Chapter 64

1K 30 0
                                    

Sue's Pov



"Good morning!" Masiglang bati ni Myca sakin


"Good morning din" maganda yata gising mo ngayon? Sabi ko ng makaupo sa pwesto ko



"Yep! Tara sa coffee shop may ikukwento ako sa inyo" masayang sabi nito



"Wala pa yung dalawa" sabi ko



"Hintayin nalang natin sila sa C.shop itetext ko nalang sila" malapad ang ngiting sabi niya. Napangiti nalang din ako at magkahawak kamay pa kaming naglakad



Pagkarating namin sa coffee shop ay inabutan na namin si Claire na nakatayo sa harapan ng shop at hinihintay kami. Kumaway pa kaming tatlo sa isa't isa at sabay sabay na pumasok sa coffee shop.



"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ni Claire kay Myca. Natuon naman ang atensyon ko kay Myca na ngiting ngiti



"Ihh! Mamaya na pag nandito na si Lorraine" kinikilig sa sariling sabi nito



"Nakuu parang alam ko na sasabihin mo" sabi naman ni Claire na pangiting humaba ang nguso tapos ay tumingin sakin. Umiling nalang ako kay Claire habang naka ngiti.



"Heto na pala si Lorraine eh" sambit ko ng makitang bumukas ang pinto at pumasok mula don si Lorraine. Nagkawayan pa kaming apat at mabilis na lumapit ito sa mesa namin.



"Good morning mga bakla ang aga ng meeting de avance natin ngayon ah. Anong meron?" Tanong ni Lorraine tsaka ito umupo




"Kasi may sasabihin ako. Dahil mga kaibigan ko kayo gusto kong kayo muna ang unang makakaalam nito" ngiting ngiti at tila kilig na kilig na sabi ni Myca samin



"Sa ngiti mong yan huwag mong sabihin may boyfriend kana?" Walang paligoy ligoy na tanong ni Lorraine



"Omo!" Takip sa bibig ni Myca "paano mo nalaman?" Tanong pa nito kay Lorraine tsaka tinakpan ang buong mukha



"Kahit sino naman mahahalata ka bruha!" Sabi naman ni Claire




"Obvious ba talaga?" Namumulang tanong naman ni Myca sakin na ikinatango ko



"Sobra" hindi ko na napigilan ang tumawa "pero happy kami kasi happy ka" dagdag ko pa



"Ohhh" nakangusong sabi niya tsaka siya tumayo at binuka ang kamay niya. Tumayo naman kaming tatlo at niyakap siya.



"Luma lovelife kana sino ba ang maswerteng lalaking yan?" Tanong ni Claire



"Huwag na huwag ka lang sasaktan niyan dahil hindi na pakikinabangan ang lahi niya pag nagkataon" sabi naman ni Lorraine na ikinatawa namin. Umupo ulit kami at minasdan si Myca na namumula.



"Ganyan ba talaga itsura ng in love?" Tanong ko



"Gumaganda talaga kapag in love, kainggit sana dumating na rin prince charming ko" sabi naman ni Claire. Lalo namang namula si Myca at tinakpan pa ang mukha at kilig na kilig sa sarili niya



"Daebak ang landi oh! Sino ba yang boyfriend mo kung maka asta ka diyan akala mo naka jackpot ka sa lotto" sabi naman ni Lorraine



"Ihh.. si ano" butin na sagot niya dahil inuna pa ang pagngiti niya



"Sino nga?" Sabay sabay pa naming tanong



"Si Bryan" sagot nito tsaka niya tinignan reaksyon namin



"Sinong Bryan?" Tanong ni Claire sa kanya



"Si Bryan na classmate natin?" Tanong naman ni Lorraine



"Ahh! Si Bryan Rynoso? Nakita kita kahapon kausap siya!" Malakas na sabi ko



"Bruha Ryan Rynoso yon hindi Bryan" sabi naman ni Claire sakin



"Alam ko rin Ryan yon kaso nag alangan ako na baka mali ako at Bryan talaga pangalan niya. Nakita ko kasi sila nag uusap kahapon tapos ayun napaisip ako na baka Bryan nga pangalan ni Bryan" nahihiyang magulong paliwanag ko



"Mga bruha si Bryan Esguerra ng basketball team natin!" Sagot ni Myca sa katanungan namin



"Si Esguerra? Diba girlfriend niya si Olive?" Kunot noong tanong ni Claire



"Break na sila kaya kami na ngayon" todo ngiting sagot naman ni Myca



"Pero nakita ko lang sila nung monday na magkasama ah? Holding hands while walking pa nga silang dalawa" nag aalalang sabi ko naman



"Nag break nga sila nung monday night, hindi daw kasi sila magkaintindihan ni Olive at napaka selosa niya. Pati nga daw paglalaro niya ng basketball pinagseselosan niya. Kaya nakipag break nalang siya" sagot naman nito



"Kahit na. Kaka break lang niya tapos niligawan ka agad niya? Kailan kaba niyan niligawan? Hindi kaba natatakot na gawing rebound ka lang niya?" Sabi naman ni Lorraine



"Ang totoo hindi niya ako niligawan" sagot nito samin



"Mwo?!" Gulat na tanong ko "what?!" Tanong naman ni Claire "nababaliw ka naba?!" Tanong naman ni Lorraine



"Hindi naman kasi panliligaw ang pinapatagal, relasyon po ang pinapatagal. Sabi naman ni Bryan liligawan niya ako araw araw" kilig na kilig na sagot niya pa samin



"Kapag ikaw umiyak dahil sa lalaking yan sasabunutan pa kita" sabi naman ni Lorraine na hindi kumbinsido sa naging desisyon ni Myca



"Sa ngayon susuportahan ka namin sa kabaliwan mo pero sana naman huwag kang obvious na patay na patay sa Bryan na yon!" Sabi naman ni Claire



"As long as it makes you happy go for it. Tsaka na tayo umiyak kapag nasaktan tayo. Nandito naman kami sasamahan ka namin" nakangiting sabi ko



"I love you mga bakla" mahabang ngusong sabi ni Myca samin




"We love you too" sagot naman namin sa kanya.



Bumalik kami sa department namin na hindi man lang nakatikim ng kape. Oorder sana kami ng on the go na kape kaso maraming naka pila na, baka malate naman kami kaya hindi na kami bumili.

************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon