano lalabanan mo ba ang issueng 'yan?"
"Paano ako lalaban kung hindi ko alam kung sinong kalaban? At tsaka wala naman na kong magagawa kung malaman ko man kung sinong nagkalat. Wala na nangyari na, tutol na ang magulang niya."
"So, gan'un na lang 'yun. Susuko ka na? Tatapusin mo na?"
"Kakasimula pa nga lang namin, tatapusin ko na? Hindi ko pa nga sinusubukang lumaban, susuko na agad?" Matapang kong sabi sa kanya. "Ang problema lang nakasalalay ang career ni Blue kung ipaglalaban ko ang relasyon namin."
"'Yun na nga. At pati career mo, nakasalalay rin. Remember, this is your dream and you just started." Paalala niya.
"Alam ko. Nakakainis nga eh. Ba't pinagsama pa silang dalawa ng tadhana para maging dahilan ko kung bakit ako nag-audition eh kung pagsasalungatin lang din pala silang dalawa?"
"Mapaglaro talaga ang tadhana." Biro niyang sabi.
Wala kaming nakaschedule na gagawin ngayon kaya nasa apartment lang kami buong araw.
"Abo, dali!" Tawag sa 'kin ni Lei na nanonood ng tv.
"Bakit?"
"Live po tayo ngayon sa conference ng bagong movie team-up na pagbibidahan ng dalawa sa mga pinakasikat na talents ng BC Entertainment na sina Celine Barcelo at Blue Collin ng Aces." Sabi ng showbiz reporter.
"Pumayag si Blue?" 'Di-makapaniwalang tanong ni Lei.
"Obvious naman eh." Seryoso kong sagot.
"Are you okay?"
"Ofcourse. Wala akong karapatan na pagbawalan siya kasi mas nauna ang career niya kaysa sa 'kin. Alam ko priority niya yan." Sagot ko sa kanya.
"Kausapin mo muna siya. I know he has his reasons." Pagpapagaan niya ng loob ko.
Umalis ako ng apartment namin at pumunta sa malapit na beach.
Ewan ko pero parang sunod-sunod na ang sakit na pinaparamdam sa 'kin ng tadhana. Na para bang ayaw niyang maging masaya ako ng tuloy-tuloy. Pero alam ko naman na ganito talaga ang buhay. There's a time when you're too happy, you'll receive too much pain in return.
I sat at the shore watching how beautiful when the sun and waters meet. But then, I suddenly remembered him. When we finally became official. Parang kailan lang ang araw na 'yun. Ang araw na sobrang saya ko. Nakakatawa dahil bago lumubog ang araw, nasaksihan niya pareho how happy and sad I am.
Kukunti na lang ang taong naliligo sa may dagat. Malalayo pa ang distansya nila sa 'kin. Kaya wala pang nakakapansin sa 'kin.
Gusto ko lang mapag-isa ngayon. Gusto ko lang mag-isip ng positibo. At para magawa 'yun, I need to come here where I can see positive things.
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.I played this song 'cause this song is what makes me feel that I can face any problem. That it's okay to cry. When I was young, this was my favorite song. Pinatugtog 'to ni papa n'ung minsang umiyak ako dahil sa pagod na kong mag-aral, dahil sa sobrang daming responsibility mo bilang isang estudyante.
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But dont let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song."It's a wonder love can make the world go round." Sabi sa kanta. Pero para sa 'kin, love is what makes this world worth living for.
Sumabay ako habang nagpiplay yung kanta. Pero nabigla ako ng may isa pang boses ang sumabay. A voice of a man.
"Ba't ka nandito? Tapos na ba yung conference niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Girl I'll stay through the bad times.
Even if I have to fetch you everyday.
We'll get by with a smile. You can never be too happy in this life." Sabay niya sa kanta at hindi sinagot ang tanong ko.Dahil sa inis ko, pinatay ko ang tugtog.
"Don't you like it when I sing?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko.
"No." Matapang kong sabi. "Ba't ka ba kasi nandito? At tsaka paano mo nalaman na nandito ako?"
"Pero alam mo, gustong gusto ko kapag naririnig kitang kumakanta. May gayuma ata 'yung boses mo eh." Pang-iinsulto niya.
Dahil sa inis ko, agad akong tumayo at aambang babalik na sa kotse nang agad niya kong hinigit at ilagay sa pagitan ng kanyang mga hita. Then, he snaked his arms around me.
"I'm sorry. I'm sorry for making you cry, for making it unbearable. I'm really sorry." Bulong niya sa tainga ko. "Pumayag ako sa alok nilang movie team up namin ni Celine dahil gusto ko lang mawala ang issue ng pagiging rival nating dalawa. Naisip ko na kapag may bagong pag-uusapan ang tao, mawawala na kasalukuyang issue." Paliwanag niya.
"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag eh. Wala akong karapatan na pagbawalan ka kung anuman ang dapat mong tanggapin sa mga projects na inaalok sayo kasi mas nauna ang career mo kaysa sa 'kin. Pero hindi ko maiwasang mainggit eh."
"No. Kahit na nauna ang career ko, mas mahalaga ka. Kaya kong bitawan kung nasaan man ako ngayon kung kinakailangan para lang makasama ka. I will always choose you. So don't think about it."
"Ayokong maging dahilan ng pagkawala ng pinaghirapan mo, Blue."
"Mas pipiliin kong mawala ang career ko kaysa mawala ka. Kaya kong kumanta na kahit ikaw lang ang nanonood. Kaya kong sumayaw na kahit ikaw lang ang pumapalakpak. At kaya kong maging masaya higit pa sa naibibigay na saya ng pagpiperform sa 'kin dahil kasama kita. There's nothing like you in this world. So stop envying."
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...