Sue's Pov"Siya ba yon?" Dinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya
Kahit hindi ko alam kung ako ba pinag uusapan nila ay mabilis nalang akong umiwas at naglakad. Masyado pang maaga para ma stress ako hayaan niyo naman makaupo ako sa upuan ko.
Kahit nakayuko ramdam ko mga matang nakatingin sakin. Sanay na ako sa atensyon na binibigay ng mga tao sakin lalo na dito sa school pero sobra sobrang atensyon yata ngayon ang binibigay nila sakin.
Nakahinga ako ng maluwang ng makarating ako sa classroom namin. Napatingin ako sa mga kaklase ko ng bigla silang tumahimik. Nakatingin lahat sila sa akin kaya napatingin ako sa sarili kung may dumi ba uniform ko. Yumuko nalang ako at naglakad papunta sa pwesto ko.
Pagkaupong pagkaupo ko ay bigla akong natumba dahil nawasak upuan ko. Tawa naman ng tawa mga kaklase ko na tila sinadya talaga nila. Hindi man lang nila naisip na pwede akong masaktan sa biro nila.
Wala akong magawa kundi palitan ang nasirang inupuan ko. Ang tanga ko dahil bakit hindi ko napansin na hindi yon ang upuan ko at basta nalang umupo.
"Hoy Baboy" tawag sakin ni Chanel. Tumingin naman ako sa kanya at ngumisi naman to "Buti naman alam mo pangalan mo" sabi pa nito tsaka tumawa. Nakitawa naman ang iba pa.
Nagsumula na ang klase namin. Dahil siguro malapit na ang exam ay naging seryoso ang lahat at hindi ako napapansin. Sana lang maging invisible nalang ulit ako sa paningin nila.
*****
CanteenBreak time na namin at gutom na talaga ako. Kulang nalang makipag unahan ako sa pila sa canteen.
Nang makabili na ng pagkain ay umupo na ako sa may bandang sulok at nagsimulang kumain. Gutom talaga ako dahil hindi ako nakakain ng hapunan kagabi at hindi rin nakapag almusal dahil late na akong nagising. Nagtampo tuloy mga bulate ko at nagwala sa tiyan ko.
"Pwede maki upo?" Napatingala ako sa nagsalita at literal na napanganga dahil si Harry Domingo lang naman nasa harapan ko.
"S-sige" nautal pang sagot ko tsaka yumuko. "Y-yung j-jacket mo nga pala bukas ko nalang isosoli" utal utal na sabi ko. Sumipsip ako sa straw ng softdrinks ko at pinakalma ang sarili.
"Ganon ba? May pabor sana ako" napatingin ako sa kanya. Sino bang hihindi kung ngingitian ka ng isang Harry Domingo?
"A-ano yon?" Tanong ko
"May practice game kasi kami bukas gusto ko sanang pumunta ka at i cheer ako" sabi nito
Napanganga ako. Paki sampal nga ako kung nananaginip lang ako.
"Ehh?" Tanging nasabi ko
"Busy kaba bukas? Ayaw mo ba?" Malungkot na tanong nito
"Hindi hindi. Manonood ako at ichicheer kita" mabilis na sagot ko
"Promise yan ha?" Tuwang tuwang sabi nito
Napangiti naman ako at tumango.
"Oo promise" sagot ko na may malawak na ngiti sa labi
***************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
Ficción General[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...