Sue's Pov
Ang inaakala kong hindi na matutuloy ng panonood namin ng movie ni Cent ay natuloy parin, yun nga lang kasama sina Lorraine, Myca, Claire at Hyun Woo. Ang brokenhearted na si Myca ay biglang naghilom ang sugat sa puso niya ng ipakilala ko si Hyun Woo sa kanya. Akala pa nila noong una'y hindi marunong mag tagalog si Hyun Woo kaya kung ano anong kalandian mga sinasabi nila na kanila daw si Hyun Woo. Para daw hindi mag away away ang tatlo ididate nalang daw niya sabay sabay mga ito.
Punas uhog ako ng lumabas sa sinehan. Niloloko naman ako ni Cent dahil ang hilig ko daw manood ng drama iyakin naman daw ako. Anong magagawa ko tagos sa puso yung pelikulang pinanood namin? Akala ko may happy ending sa istorya ng mga bida, akala ko gagaling pa yung babae pero sa huli namatay din siya. Nalungkot tuloy ako at hindi maka get over sa napanood.
"Eodiseo meoggo sipni?" (Saan mo gustong kumain?) Tanong ni Hyun Woo sakin habang naglalakad kaming anim sa kahabahan ng food court.
"Eodiseodeun" (kahit saan) sagot ko
"Ano sinabi mo kay Sue?" Tanong ni Myca kay Hyun Woo
"Sabi ko saan siya gusto kumain" dinig kong sagot ni Hyun Woo kay Myca
"Babe gusto mo mag seafoods?" Tanong naman ni Cent sakin
"Parang gusto kong mag korean food" sagot ko kay Cent
"Samgyupsal tayo!" Excited na sabi naman ni Lorraine
"Sige my treat" sabi naman ni Hyun Woo
Magkahawak kamay kaming naglakad ni Cent sa may likuran ng apat hanggang sa huminto si Hyun Woo sa Samgyupsalamat.
"Dito nalang?" Tanong ni Hyun Woo habang sakin nakatingin
"Ye, dito nalang" sagot ko.
"Annyeonghaseyo" bati ng receptionist pagpasok namin sa resto
"Annyeong, dangsineun neomu yeppeuda" sabi naman ni Hyun Woo sa resepsyonista. Tabinging ngumiti lang ang babae na mukhang hindi niya naintindihan sinabi ni Hyun Woo
"Ang ganda mo daw" sabi ko sa babae tsaka ngumiti
"Thank you po gomabseubnida" malapad na ngiti na sabi ng babae samin.
Nagsimula na kaming mag grilled ng unlimited pork and beef namin plus may unli side dishes pa. Kwentuhan lang kaming anim habang masayang kumakain.
"Seoul e eonje dolagal gyehoegiya?" (Kailan mo planong bumalik sa Seoul?) Napatingin ako kay Hyun Woo at bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi.
"Keuliseumaseu ttae eojjeomyeon molla" (hindi ko alam siguro sa pasko) sagot ko
"Ang tagal pa non, wae geunyang haggyoe gaji ahni? Neoul chingudeuldo neoleul gidaligoisseo" (bakit hindi ka nalang doon mag aral? Hinihintay ka rin ng mga kaibigan mo don) sabi nito tsaka binigyan si Claire ng wrap beef lettuce
"Nan geos deuleul sunjunhibogo sipda geuleona yeogisseo sipda, geudeuli haehal geolaneun geol abnida" (sobrang miss ko na sila pero gusto kong mag stay dito, alam ko maiintindihan nila) sagot ko
"Ano bang pinag uusapan niyo bakit parang ang seryoso niyo?" Tanong ni Claire saming dalawa ni Hyun Woo
"Nag korean pa talaga sila para hindi natin maintindihan" sabi naman ni Myca
"Excuse me" sabi ni Cent na biglang tumayo at umalis. Bakas sa mukha nito ang pagka dismaya. Sumunod naman ako sa kanya.
"Cent" tawag ko kay Cent pero hindi man lang niya ako nagawang lingunin. Humabol nalang ako sa kanya sa paglalakad at kumapit sa braso niya "saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya
Lumabas kami ng resto at huminto sa walang gaanong tao. Sinuklay pataas ni Cent ang buhok niya at tinignan ako.
"Bakit ganon?" Tanong niya sakin
"Ang alin?" Naguguluhang tanong ko
"Nasa tabi mo lang ako pero iba yung nakikita mo, naiintindihan ko na kaibigan at bisita mo siya pero babe nandito din ako" turo niya sa sarili niya
"Alam ko naman na nandiyan ka eh. Kahit kausap ko si Hyun Woo Oppa hindi naman ibig sabihin non na nakalimutan na kita. May tinatanong lang siya sakin na sinasagot ko" paliwanag ko
"Isa pa yang pagtawag mo ng Oppa sa kanya! Alam mo bang niresearch ko pa ibig sabihin niyan at nalaman ko na ang ibig sabihin ay sweetheart!? Alam mo bang nag usap kami kagabi at sinabi niya na may gusto siya sayo? Alam mo bang pumunta siya dito para ibalik ka sa Korea!?" May kalakasan na sabi nito
"Anong sinasabi mo? Kuya kuyahan ko siya kaya oppa tawag ko. Wala siyang gusto sakin at magkaibigan lang kami. Sinabi ko rin sa kanya na dito lang ako" sagot ko sa kanya
"Babe nakausap ko nga siya kagabi! Lalaki din ako at alam ko yung tingin ng kapwa ko lalaki sa babaeng mahal namin. Diretyahan tinanong ko siya kagabi at umamin siya sakin" hindi ako makapagsalita at nakatingin lang sa kanya "alam kong mali pero masisisi mo ba ako kung hihilingin ko na gusto kong layuan mo siya?" Malungkot na sabi nito. Tumango nalang ako at yumakap sa kanya.
"I love you" tanging namutawi sa labi ko
Nagpalipas pa kami ng ilang minuto sa labas bago ulit bumalik sa loob ng resto. Tinanong pa kami ng mga kasama namin kung saan kami pumunta at sinabi kong nagpahangin lang. Parang walang nangyare at masayang nakipag kwentuhan ulit ako sa kanila.
**********
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...