Sue's Pov
"Sue si Captain nakikipag suntukan kay Harry sa gymnasium ayaw magpaawat!" Sigaw ni Rocco ng buksan nito ang classroom namin
"Ha?!" Gulat na tanong ko tsaka hinablot ang bag ko at patakbong lumabas sa pinto kasama mga kaibigan ko
"Sure ka si Cent yon?" Nag aalalang tanong ko kay Rocco
"Oo naman! Ayaw nga niya mag paawat galit na galit siya" sagot nito sakin
"Ano na naman kaya ginawa ng Harry na yan? Kaya nga alanganin akong makipag bati sa kanya eh" sabi ni Lorraine
Pagkapasok namin sa gymnasium ay agad akong tumakbo sa nagkukumpulan. Agad ko naman nakita si Cent na putok ang kaliwang kilay at may tumutulong dugo. Agad akong tumakbo sa kanya at muntik pa niya akong itulak buti nalang nakita niyang ako yung yumakap sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin tsaka ako inakbayan
"Bakit ka nakikipag away?" Hindi mapigilan ang mapaluha ng makita yung dugong dumadaloy sa mata niya na agad ko namang pinunasan "tara sa clinic para magamot yang sugat mo" aya ko sa kanya
"Captain okay ka lang ba?" Tanong ng mga ka teammates niya
"Ayos lang ako" sagot ni Cent sa kanila tsaka siya naglakad kasama ako papunta sa isang upuan at kinuha yung towel niya.
"Sure ka na okay ka lang? Sa hospital na tayo dumiretyo mukha kasing kailangan matahi ang sugat mo ang daming dugo oh" nag aalalang tanong ko na muling pinunasan yung sugat niya. Puno na rin yung panyo ko ng dugo.
"Bandaid lang okay na" sagot niya na nagawa pang ngumiti sakin.
Lumabas kami ng gymnasium at lahat ng madaanan namin ay pinagtitinginan kami. Hindi ko na nagawang pansinin pa sila dahil ang tanging concern ko lang ay madala si Cent sa clinic.
"Mukhang nasa clinic din sina Harry" sambit ni Joaquin
"Buhay pa pala siya" sabi naman ni Cent na ikinatingin ko sa kanya. Kitang kita ko yung galit sa mga mata niya at ang pagsiklop ng kamao niya na may bahid ng dugo.
"Bakit ba kayo nag away? Dumiretyo nalang tayo sa hospital para magamot ng maayos yang sugat mo" nag aalalang sabi ko
"Mas mabuti pa kung iuwi mo nalang siya at ikaw nalang manggamot sa kanya, baka pag nagkita na naman yang dalawa ay mag amok na naman ng away ang isa sa kanila" payo naman ni Lorraine
"Tama si Lorraine kami na bahala sa mga next subjects natin" sabi naman ni Myca habang tumatango naman si Claire
"Hindi babe pumasok kana kasama ko naman sina Rocco at Joaquin" sabi niya. Umiling iling ako
"Hindi sasamahan kita" sabi ko at nakiusap sa mga kaibigan ko na sila na bahala mag excuse sakin "Joaquin okay lang ba magpatawag ng taxi? Iuuwi ko nalang si Cent para makaiwas narin siya sa gulo" pakiusap ko
"Oo naman mas mabuti pa ngang iuwi mo muna siya, traydor yang si Harry hindi natin alam baka tumawag na yan ng resbak" sabi pa nito na ikinatakot ko sa kaligtasan ni Cent. Naalala ko tuloy yung bossing na tinawag ni Harry dati sa Hill. Hindi kasi siya mukhang mapagkakatiwalaan.
"Huwag mo ngang takutin si Sue, nasa parking lot lang yung motor ko huwag kana tumawag ng taxi" sabi naman ni Cent
"Kaya mo ba magmaneho?" May pag aalala sa tinig na tanong ko
"Oo naman. Kasama kita kaya mag iingat ako lalo" sagot nito sakin
"Mabuti pa hatid na namin kayo sa parking lot, hindi natin alam baka may nag aabang na sayo don kuya" sabi pa ni Joaquin na ikinahigpit ko ng hawak kay Cent
"Sabing huwag mong takutin misis ko eh. Bayaan mo kahit ilan pa sila hindi ako papayag na magpa agrabyado kung sakali" pagbibiro pa nito
"Hoy lalaki! Hindi ito ang oras para magbiro, may pamisis misis kapang nalalaman" masungit na sabi ni Myca
"May dalawang anak kami na sobrang kulit kaya okay lang siguro tawagin ko siya ng misis" sagot ni Cent
"Aso yung tinutukoy niyang anak namin" agad kong sabi para hindi na sila magtanong pa
"Buti nandito ka hindi dun sa boyfriend mo? Burado na ng dugo mukha non kanina ah" sabi naman ni Joaquin
"Boyfriend mo si Bryan?" Sabat naman ni Rocco
"Oo bakit anong nangyari sa kanya?" Nag alalang tanong ni Myca
"Abugbog Kuya kawawa nga sila hindi mamukahan sobrang basag ang mukha" sagot ni Joaquin kay Myca
"Mga puro pagwapo wala naman palang binatbat" sabi naman ni Rocco
"Ano bang ginawa ni Bryan para idamay mo siya sa away niyo ni Harry?!" Galit na tanong ni Myca tsaka ito tumakbo paalis.
"Myca!" Sigaw ni Lorraine "ako na bahala sa kanya sige na umuwi na kayo" sabi ni Lorraine
"sige na kami na bahala kay Myca" sabi pa ni Claire tsaka siya sumunod kay Lorraine
"Ano bang nangyari?" Malungkot na tanong ko
"Sorry" tanging sagot lang sakin ni Cent. Malungkot na tumango nalang ako at tipid na ngumiti.
Hinatid kami nina Joaquin at Rocco sa parking lot. Buti nalang wala yung sinabi ni Joaquin na resbak. Maingat naman minaneho ni Cent ang motor niya habang nakayakap ako sa likod niya.
***********
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
Fiksi Umum[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...