Chapter 23

1.5K 37 0
                                    

Sue's Pov


Alas otso na ng umaga ng magpasya na kaming bumaba ng bundok. Katulad kahapon nakakapagod rin ang pagbaba namin. Pero napansin ko naman na mas mabilis na kami ngayon.



Alas dose ng makabalik kami sa camp. Nagluto pa mga sundalo na nakatoka para sa lunch nila at tinulungan ko naman si eonnie sa paghanda naman ng lunch ko. Chicken salad lettuce wraps ang ginagawa namin at dahil limang piraso nagawa namin ay kinuha niya yung dalawa at binigay sa dalawang private na nagluluto. Napatingin ako sa tatlong natitirang lettuce wraps tsaka pilit na ngumiti kay eonnie na nakatingin sakin.



Hinintay namin muna mga kasama namin sa mesa bago nagsimulang kumain. Dahil alam nila na ngayon na balik namin sa cheongdam dong ay bumili pa sila ng soju at pork belly, mag c-celebrate daw kami.



Tumingin ako kay unni ng alukin ako ng samgyeopsal ng mga sundalo. Gustong gusto kong tanggapin mga inaalok nila sakin pero ayaw akong payagan ni unni. Nagreklamo na rin mga sundalo sa kanya dahil ngayon lang naman daw pero todo iling siya. Inalok din nila ako ng soju at ng iangat ko na ang baso ko ay pinigilan ako ni unni. Hindi daw pwede dahil bata pa ako at masisira ang diet program namin.




Wala akong nagawa kundi busugin nalang ang sarili sa kakaamoy ng pagkain sa paligid ko, sobrang saya din ang kwentuhan at masasabi ko na ito na ang pinaka mahabang lunch break na naranasan ko.



Halos paliparin ni unni ang kotse niya sa sobrang bilis mahpatakbo nito. Hindi ko naman maitago ang kaba dahil kahit naka seatbelt naman ako ay kumakapit pa ako sa mga pwede kong kapitan. Sinabi ko naman na easy lang siya dahil makakarating din naman kami pero ang sagot niya sakin ay tanging "mianhe" lang. Binagalan naman nito ng konti ang pagtakbo at muling nagsalita, araw pala ng kamatayan ng daddy niya ngayon at kung hindi pa daw tumawag mommy niya tuluyan niyang makakalimutan.




Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ni unni at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o sasabihin ko para mabawasan bigat non. Nagsimula akong mag kwento at kwinento ko sa kanya ang buhay ko, wala akong pake kung hindi siya interesado sa buhay ko basta ako ikukwento ko.



*****

Pagkarating namin ni unni sa bahay ay nagpalit lamang siya ng damit at muling umalis. Nagawa pa nga niyang magpaalam sakin at kay Mama na gagabihin siya ng uwi.



Nag stay lang kami ni Mama sa may sala at nanonood ng korean drama ng kapwa kami napatingin sa may bandang pintuan ng tumunog yon. Niluwa doon si Ahjussi  na may bitbit na 5 paper bag at nakangiting lumapit samin.



Kinuha ni Ahjussi ang laman ng isang paper bag at binuksan yon sa harapan namin tsaka inabot sakin. Napansin daw nito na iisa lang ang gamit kong running shoes kaya naisipan niyang bilhan ako ng isa. Kinuha niya din mula sa dalawang paper bag ang dalawa pang sapatos at inabot naman niya kay Mama yung isa. Bumili din daw siya ng para sa kanila ni Mama para masamahan daw nila ako sa pag jogging minsan. Tuwang tuwa naman ako ng makita na magkakapareho kami ng sapatos. Sinuot pa ni Ahjussi yung kanya at tinanong kung bagay pa niya.




Sunod naman niyang inabot sakin ang isang paper bag at kay Mama naman yung isa. Paglabas ko sa laman ng paper bag ay namangha ako dahil isang designer bag ang laman noon. Tinanong ko si Ahjussi kung akin ba talaga yon at nakangiting tumango siya. Hindi ko naiwasan na mapayakap sa kanya sa sobrang tuwa. Nagpasalamat ako sa kanya at sinabing gagamitin at aalagaan ko yon ng mabuti.


**************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon