Sue's Pov
Nandito kami ngayon sa Lotte Department Store, napag usapan namin nina Ji Seok kagabi na mamimili kami ngayon ng mga gamit namin ni Mama.
Para akong ewan na naglalakad. Buti nalang sanay na akong maglakad ng nakayuko. Pakiramdam ko kasi pinagtitinginan ako ng mga tao. Walang pinag iba sa pinas.
Huminto kami sa isang store at pinapili ako ng damit nila Mama at Ji Seok. Pumili naman ako ng isang studded blouse at nagtanong sa saleslady kung may 6xl size ba sila. Pero mukhang hindi ako naintindihan nung saleslady kahit english na pagkakasabi ko kaya lumapit si Ji Seok at siya nakipag usap sa tindera.
Tumingin sakin si Ji Seok na hanggang 5xl lang meron sila sa napili ko, pero pwede ko naman daw isukat baka daw kasi kasya naman sakin ang 5xl.
Lumapit sakin yung saleslady at inabot sakin yung 5xl na napili ko. Dahil hangul ang salita at hindi ko maintindihan nginitian ko nalang siya, medyo gets ko naman siya, isukat ko daw.
Tumingin ako sa salamin at namangha dahil sakto lang 5xl sakin. Pumayat ba ako o magkaiba lang talaga sukat sa pinas at dito?. Lumabas ako at pinakita kay Mama itsura ko. Natuwa naman siya at si Ji Seok kaya pumili pa daw ako ng iba. Nang magpalit ulit ako ng damit ay doon ko palang nakita yung price ng damit 20,000 won daw. Ano ba currency ng krw sa php? Ma google nga mamaya.
Natuwa naman ako sa pamimili dahil feeling ko pumayat talaga ako, sobrang stress ko kasi sa school kaya siguro pumayat ako. Pumili rin si Mama ng damit niya at ngayon lang talaga ako nag enjoy sa pamimili ng damit. Siguro dahil solo namin ang store at nakikita ko din na masaya sina Mama at Ji Seok. Tatlong blouse ang napili ko at 4 naman ang kay Mama.
Sunod naming inintuhan ang isa pang store, halo halo ang binebenta nila dito at tulad kanina pinapili ulit kami ni Ji Seok todo asikaso naman ang dalawang saleslady samin ni Mama. Dalawang blouse lang nagustuhan ko pero pinilit pa ako ni Ji Seok na pumili pa ng iba. Sa katunayan siya pa ang pumili sa 5 blouse at jeans ko. Binili rin niya ako ng dalawang bags at isang flat na sapatos kahit tumanggi ako, hiyang hiya ako pero sabi niya okay lang daw.
Lahat nalang na store na makita ni Ji Seok ay inihintuhan namin, sabi pa niya hindi daw kami lalabas sa store na yon hanggat wala kaming nabibili. Kaya kahit nahihiya na kami ni Mama pumipili kami kahit tig isang damit lang.
Sa wakas kainan na! Umorder daw kami ng gusto namin kaya ng hawakan ko ang menu ay agad akong pumili. Hindi ako marunong magbasa ng korean pero may english name din naman nakalagay. Noong nasa pinas kami lagi kong naririnig yung bulgogi kaya pagkabasa ko sa pangalan na yon ay yun ang inorder ko.
Pagkatapos naming kumain ay tinanong pa kami ni Ji Seok kung may gusto pa kaming bilihin. Mabilis naman kaming umiling ni Mama.
***********
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...