Stares
"Welcome back." Maligayang salubong sa 'min ni CEO.
Nandito na kami ngayon sa building ng ML. Kakausapin raw kasi kami ni CEO sabi ni Manager.
"You're great." Baling naman niya sa 'kin. Ba't ako lang? Grupo kaya kami?Bias 'tong CEO na 'to?
Bigla ko na lang nahagip ang pag-irap ni Ate Keith.
"Thank you po." Baling ko kay CEO.
"You did a great job! I knew it from that start you're going to be big stars. I guess tama pala ang naging desisyon kong ilipat kayo sa South Korea. And to celebrate your big success, I have prepared a party especially to you girls. Big companies will also come here to congratulate you. At dadalhin nila ang bawat pambato ng kanilang kompanya para magperform para sa inyo." The CEO said, happily.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Kung pwede nga lang sabihin sa kanyang 'wag na siyang magpaparty eh. Dagdag lang sa pagod. Pero alam kong gustong-gusto ng mga kamiyembro ko. I can see it in their eyes kung paano silang masayang sumang-ayon sa mga sinasabi ng CEO.
"That's great, Sir. Pero ibig sabihin po ba n'un na makakapunta rin ang Aces?" Nabigla ako sa tanong ni Ate Keith. Bigla rin siyang napatingin sa 'kin.
Sa'n nanggaling 'yun? Aces?
"Uhm yeah. Sila lang naman kasi ang pambato ng BC." Nag-aalangang sabi ni CEO sabay sulyap sa 'kin.
Kaya pala parang ayaw sumang-ayon ng sistema ko sa party na 'to.
"But you're rivals?" Biglang tanong naman ni Lei.
Pagkatapos niyang sabihin 'yun, agad din siyang napatingin sa 'kin.
What's wrong with these people?Bakit kung tungkol sa mga Aces napapasulyap sila sa 'kin?
"God! I hate your stares." Asik ko sa kanila.
"Don't tell me hindi ka pa nakapagmove-on Louise?" Usisa sa'kin ni Ate Keith sabay irap.
Did she just rolled her eyes on me twice? Akala ko hindi niya sinasadya 'yung kanina. God! Pinapainit ng babaeng ito ang ulo ko. Parang unti-unti na kong sumasang-ayon sa pinagsasabi ni Lei. Sana lang hindi totoo.
"Mind your own business." Asik ko sa kanya. Wala naman akong ginagawa sa kanya eh bakit may pairap-irap pa siyang nalalaman. At pinapakialaman pa ang pagmomove on ko.
Nakalimutan ko tuloy gumalang."Oh, bakit parang mag-aaway na kayo?" Nagtatakang tanong ni Ate Mace.
"Louise, that's your leader. Concern lang siya sayo." Saway ni Manager sa 'kin.
"I hope so. Sorry." Sabi ko kay Ate Keith. Bumaling ako sa kanya at natagpuan ko ang galit niyang nga titig. Ano bang problema niya?
"Pero Sir, 'di ba magkarival kayo ng BC? Bakit sila imbitado sa party?" Pag-iiba ni Ate Kara.
Napili ko na lang tumahimik at pakinggan na lang kung anong pinag-uusapan nila.
"Actually, hindi niyo ba nabalitaan? BC and ML were done being rivals. At dahil sa inyo 'yun. Ang kompanya na natin ang nangunguna ngayon sa buong Pilipinas." Masayang balita ni CEO. "Maayos na kami ng BC at hindi na namin itinuturing ang isa't isa na magkarival."
Ba't naiinis ako? Ang lupit talaga ng tadhana. Kung kailan iniwan ko siya tsaka naman nagkaayos ang kompanya namin. Great!
Nag-iinit lang ulo ko sa usapang ito.
"That's a good news." Masayang sabi ni Ate Keith.
Napabaling ako kay Lei at natagpuan ko kung paano niya inirapan si Ate Keith. We're on the same page, bessy.

BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...