Sue's Pov
Bago nagsimula ang game nila Harry ay pinuntahan pa niya ako sa classroom namin para sunduin. Hiyawan naman mga kaklase ko at may mga ususero rin sa labas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at hiyang hiya ako. Bakit kasi pinuntahan pa niya ako dito.
Kasama ni Harry ang ilang team mates niya at napansin ko na tanging si Harry lang ang hindi nakasuot ng jacket niya. Dali dali kong inabot ang paper bag sa kanya na may lamang jacket niya.
"Ano to?" Tanong niya sakin ng kunin sa kamay ko ang paper bag
"J-jacket mo yan, n-nakalimutan kong ibigay sayo kanina" tumingin ako sa kanya at nakita ang pagngiti niya habang nilalabas sa paper bag yung jacket
Nagulat ako ng bigla niyang isuot sakin ang jacket at nagsimula na naman ang hiyawan ng mga tao sa paligid ko.
"Regalo ko nalang sayo tutal mas bagay naman sayo at para narin makita nila na gamit mo na ang apelyido ko" ngiting ngiting sabi pa nito na ikinalaglag ng panga ko.
Juiceko ano bang nakain ni Harry? Ayokong mag isip ng kung ano pero kapag pinagpatuloy niya to siguradong mapapaisip ako na may gusto nga siya sakin.
Wala akong magawa ng inakbayan niya ako. Heto na naman ang puso ko, hindi pa man nag uumpisa ang basketball game pero nag di dribble na ang puso ko ng mabilis.
Sabay kaming naglakad ni Harry hanggang sa makarating kami sa gymnasium. Marami ng taong naroroon at lahat ay napatingin samin. Pasimple kong tinanggal kamay ni Harry na naka akbay sakin, ayokong may masabi ang iba sa kanya kaya ako na ang gagawa ng paraan para hindi siya ma tsismis. Okay na ako nalang pag tsismisan nila dahil sanay naman ako at wala ng bago don.
"Dito ka umupo sa kung saan nakikita kita" sabi nito na inalalayan pa ako sa bench malapit sa pwesto nila.
"S-sige" sabi ko tsaka pilit na ngumiti.
Malapit ng mag umpisa ang game nila at isa si Harry sa mga nagpa practice ng shooting sa gitna ng court. Hiyawan naman mga tao sa paligid ko kapag na ishoshoot ni Harry ang bola sa ring. Rinig ko rin ang pagtsi tsismisan ng mga nasa likod ko patungkol samin at ni Harry. Ayoko sanang marinig pero sadyang ayaw yata talaga sakin ni mother earth at pilit pinaparinig sakin. Saang planeta ba talaga ako galing ng mapuntahan ko na, baka sakali sa planetang yon maganda at sexy ako.
Nagsimula na ang laro at tilian ng mga kababaihan ang bumabalot sa loob ng gymnasium. May mga sumisigaw pa ng I love you Harry Domingo at Fighting!. Kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko magawa dahil sa hindi ko alam na dahilan. Ang tanging nagagawa ko lang ay pumalakpak at mapatayo kapag nakikita kong natutumba o nasasaktan siya tsaka magdasal na sana huwag siyang ma injured.
Half time break at kita ko ang tumatagaktak na pawis ni Harry sa katawan. Nakuha pa niyang tumingin sakin at kumindat na nagpabaliw sa puso ko. Heart maghunus dili ka at kumalma pakiusap ko sa puso ko.
Ilang segundo lang lumipas ay muling tumingin sakin si Harry at ngumiti. Naglakad din ito palapit sakin at umupo sa tabi ko.
"Inom ka muna" abot niya sakin sa bote ng mineral water na hawak niya
"Hindi sige sayo nalang yan mas kailangan mo yan" tanggi ko sabay ng reaction saking kamay.
"Uminom na ako sa baba" kulit nito sakin tsaka niya binuksan ang bote at muling inabot sakin
"Salamat" nahihiyang sabi ko tsaka tinanggap ang tubig "pawis na pawis ka" sambit ko pa
"Saan banda?" Tanong nito na pinunasan ang braso niya gamit ang puting towel na nasa balikat niya
"Pati sa noo mo" turo ko sa noo niya. Sa katunayan basa din ng pawis ang buhok niya.
"Paki punasan naman oh!" Pakiusap nito tsaka niya inabot ang towel sakin
Nanginginig ang kamay na kinuha ko yung towel sa kanya. Halos hindi ko rin maiangat ang kamay ko ng punasan ang pawis niya. Wala akong marinig ng kahit ano at pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ni Harry ang tao sa mundo habang pinupunasan ko ang pawis niya.
Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ulit ang game nila. Nagpaalam ito sakin at sinabi na babalik ulit siya mamaya, sabi rin niya huwag akong aalis dito kahit tapos na ang game nila.
***************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...