Chapter 82

976 33 1
                                    

Sue's Pov

"Wala silang pagkain kawawa naman" sabi ko kay Cent habang pinapanood sina Percy at Gidget na umiinom ng gatas.

"Bibilhan ko nalang sila bukas" sagot niya sakin

"Huwag na ako nalang bibili sakin na kaya sila" sabi ko na tumingin pa kay Cent at inismiran "binigay na sila sakin ng mommy mo kaya responsibilidad ko na sila mula ngayon" sabi ko na nagkandahaba pa ang nguso

"May sukli kapa sa 500 na binigay mo sakin kanina yung sukli mo nalang pambibili ko ng dog food nila" sabi nito na pinisil pa pisngi ko

"Ano ba?! Masakit ah!" Malakas na sabi ko at tinignan siya ng masama "ilibre mo nalang ng kape yung school nurse kunwari treat ko sa inyo" sabi ko tsaka pinaikot pa eyeballs

"Alam mo ba ang cute mong tignan kapag nagseselos ka?" Natatawang sabi ni Cent na muling kinatingin ko sa kanya

"Hoy! Hindi ako nagseselos no! Ang kapal ng mukha mo ah! Bakit ako naman ako magseselos don?! Tsk!" Tanggi ko tsaka umupo ng maayos sa sofa

"Tama. Wala ka naman dapat ikaselos sa kanya" sabi nito na tinabihan ako sa pagkakaupo at pinisil ang magkabilang pisngi ko "kung malaki boobs niya matambok naman pisngi mo" dagdag pa niya tsaka tumawa

"Manyak ka manyak!" Palo ko sa kanya ng throw pillow.

"Teka teka" sabi nito habang hinaharang mga kamay niya sa bawat paghampas ko "hindi ako manyak ikaw nagsabi na malaki boobs niya" tumatawang sabi pa niya

"Tse! Manyak ka!" Ulit ko at pinaghahampas siya tawa naman siya ng tawa habang umiiwas hanggang sa makarating siya sa likuran ko at niyakap ako.

"I love you Sue" bulong nito sa tenga ko. Hinawakan ko naman kamay niyang nakayakap sa baywang ko

"Sino bang mag iisip na malandi ka pala? Kunwari tahimik nasa loob naman pala kulo. May pa cold at mysterious kapang alam eh ang harot mo naman pala" sabi ko

"Sabi ko I love you" ulit nito sa sinabi niya

"Ang sabi ko malandi ka" natatawang sagot ko

"Sayo lang ako malandi" sabi nito

"Okay lang kahit lumandi ka sa iba" sagot ko sa kanya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at lumipat sa harapan ko

"Sayo lang ako lalandi kasi ikaw lang mahal ko" sabi nito

"Okay nga lang kahit lumandi ka sa iba at magmahal kapa ng iba" sabi ko rin sa kanya

"Sue seryoso ako" sabi nito

"Cent seryoso din ako" seryosong sabi ko

"Mahal kita" sabi nito

"Mahal din kita. Lahat kayong mga kaibigan ko mahal ko" sabi ko

"Kaibigan lang?" Tanong nito na tila nasaktan

"Lalaking kaibigan" sagot ko pa sa kanya

"Hindi kita maintindihan" sabi nito na at sinuklay ang buhok pataas gamit mga daliri niya

"Anong hindi mo maintindihan? Ikaw ang nagsabi na ang girlfriend ay babaeng kaibigan diba? Hindi ka naman babae para sabihin kong girlfriend kita" sagot ko sa kanya na pigil ang pagngiti

"Ikaw din nagsabi na magkaiba ang girlfriend at babaeng kaibigan" mariin na sabi nito "sabi mo ang girlfriend ay yung taong mahal mo, yung taong iniingatan at pinoprotektahan mo, taong sinasabihan mo ng I love you hinahalikan at niyayakap. Ginawa ko na lahat ng yon at hanggang ngayon lalaking kaibigan lang parin ako sayo?" sabi nito

"Oo nga sinabi ko yon. Ganon din naman sa magkaibigan diba? Kasi kapag kaibigan mo mahal mo, may care ka sa kanila, poprotektahan mo din at sasabihan ng I love you. Pwede mo rin silang halikan at yakapin. Sila yung mga taong laging nasa tabi mo at handa kang damayan" sagot ko sa kanya

