Sue's Pov
Kinakabahan akong naglalakad papasok ng eskwela. Tulad ng dati nakatakip na naman ang mukha ko sa buhok ko. Hindi na talaga siguro ako masasanay sa mga tao kahit baguhin ko pa ang buong pagkatao ko.
Nakapasok ako sa classroom namin at tanging ang kaklase ko lang na si Ji Soo ang nag good morning sakin. Mukhang nakasanayan nalang niya mag good morning sa lahat kaya pati ako nadamay sa good morning niya.
Sumapit ang break time pero wala pa rin nakakapansin na may nagbago sakin, mas okay nga siguro ang ganito walang nagtatanong tungkol sa itsura ko iwas kahihiyan at hassle na din. Wala akong masasabing ka close ko sa mga kaklase ko, siguro ay dahil ako mismo ang umiiwas sa kanila. Pero may isa akong kaklase na nagbubukod tangi sa lahat, si Seo hyeon.
Magkatabi kami ng upuan ni Seo Hyeon, siya lang ang walang sawang kumakausap sakin at nagsasabi na msgkaibigan daw kami. Lagi niya rin akong inaaya kung saan saan pero lagi naman akong tumatanggi at nagdadahilan.
Si Seo Hyeon, Ji Soo, Ji Yoo at Min Seo ang kasama ko ngayon sa canteen laging kaming lima ang magkakasama kaya siguro inaakala ng mga tao na magkakaibigan kami. Pero sabi nila magkakaibigan nga daw kami. Silang apat din ay patay na patay sa mga K-Pop idols at maraming mga crush. Tinatanong nga nila lagi sakin kung sino ang biased ko sa mga groups na sinasabi nila, wala naman akong maisagot dati dahil wala talaga akong interes sa mga lalaki. Hanggang sa isang araw nag search ako sa net at tininignan yung mga groups na sinasabi nila. Pumili ako ng bawat isang idol kada group at inalam kung sino mga yon. Gusto ko din kasing may masagot at makasabay minsan sa kanila ng hindi ako magmukhang tanga. Maliban sa mga kpop groups ay marami rin silang crush, mapa schoolmate man yan o taga ibang school o nakasabay lang nila sa bus o daan bastat gwapo crush nila. Nakakapagtaka nga dahil halos everyday may bago silang crush o nadagdag na crush, samantalang ako walang makitang pwede kong maging crush.
"Omo!" Napatingin kaming lahat kay Ji Yoo sa naging reaction niya "geuneun gwiyeobda" (cute niya) mahinang dugtong niya sa sinabi niya na pumupuso ang mga mata. Sabay sabay kaming tumingin sa kung saan tumitingin si Ji Yoo at nakita namin ang isang lalaki na kumakain ng spaghetti habang kausap ang isa pang lalaking estudyante
Halos pag awayan ng apat kung sino mas bagay sa lalaki. Lahat sila ay may crush sa lalaki at kahit kailan ayaw nilang nag aagawan sila sa mga crush nila. Katulad ng dati ay naglaro sila ng make me laugh kapag tumawa ka talo ka. Kung sino sa apat ang matatag na hindi matatawa ay sa kanya si crushie nila.
Nagsimula na silang maglaro at agad natalo ni Seo Hyeon si Ji Soo. Hanggang ang natira nalang ay si Seo Hyeon at Ji Yoo. Matatag pareho ang dalawa at walang ayaw magpatalo, akala mo naman mapapansin sila ng crush nila o idi date sila sakaling manalo sila.
Hindi ko maiwasan ang tumawa sa ginagawa nila. Huminto naman ang lahat ang marinig ang mahinang pagtawa ko. Namilog ang mga mata nila at tinitigan ako. Nahiya naman ako at muling yumuko.
"Daebak" (expression of people when they are surprised or shocked) sabay sabay na sabi nila na nilapit pa talaga mukha sakin
"Wae ileohge yeppeungayo?" (Why so pretty) tanong ni Ji Yoo na titig na titig sakin kaya tinakpan ko mukha ko ng buhok ko
"Wae neo eolgul eul sumgigoisseo?" (Why are you hiding your face?) Tanong naman ni Min Seo na hinawi ang buhok ko
"Ne, yeppeu guyo" sang ayon ni Seo Hyeon tapos dinagdagan pa nito na ang ganda ko daw
"Neo jeongmal meosjyeo" (you look really nice) sang ayon din ni Ji Soo sa tatlo
"Naneun nae eolgul e il eulhaessda" nakapikit na sagot ko at lakas loob na sinabing thank you doc ang peg ko.
"Sugo haesseoyo" (you did well) sabi ni Min Seo na ikinatingin ko sa kanya
"Jaraesseoyo" (good job) nakangiting sabi naman ni Seo Hyeon na ginulo pa buhok ko
"Naneun buleowo" (I'm envious) sabi naman ni Ji Soo na nakalabi pa habang pa cute na nakatingin sakin
"Nado" (me too) sabi naman ni Ji Yoo
Napangiti ako dahil hindi nila hinusgahan pagkatao ko kahit nalaman nila na peke ang mukha ko. Pigil na pigil din pagpatak ng luha ko sa saya dahil tanggap ng apat na babaeng to ang luma at bagong si Sue Choi.
*********
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
Ficción General[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...