Chapter 114

851 59 0
                                    

Sue's Pov

Alam kong kabaliwan ang gagawin ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Huminga muna ako malalim ng tatlong beses bago pumikit at binuksan ang profile ni Shane sa facebook.

Una kong napansin ang in relationship status niya sa facebook. Wala naman nakalagay kung sino pero isang tao lang pumasok sa isip ko kung hindi si Cent. Walang facebook account si Cent kaya siguro hindi niya ito na itag.

Malakas ang kabog ng dibdib ko hanggang sa mag scroll down ako at nakita ang nakalagay na featured photos niya. Halos magunaw ang mundo ko ng makita kung gaano ka sweet silang dalawa. Napaka saya nilang tignang dalawa at mukhang mas masaya si Cent ngayon kumpara nung kami pa.

Parang hindi ko na makakaya pa tignan ang timeline ni Shane para makita kung gaano sila kasaya. Dahil siguro sa masokista ako ay pikit mata akong nag scroll down ulit. Mas marami ang mga post na shinare niya kaysa sa sarili niya. May mga pictures din siya ng kung ano ano, mukhang nahilig siya sa photography at masasabi kong may talent siya sa pagkuha ng mga litrato. Chinicheck ko din yung comment box niya at binabasa ang mga nag c-comments sa mga post niya. Nagmistula akong isang dakilang stalker niya.

Wala na akong nakita pang pictures na magkasama sila ni Cent maliban sa tinag ni Joaquin sa kanya at yung apat na featured photo niya. Ahh! Isali mo pa nga pala yung cover photo niya na kinunan siguro niya noong nag l-lay up ng bola si Cent.

Happy ako para sa kanila. Happy ako kasi happy sila. Happy ako kasi tama ang desisyong ginawa ko na iwan si Cent. Happy ako totoo yon. Happy ako peksman. Happy ako kahit masakit. Basta happy ako kasi happy ako.

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala luha ko. Hindi ko rin napansin ang like button na napindot ko sa nakatag na picture kay Shane. Sinarado ko ang laptop ko at parang baliw na tumawa habang umiiyak.

Sobrang sakit pala makita yung taong mahal mo na may mahal ng iba. Akala ko wala ng sasakit pa sa unang buwan na paghihiwalay naming dalawa. Akala ko nalagpasan ko na yung krisis na wala siya. Pero heto na naman ako, triple yung sakit at tila hindi ko na kayang huminga pa dahil sa nakita. Parang dinudukot ang puso ko mula sa dibdib at wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at humiyaw.

Nag aalalang pumasok naman si Mama sa kwarto ko at niyakap ako. Tinanong niya ako kung ano ang problema pero wala akong ibang masagot kundi ang pag iyak at pag hiyaw ko. Tumawag na rin si Appa sa 911 at ilang minuto lang ay narinig ko ang sirena ng isang ambulansya.

Si Appa na ang nagbuhat sakin pababa ng kwarto ko at tinulungan lang siya ng dalawang rescuer ng isakay na ako sa ambulansya. Hawak hawak ko parin ang dibdib ko habang umiiyak at walang pakialam sa mga tao sa paligid ko.

Nang malagyan ako ng swero ng recuer ay agad niya akong tinurukan ng pampa kalma. Kinakausap at tinatanong nila ako kung anong nangyari sakin at kung ano ang nararamdaman ko pero nagmistula akong pipi at luha ko lang ang naibigay kong sagot.

Pagkarating namin sa hospital ay pina admit agad ako ni Appa at kinuha ng pribadong kwarto. Alalang alala na ang magulang ko ngunit hindi parin ako kumikibo. Tinest na din ang dugo ko at ang kinuhanan na rin ng bp, dahil laging hawak ko ang dibdib ko ay pina ECG na rin nila ako pero iisa lang ang naging resulta, negative lahat.

Kahit sinabi ng doctor na hindi ko kailangan ma confine ay pinag stay parin ako ni Appa dito. Sinasabayan na ako ni Mama sa pag iyak at maging si Hyun Woo ay napasugod rin sa hospital. Wala sa kanila ang nakapag pasalita sa akin hanggang sa sumapit na ang gabi.

Alas otso y medya na ng gabi ng mag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Claire yon. Muli akong napaiyak pero agad ko rin pinunasan yon at sinagot ang tawag niya.