"So ano pibagkaiba pala nung sinabi mo?" Nadedepres na tanong ni Cent

"Ang tanda mo na para hindi alam ang sagot. Edi wala" sagot ko sa kanya tsaka tumawa

"Pwede magseryoso ka naman?" Tila hirap na hirap na sabi niya

"Anong kaseryosohan paba ang gusto mo? Seryoso naman ako ah" sagot ko sa kanya

"Sue mahal kita! Higit pa sa isang kaibigan!" Malakas na sabi nito

"Bakit mo'ko sinisigawan?!" Malakas na tanong ko naman sa kanya

"Hindi kita sinisigawan nilalakasan ko lang para marinig at maintindihan mo!" Malakas paring sabi niya

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako marunong umintindi?!" Mariin kong sabi

"Oo! Kasi hindi mo'ko maintindihan! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Binabalewala mo damdamin ko! Ano bang mahirap intindihin sa salitang I love you?! Mahal kita! Saranghae!" Sigaw na nito sakin

"Abnormal ka pala talaga eh!" Sabi ko tsaka hinila ang kwelyo niya at mabilis na dinampihan siya ng halik sa labi "I love you too" sabi ko tsaka muling hinalikan ang labi niya "mahal din kita" sabi ko pa tsaka kumapit sa batok niya at hinalikan ulit siya "nado saranghae" bigkas ko sa pagitan ng paghalik sa kanya. Para naman natauhan si Cent at hinapit niya ako sa baywang at siya naman ang humalik sakin.

"Akin kana diba?" Naninigurong tanong pa nito matapos niya akong halikan habang magkadikit parin ang ilong naming dalawa

"Hindi pa" pagbibiro ko pero mukhang sineryoso niya at mabilis humiwalay sakin tsaka patalikod na sinabunutan ang sarili na may kasali pang mura "umayos ka nga!" Malakas na sabi ko tsaka tumawa

"Ikaw ang umayos ang gulo mong kausap" sabi nito

"Sino ba nagsimula sa girlfriend boyfriend na yan? Diba ikaw? Sabi mo girlfriend mo'ko kasi babaeng kaibigan mo'ko. Edi boyfriend kita as in lalaking kaibigan" balewalang sabi ko

"Hindi naghahalikan ang magkaibigan!" Nanggigigil na sabi niyang lumapit pa sakin at sinabi sa mukha ko

"Weh? Bakit hinalikan mo'ko nung na meet ko si Shane tsaka kaninang umaga?  Magkaibigan lang naman tayo ah!" Sabi ko tsaka tinalikuran siya para ngumiti

"Hinalikan kita non dahil gusto na kita noon pa! Hinalikan kita kaninang umaga para malaman mong mahal kita! Hinalikan at hahalikan kita ngayon at bukas at sa susunod pang araw hanggang sa tumanda at mamuti na buhok ko para hindi mo makalimutan na mahal kita!" Malakas nitong sabi

"Huwag mokong sigawan naririnig kita!" Malakas ko ring sabi sa kanya

"Problema sayo hindi mo'ko siniseryoso" tila hirap na hirap na sabi niya habang nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"Abnormal ka lang talaga kaya hindi mo makuha, palibhasa sanay ka sa instant at gusto mong makuha agad agad. Sino bang matinongbabae ang mapapa halik sa lalaki kung hindi niya mahal?. Alam mo ba na ikaw ang first kiss ko? At kung sakali first boyfriend ko?. Ang akin lang naman ay ligawan mo ako ng hindi naman ako mag mukhang cheap at halatang patay na patay sayo diba? Gusto ko din naman maranasan ang maligawan!" Sabi ko habang nakatingin kami sa isat isa

"Hindi ako marunong manligaw" sagot niya habang naglalakad palapit sakin "baka kapag nanligaw ako bastedin mo rin ako gaya ni Harry" sabi pa nito na hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinitigan sa mata "hahalikan nalang kita hanggang magsawa ka at sabihin mo na akin kana talaga" sabi niya kaya agad kong sinara ang bibig ko at tinakpan pa yon ng palad ko. "Babe huli na para diyan" nakangiting sabi nito at tinanggal ang mga kamay ko sa labi ko tsaka niya ako sinungaban ng halik. Aarte paba ako? Sabi nga niya huli na diba? Nakangiti nalang akong sumabay sa bawat galaw ng mga labi niya.


*****************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon