Sue's Pov
Kahit tumanggi ako ay hinatid parin ako ni Harry hanggang sa may parking lot ng galaxy tower kung saan ako tumutuloy. Nag pasalamat ako sa kanya dahil totoong nag enjoy ako sa mga larong ginawa namin at sa pag treat niya sakin ng dinner. Nabanggit din niya kanina na maaga ang practice nila kaya pinagtabuyan ko na siya. Ayaw pa kasi niyang umalis, hihintayin daw niyang makita akong nakapasok na sa loob ng building. Matutuwa sana ako sa pagiging concern niya kaso bigla kong naisip ginawa niya sakin dati, baka isa na naman to sa mga gimik niya.
Hindi ko siya pinansin at pinara ang taxi na papalabas. Wala siyang nagawa kundi sumakay ng taxi at nagpahabol nalang siya na magkita nalang daw kami bukas sa school. Pinanood ko ang taxi na palayo hanggang sa hindi ko na ito makita. Malungkot na ngumiti ako habang naglalakad ng mapansin ang isang lalaki naka sandal sa isang kotse at umiinom ng can beer. Kahit madilim kilala ko kung sino yon, si Cent.
Hindi ko nalang sana papansinin si Cent tulad ng ginagawa niya pero napahinto ako sa paglalakad at bumaling sa kanya.
"Uy! Anong balak mo sa group project natin? Alam mo bang kahapon kapa namin hinahanap?" Lapit ko sa kanya at inagaw ang hawak niyang beer "sabi ni Harry may practice team niyo bukas, diba ikaw ang captain nila? Bat umiinom ka?" Tanong ko sa kanya
"Ibigay niyo nalang ang topic na gagawin ko ako na bahala" sagot nito sakin
"Sure ka? Sige ikaw ang bahala, marami rin kasing ginagawa sina Claire kaya hindi namin magagawa yung sayo" sabi ko dito.
"Ge" tanging sagot niya tsaka inagaw niya sakin ang can beer na kinuha ko sa kanya kanina.
Muli kong inagaw ang beer sa kanya habang umiinom ito, nabasa at tumulo pa ang alak sa bibig niya.
"May practice pa kayo bukas itigil mo na yan" sabi ko matapos agawin yung alak sa kanya
"Tuloy parin ang practice kahit wala ako. Nandoon naman si Harry pwede niya akong palitan" sabi nito tsaka naglakad paalis
"May problema kaba?" Tanong ko habang sumusunod sa kanya
"Wala" sagot niya
"Bat ka umiinom mag isa kung wala?" Kulit ko sa kanya
"Kailan ba pinagbawal ang uminom mag isa" sabi nito
"Hindi naman pinagbabawal pero may problema lang gumagawa non diba?" Sabi ko pa
"Kulit mo" sabi niya
"Cute mo" di mapigilang sabi ko tsaka tumawa
"Sinabi mo rin yan kay Harry?" Tanong nito sakin na huminto pa sa harapan ko
"Hindi ah!" Mabilis na sagot ko
"Nanliligaw ba siya sayo?" Tanong pa niya
"Hindi no!" Tanggi ko
"Hindi pa pero sigurado liligawan ka non" sabi pa niya
"Kung sakaling manligaw siya babastedin ko agad siya" sabi ko na ikinahinto ulit niya at tumingin sakin
"Kung babastedin mo rin siya huwag mo na siyang bigyan ng pagasa at paasahin siya" diretyong sabi nito habang nakatingin sa mata ko
"Gusto ko lang sabihin sayo hindi siya nanliligaw sakin. Kung manliligaw man siya problema ko na yon. Hindi ko rin siya binibigyan ng pag asa o pinapaasa, pinakikisamahan ko siya dahil maayos naman trato siya sakin. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapaliwanag sayo dahil sino kaba diba? Ano bang alam mo? Wala naman eh kaya huwag mokong husgahan" walang patid na sabi ko tsaka pumasok sa kakabukas na elevator.
"Yun nga pinupunto ko! Kung wala kang gusto sa kanya edi sabihin mo agad hindi yung umaasa yung tao sayo" mariin na sabi nito na sumakay din ng elevator
"Bakit ko sasabihin sa kanya na wala akong gusto sa kanya kung hindi naman siya nanliligaw sakin? Ano yon sasabihin ko nalang na "hoy! Harry basted ka wala akong gusto sayo" edi assumera pa dating ko. Ano nalang sasabihin niya sakin at ng ibang tao sakin? Na advance akong mag isip? Sus!" Sabi ko na pinaypay ang sarili gamit ang kamay. Na istress ako sa kanya grabe.
"Makinig ka nga sakin. Yung pagsama sama mo sa kanya at pag ngiti ngiti mo sa kanya kahit wala kang gusto sa kanya iisipin niyang may gusto ka sa kanya" sabi nito. Magsasalita pa sana ako para sagutin siya kaso tumunog ang pinto ng elevator at may sumakay kaya tumahimik nalang ako.
Tumunog ulit ang elevator at nakitang nasa floor ko na ako kaya lumabas na ako. Inis naman na huminto ako kay dahil sa pagsunod parin sakin ni Cent hanggang ngayon. Humarap ako bigla para sitahin siya pero pagharap ko ay nasa tapat siya ng isang kwarto at binuksan yon.
Pakurap kurap ako at naiwan na tulalang nakatingin sa pinto na pinasukan ni Cent. Alam kong dito siya nakatira pero hindi ko alam na same floor lang din kami at magkalapit pa. Napahiya tuloy ako sa sarili ko.
****************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
Ficción General[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...