Chapter 80

975 31 0
                                    

Sue's Pov

"Anong problema niyong dalawa ni Cent? Bakit hindi na naman kayo nagpapansinan?" Tanong ni Claire sakin habang naglalakad kami pauwi

"Oo nga dati ganitong oras nandito na siya para sabay kayong umuwi pero ngayon wala siya" sabi naman ni Myca

"Kanina lang alalang alala siya sayo sa clinic ah, ano bang nangyari sa inyo?" Tanong naman ni Lorraine

"Ang totoo hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kasalanan ko lahat" sagot ko sa kanilang tatlo

"Aish! Ano ba yan! Halika nga dito" hila sakin ni Lorraine sa isang bench at umupo kaming apat doon "ano ba talagang nangyari? Ikwento mo samin" kulit ni Lorraine sakin na ikina buntong hininga ko.

"Ano ba talaga lagay niyo ni Cent? I mean relasyon niyo?" Sabi naman ni Myca

"Okay ganito, papalitan ko yung tanong. Ano bang nararamdaman mo para kay Cent?" Napatingin ako kay Lorraine habang naghihintay siya ng isasagot ko. Umiling ako.

"H-hindi ko alam" nautal na sagot ko

"Pwede bang hindi mo alam? Ang dali lang naman ng tanong ko eh. Pwede kang sumagot na gusto mo siya bilang isang lalaki, crush mo siya o kaya naman kaibigan lang talaga. Tatlo lang naman ang pagpipilian mo eh" sabi ni Lorraine

"So anong sagot mo?" Nakapamewang na tanong ni Myca sakin

"Natatakot ako" tanging sagot ko tsaka tinakpan ang mukha sa mga palad ko

"Natatakot ka saan?" Tanong pa ni Lorraine

"Hindi ko alam paano sasabihin basta ang alam ko lang natatakot ako" sagot ko sa kanila

"Sue kaibigan mo kami, pwede kang mag open samin hindi ka namin huhusgahan" sabi naman ni Claire

"Thank you pero hindi pa ako ready mag open sa inyo ngayon pero iipunin ko lakas ng loob ko at magsasabi sa inyo" sabi ko sa kanila

"Ganon ba kahirap sabihin samin na may crush ka kay Cent?" Tanong ni Myca na todo ngiti

"Sana nga ganon kadaling sabihin" sabi ko na ngumiti din sa kanya

"Stop na natin to. Kung hindi kapa ready magsabi maghihintay kami, nandito lang naman kami lagi for you" sabi naman ni Claire

"Mga baklang to mabuti pa mag group hug nalang tayo" masiglang sabi ni Lorraine. Tumayo naman kaming lahat at nag group hug. Nag groupie din muna kami bago kami nagkanya kanya ng uwi.

Napahinto ako sa harapan ng pinto ni Cent ng mapadaan ako. Alam kong nagtatampo siya sakin dahil sa mga sinabi ko. Nakayukong naglakad nalang ako papasok sa unit ko.

**************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon