Sue's Pov
"Good morn-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hindi ako pansinin ni Cent.
Tatlong araw narin simula ng hindi niya ako pansinin. Pati nga mga kaibigan ko tinatanong kung bakit ang cold na naman ni Cent samin. Mukhang galit talaga siya sakin. Mabilis akong humakbang palapit kay Cent hanggang sa pareho kaming makasakay sa elevator.
"Good morning!" Masiglang sabi ko. Sa wakas natuloy ko na rin ang gusto kong sabihin sa kanya kanina. Kinalabit ko siya at patingalang tumingin sa kanya "ang tangkad mo pala talaga no? Anong height mo?" Nakangiting tanong ko pero wa epek dahil busy siya kakapindot sa phone niya.
Bumukas ang elevator at sumabay parin ako sa kanya. Tanga tanga ko lang kasi talaga hindi ko pinindot yung elevator pababa sa lobby.
"Cent pasabay ako ha?" Sabi ko at patakbong pumunta sa motorsiklo niya. Para namang wala siyang nakita at basta nalang sumakay sa motor niya, sinuot ang helmet, inistart ang motorsiklo niya at walang paalam umarangkada palayo.
Napakagat labi naman ako at pigil ang pag iyak habang pinapanood si Cent na papalayo hanggang sa mawala siya sa mga mata ko. Kahit anong pigil gawin kong hindi tumulo ang luha ko ay hindi ko nagawa at nag unahan pa pagtulo ng mga ito. Napaupo ako at hindi na talaga napigilan ang pag iyak. Sinubsob ko mukha ko sa mga palad ko habang parang batang umiiyak.
"Mmm" dinig kong sabi ng kung sino habang nasa harapan ko ang isang stripe na panyo na may letrang nakalagay na CMA. Lalo naman akong umiyak ng inabot yon at tumingala sa lalaking nagbigay non.
"Ang bad mo" umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa kanya
"Halika na mali late na tayo" masuyong sabi lang niya at niliyad ang kamay niya sakin
"I hate you" namutawi sa labi ko na patuloy parin sa pag iyak
"Tara na malelate na talaga tayo" sabi pa niya matapos malalim na huminga
"Mauna kana mag ta taxi nalang ako" sagot ko sa kanya tsaka tumayo habang pinupunasan pisngi ko
"Sorry na tara na" malumanay parin niyang sabi. Tumingin ako sa kanya at kinagat ang pang ibabang labi para pigilan ang malakas na pag iyak.
"Shiro! Kkeo jyeo!" (Ayoko! Umalis kana!) Sigaw ko tsaka humakbang paalis
Hindi pa ako nakakakayo ng biglang umangat ako.
"Yah! Ibaba moko!" Sigaw ko sabay palo sa likuran niya habang nagpupumiglas
"Pinapakain kaba ni Harry? Bakit ang gaan mo?" Tanong nito sakin
"Ibaba mo'ko sabi eh!" Palo ko ulit sa likod niya. Pinalo rin niya pwet ko na ikinabigla ko "yah! Joogeulae?!" (Wanna die?!)
Pagkababa niya sakin ay hinampas ko agad siya sa bag ko.
"Hindi ako sasakay sa motor mo! I hate you!" Sigaw ko sa kanya at tinalikuran siya ulit pero maagap niyang hinuli ang isang braso ko at hinarap sa kanya
"Please sumakay kana" sabi nito sakin pero pilit akong nag pumiglas pero hindi talaga niya binitawan kamay ko
Wala naman akong magawa kundi kunin ang helmet na binibigay niya sakin at sinuot yon. Sinuot din niya helmet niya at sumakay na sa motor niya. Pagkasakay ko naman ay agad akong yumakap sa baywang niya. Mabilis na pinaharurot ni Cent ang motorsiklo niya na ikinahigpit ko ng yakap sa kanya.
"Teka hindi ito ang daan papuntang school ah!" Sabi ko kay Cent na mas pinabilis pa ang motor niya "yah! Saan tayo pupunta?!" Malakas na sabi ko
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...