"Hello" pilit kong pinasigla ang boses ko

"Bakla kumusta kana?" Masiglang tanong ni Claire sakin

"Ayos lang naman ako ikaw musta? Kumusta kayo?" Sagot ko sa kanya na pilit pinapantayan ang sigla sa boses niya

"Ayos lang kami! Mag cam ka gusto ka namin makita ni Lorraine" sabi pa nito

"Cam? Huwag na ang pangit pangit ko ngayon bukas nalang" sabi ko

"May free wifi kami ngayon at ngayong gabi lang kaya please mag on cam kana" pakiusap nito

"Ganon ba? Okay sige saglit lang" sagot ko tsaka bahagyang inayos ang buhok bago ko pindutin yung camera.

"Hello!" Sabi ko na mas pinasigla pa ang boses at todong ngumiti sa kanila ng makita sina Claire at Lorraine

"Bakla! Miss kana namin! Balik kana dito!" Kumakaway na sabi naman ni Lorraine. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Teka girl, nasa hospital kaba? Bakit parang naka patient gown ka?" Kahit sa camera ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Claire

"Ahh.. wala to. Dinala lang ako kanina ng parents ko dito uuwi rin kami bukas. Nanikip lang dibdib ko kanina pero okay na ako ngayon" sagot ko sa kanila tsaka pinakita sa camera si Mama na pinapanood pala ako. "Sina Claire Ma" sabi ko. Kumaway naman si Mama at nag hello sa kanila

"Sure ka okay ka lang? Kaya pala namamaga yang mga mata mo" puna pa ni Lorraine sa itsura ko

"Oo nga ayos lang ako, pinapaubos lang nila iv fluid ko tapos tatanggalin na nila ang swero ko" sabi ko tsaka pinakita ang kamay ko at yung iv fluid bag na nakasabit.

"Ano daw findings ng doctor?" Nag aalala paring tanong ni Claire

"Wala" tumatawang sagot ko

"Bakla kausapin ko si Tita okay lang? Gusto kong mag hello sa kanya" sabi ni Lorraine

"Sure wait lang" sabi ko tsaka tumingin kay Mama "Ma mag h-hello daw sila sayo" tsaka ko inabot ang phone ko kay Mama

"Tita kunusta po?" Rinig kong tanong ni Lorraine kay Mama

"Mabuti naman, ikaw kumusta na?" Nakangiting tanong ni Mama sa kanya

"Ayos lang din po. Tita napano po si Sue?" Dinig ko parin na tanong niya

"Hindi ko nga rin alam eh, basta narinig ko nalang siyang sumisigaw habang hawak dibdib niya at umiiyak. Nataranta na kami ng Tito niyo kaya tinakbo na namin siya sa hospital. Tinatanong naman namin siya kung napano siya pero hindi naman siya sumasagot at iyak lang ng iyak" sagot ni Mama

"Tita malapit lang po ba kayo kay Sue? Baka po pwedeng mag request? Pwede bang lumabas po muna kayo? May sasabihin lang po ako" hindi ko gaanong maintindihan sinabi ni Lorraine dahil biglang humina ang boses nito.

"Sige sandali lang" sagot ni Mama na todo ngiti pa. "Sue lalabas lang ako sandali, pahiram muna ng cellphone mo ha?" Sabi ni Mama. Kumunot ang noo ko pero umoo nalang ako.

Kalahating oras ang lumipas bago muling bumalik si Mama. Namumula ang mga mata at ilong niya ng iabot niya sakin ang cellphone ko.

"May problema ba Ma?" Nag aalang tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin at umiling.

"Wala, huwag mokong intindihin napuwing kasi ako kanina tapos sinipon pa ako" sagot nito sakin

"Uminom ka naba ng gamot? Uso pa naman ang trangkaso ngayon" nag aalalang sabi ko

"Humingi na ako kanina sa nurse station at uminom na bago pumasok dito, ayoko naman mahawa ka sakin. Mabuti pa matulog kana at gusto ko na rin magpahinga" sabi pa nito

"Tabi na tayo dito, maluwang naman ang kama ko" sabi ko sabay usog para may pwesto siya

"Hindi na. Ayokong mahawa ka sa sipon ko" tanggi nito

"Mmm sige ikaw ang bahala. Matulog kana din" sabi ko pa at nag good night na sa kanya.

Masarap na ang tulog ni Mama ng magpasya akong tumayo para uminom. Kinumutan ko muna si Mama dahil sa malamig ang kwarto at sinisipon pa siya. Pasado alas dose na rin ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Uminom ako ng tubig at nahiga na ulit umaasang makakatulog na.

**********

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon