Chapter 6

74 39 13
                                    

Confused

Nandito na kami ni Lei sa Manila. Nameet na rin namin ang mga kagrupo namin.

*Ash Louise Tyler
-16 yrs.old/main vocalist
*Audrey Lei Clark
-17 yrs.old/main dancer
*Kara Grae Hanson
-19 yrs.old/lead dancer
*Tasha Mace Tyson
-21 yrs.old/lead vocalist
*Xyna Keith Casley
-21 yrs.old/lead vocalist/leader

May sarili kaming bahay. And it has 3 rooms. Magshishare ang dalawang tao sa isang room. Then ang isa solo sa isang room.

Roommate ko si Ate Mace. Si Kara ang karoommate naman ni Lei. At solo ni Ate Keith. Well, siya kasi ang leader namin.

3 years ang training. Sabi ni Manager hindi muna raw kami ipapakilala hangga't hindi pa tapos ang training. Kailangan talagang handa bago ang debut namin.

Training. Pahinga. Kain. Tulog.

Ganyan ang routine namin araw-araw. Sobrang nakakapagod. Pero kung iisipin, lahat ng pinagpapaguran ay worth it.

Lumipas ang dalawang taon at ganyan pa rin ang mga ginagawa namin. 'Di bale, malapit naman ng matapos ang training na 'to.

Break namin ngayon. Napag-isipan nila Ate Keith na maghang-out daw muna kami. Sa isang club namin napag-planuhang pumunta. I'm already 18. Kaya pwede na.

"Louise, wag masyadong magpapalasing ha." Paalala sa 'kin ni Ate Mace.

"Got it."

Louise kasi ang napag-isipan kong gawing stage name ko. Si Lei naman hindi na binago. Mas maganda raw kasi ang Lei.

"Ikaw rin, Lei."

"Arasseo(alright)." Sagot niya.

Napag-isipan kong umorder ng drinks. Ito naman kasi ang pinunta ko rito. Hindi ang sumayaw at magparty.

"Oh, Asul. 'Asan mga members mo?Ba't mag-isa ka?" Tanong ni kuyang bartender sa lalaking nakaupo malapit sa 'kin.

"Andiyan lang sila. I just want to drink." Sagot naman ni kuyang Asul.

Wait! I know that voice.

Bigla kong napagtanto. Asul is Blue, right?

Bigla akong napaharap sa kanya. I know it's him. Pero bigla kong naalala ang nangyari two years ago. Sinungitan niya ko. Pwedeng maulit ulit yun kapag lumapit ako sa kanya na parang isang die-hard fan niya.

But I have changed. Sabi kasi ni Manager dapat raw we have to learn how to act like professionals. Hindi na raw pwedeng maging tulad kami ng ibang babaeng patay na patay sa mga iniidolo namin.

Kaya nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Malapit lang kami sa isa't isa.

I can't resist to look on his side. Wearing a black hoodie with shorts, I find him very attractive even with just that outfit.

May biglang lumapit sa kanyang babae. With her morena looks and sexy body, I know she's an actress.

Umiwas ako ng tingin ng may binulong sa kanya si Celine. She's Celine Barcelo. One of the actresses of BC Entertainment, Aces' company.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa glass na hawak ko.

Bitter thoughts came to my mind. Maybe she's Blue's girlfriend. But I don't like having this thought. Damn!

"Alone?" Biglang sabi ng nasa harap ko.

Nabigla ako dahil si Zaniere ito ng Aces. My god! Napapaligiran ako ng Aces.

Nasa may lugar siya kung nasaan ang bartender kanina.

"Nope." Simpleng sagot ko.

"You look pissed." Puna niya. "Try this one. It's good. Pampaganda ng pakiramdam." Sabi niya sabay bigay sa 'kin ng isang glass wine.

Napatingin ako kay Blue. Naabutan kong nakahawak siya sa baywang ni Celine. Oh! Another one.

Agad ko ng ininom ang alak na sinuggest sa 'kin ni Zaniere. Hell! Why am I feeling this way?

"Wanna dance?" Tanong niya.

Ayoko talagang sumayaw pero sa hindi ko maintindihang nararamdaman, pumayag ako. Minsan ko pang pinasadahan ng tingin si Blue and I find his eyes bore in me. Walang Celine'ng nakaaligid.

Nabigla ako ng hinila na ako ni Zan papuntang dance floor. Kaya imbes na manatili ang tingin ko kay Blue, napunta ito sa daanan namin.

I started dancing when Zan is already dancing.

Pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kinaroroonan ni Blue. Bawat pagtingin ko sa kanya, I find his intense stares onto me. Namamalikmata ba ako o talagang nakatingin siya sa 'kin? Hell!

Nabawi ni Zan ang tingin ko ng hinawakan niya ang kamay ko making me turn.

Nang napatingin ulit ako kay Blue ay wala na siya dun. Naiwan na lang ang glass wine niyang pinag-iiuman.

Hinanap pa siya ng mga mata ko sa kung saan-saan ng biglang may kamay na gumapang mula sa baywang ko papunta sa aking tiyan making him to hug me from the back.

"Stop dancing. You're being attractive and I can't take it, anymore."
Bulong ni Blue mula sa 'king likod.

I feel his breath on my ears and his chest on my back.

My heart beginning to beat fast. I can't understand the butterflies on my stomach. I'm starting to numb. My knees are trembling. I'm feeling weak.

Makalipas ang isang minuto, agad siyang kumalas. Umalis siya. Hindi agad ako nakaharap sa kanya dahil sa panghihinang aking nararamdaman.

Did that really happened?

Pinroseso ko lahat ng pangyayari. Ang mga salitang binitawan niya tsaka ako bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Why am I feeling this way? Feeling happy yet feeling unsure. I don't know.

Umuwi kami na gulong-gulo ang aking utak. Pinroproseso ang mga nangyari kanina.

Damn, Blue! How can he make my mind go crazy?

Para saan ang mga sinabi niya? Para saan ang ginawa niya kanina?

Pero may girlfriend siya...

Damn it! I'm confused.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon