Chapter 66

1K 31 0
                                    

Sue's Pov



"Last week hindi kana sumama pati ba naman ngayon? Wala naman tayong pasok bukas kaya mag enjoy ka naman" kulit ni Claire sakin.


"Sorry talaga hindi ako pwede next week sige promise sasama ako" pangako ko pa sa kanila


"Paano mo ma eenjoy college life mo kung hindi ka sumasama sa mga galaan" sabi naman ni Lorraine



"Gaano ba ka importante ginagawa mo sa bahay niyo at di mo kayang pagpaliban muna. Tayong apat lang naman eh" sabi naman ni Myca



"Kailangan ko kasing mag linis bukas tapos maglalaba pa ako pagkatapos. Hindi naman tayo pwede gumala sa Sunday kasi rest day yon. Lagi din akong chinicheck ng Mom ko pag sunday" paliwanag ko



"Next week ka nalang maglinis" sabi naman ni Lorraine



"Hindi pwede baka dagain at ipisin na ako don" sagot ko



"Ngayong gabi ka nalang maglinis para bukas free ka" sabi naman ni Claire



"Wala na akong lakas at anong oras ako matatapos? Kahit makasama ako sa inyo bukas sa Amusement Park hindi rin ako mag eenjoy" sagot ko sa kanila



"Tutulungan ka namin maglinis ano okay na?" Sabi naman ni Lorraine



"Yeah right, tutulungan ka namin ngayon" sabi naman ni Myca



"In exchange kailangan mo kaming pakainin bruha!" Sabi naman ni Claire


"Nakakahiya next time nalang" sabi ko sa kanila


"Hindi yan! House warming na rin dahil hindi namin alam yung bahay mo" sabi ni Lorraine na kumapit pa sa braso ko



"Let's go girls! Need natin mag shopping ng foods" sabi naman ni Myca na kumapit din sa isang balikat ko. Humawak naman si Claire kay Lorraine at sabay sabay kaming naglakad.



Wala naman akong nagawa kundi pumayag. Masyado silang pursigido kaya wala na akong maidadahilan pa para humindi. Kung tatanggi pa kasi ako sa alok nilang tulong baka magalit na sila sakin.


******


"Wow! Dito ka nakatira? Sosyal ah!" Sabi ni Myca habang nasa lobby kami ng Galaxy Tower at naghihintay bumukas ang elevator



"Magkano sqm dito?" Tanong naman ni Claire.



"Hindi ko alam, hindi naman ako bumili ng unit ko dito kundi tatay ko" sagot ko sa kanila.


Bumukas ang elevator at pumasok kami.



"Pati elevator bongga" sabi pa ni Claire



"Bakit hindi ka nalang dito tumira? Diba nag d-dorm ka?" Sabi ko kay Claire



"Bakla yung pang monthly rent nga dito wala ako yung pang downpayment pa kaya? Tsaka na ako mag c-condo kapag may trabaho na ako" sagot nito sakin




"Sabi mo magkapit bahay kayo ni Cent diba? Ibig sabihin dito din siya nakatira?" Tanong naman ni Lorraine



"Grabe ang bongga niyo!" Sabi pa ni Claire



"Hindi kami bongga hindi naman kami may ari ng G.Tower. Mga 10 steps lang siguro pagitan ng mga unit namin" sagot ko



Pagbukas ng elevator sa floor namin ay inaya ko ng lumabas mga kaibigan ko. Marami rami rin kaming bitbit na pagkain buti nalang tinulungan kami ng isang taga maintenance na magbuhat.



Pagpasok namin sa unit ko ay mukha silang tinuklaw ng ahas.



"Ang OA niyo ah! Marumi lang pero hindi naman mukhang smokey mountain unit ko" sabi ko at pinaupo sila



"Hindi bruha! Ang ganda kasi ng bahay mo" sabi ni Claire


''Sure ka ikaw lang mag isa nakatira dito?" Tanong naman ni Lorraine



"Waaah! Nainggit na naman ako. Kailangan mo ba ng kapatid? Baka pwede magpa ampon sa parents mo?" Sabi naman ni Myca


"May kapatid na ako hindi ko na kailangan ng isa pa" natatawang sagot ko kay Myca



"Wow! Family picture niyo?" Tanong sakin ni Lorraine habang hawak ang Family picture frame namin. Lumapit naman yung iba at tinignan din.



"Yep! Yan ang Mom and Dad ko at syempre ako yung nasa gitna. Yung lalaking nakatayo sa likod ni Appa ay Kuya ko at asawa naman niya yung nasa likod ng Mama ko. Yang dalawang bata na nakaupo sa parents ko ay mga pamangkin ko" nakangiting sabi ko



"Mayaman ba kayo sa Korea? Mukhang yayamanin ang pamilya niyo" puna ni Lorraine



"Bruha! Hindi niya maaafford ang ganitong klaseng bahay kung walang datung pamilya niya" sagot ni Myca kay Lorraine



"Uy girl baka kailangan mo pa nga ng mga kapatid free kaming tatlo" sabi naman ni Lorraine na ikinatawa ko



"Mga shunga bilisan niyo na nga ng makapag linis na tayo" tumatawang sabi ko



"Ako na bahala sa foods" prisinta ni Lorraine



"Sige ikaw bahala" sabi ko



Pumasok kaming lahat sa kwarto ko at imbes na maglinis ay lalong nagkalat pa sila.



"Bakla ang lambot ng kama mo" sabi ni Myca



"Water bed yan tanga!" Tumatawang sabi naman ni Lorraine



"Yan pala yung water bed?" Tanong naman ni Claire na umupo din sa kama ko tapos nahiga



"First time niyo?" Tanong ni Lorraine sa dalawa



"Oo" sabay sagot naman nila



"Ako din ihh!" Sagot naman ni Lorraine tsaka nagpa talbog sa kama ko



"Para kayong mga bata" natatawang sabi ko. Bigla ko naman naalala yung unang dating ko sa Korea at unang pagka kita sa kwartong binigay ni sakin ni Appa.



Nang magsawa na sila magpa gulong gulong sa kama ko ay tumayo na sila. Sila pa nga ang nag aya sakin para maglinis na.

****************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon