Chapter 16

1.6K 48 3
                                    

Sue's Pov



Paglapag namin sa Incheon International Airport ay may sumundo samin na isang men in black. Sa totoo lang hindi ako sanay makakita ng lalaking naka coat and tie, feeling ko mga mormons sila na naglalakad lakad para ibahagi ang salita ng Panginoon. Siya daw si Mr.Park secretary ni Ji Seok.





Magkatabi kami ni Mama sa likod ng kotse habang si Ji Seok naman ay nasa harapan at kausap si Mr.Park. Wala akong maintindihan sa pinag uusapan nila kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana at inenjoy ang nakikita.




Paano kaya namementina ng mga koreano ang ganito kalinis na lugar nila? Wala din maiingay na busina ng mga sasakyan at wala ding traffic kahit galing kami sa airport. Kayanin ko kayang mabuhay dito? Tumingin ako kay Mama na nakikipag usap kay Ji Seok na tuwang tuwa. Bumuntong hininga muna ako at ngumiti. Oo, kakayanin ko alang alang kay Mama.




Huminto ang sinasakyan namin sa isang bahay na may mataas na bakod. Natulala ako sa laki ng bahay na yon, literal akong napanganga ng buksan ni Ji Seok ang gate at tumambad sakin ang isang malapalasyong bahay.




"Is this your house?" Hindi mapigilang tanong ko kay Ji Seok




"Yes and this house is yours too so feel at home" sagot nito sakin




Hindi mapalagay ang mga mata at leeg ko sa kakatingin sa dinaraanan namin. Hindi ako makapaniwala na dito na ako titira.





"Annyeong haseyo" bati sakin ng isang babae na malawak na naka ngiti sakin






"Annyeong haseyo" bati ko din tsaka yumuko at tinakpan ang mukha gamit ang buhok






"She is Mrs.Kang you can call her Ahjuma" sabi ni Ji Seok sakin





"Ne" tumatangong sagot ko. Kahit papaano naman may napala pala ako sa panonood ng korean drama. Alam ko ang annyeong haseyo at ne. Sabagay tinuruan din naman ako ni Mama ng ilang phrases sana pala nakinig ako sa kanya.






Sumunod lang ako kay Ji Seok sa paglalakad hanggang makarating sa 2nd floor ng bahay. Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto at pinapasok niya kami don ni Mama.





"This is your room hope you'll like it" sabi ni Ji Seok sakin na kinanganga ko.






"Really? You sure this room is mine?" Hindi makapaniwalang sabi ko







"Yes this room is yours" sagot nito sakin na may ngiti sa labi






Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Umupo ako sa malaki at malambot na kama tsaka muling tumayo at lumapit naman sa bintana. Mula sa bintana kitang kita ko ang malaking swimming pool na nasa baba. Tumingin ako kina Mama at Ji Seok na nakangiting nakatingin sakin habang magka akbay.





"Thank you" namutawi sa labi ko





"You should rest. We'll call you if the foods are ready" sabi pa ni Ji Seok





"Yeah thanks" sagot ko tsaka sila lumabas ng kwarto.





Nilibot ko ang kwarto at binuksan ang closet. Walang laman yon kaya nilagay ko doon mga damit ko. Sunod naman akong pumunta sa banyo, ang sosyal ko may sarili akong banyo. Binuksan ko ang cabinet na naroon at tumambad sakin ang maraming towels at mga gamit for hygiene. Naglabas ako ng toothbrush at toothpaste at nagsipilyo.






Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Mama na nakaupo sa kama ko na may ngiti sa labi.





"Oh Ma" tanging nasabi ko





"Umalis na Tito mo at di na nakapag paalam sayo, ayaw kasi niyang malate sa meeting niya, alam mo naman mga koreano importante sa kanila ang oras. Babawi nalang daw siya mamaya sa hapunan" sabi ni Mama






"Masaya kaba Ma?" Tanong ko atsaka tumabi sa kanya





"Sobra. Sobrang saya ko nak" sagot nito sakin at yumakap sakin. "Huwag mo sanang iisipin na porket masaya ako sa Tito Ji Seok mo ay nakalimutan ko na Papa mo. Kahit kailan hindi mawawala sa puso ko ang Papa mo, mananatili siya sa isang bahagi ng puso ko." Sabi pa nito





"Hindi ko naman iniisip yon Ma, tsaka matagal ng wala si Papa sigurado natutuwa pa nga yon dahil may nagpapasaya na ulit sayo" sagot ko sa kanya





"Kailan ba ako nalungkot? Punong puno ako ng kasiyahan at pagmamahal dahil sayo. At kahit mahal ko ang Tito mo hindi parin matutumbasan pagmamahal ko sayo" sabi pa niya na ikinangiti ko




"Ayyiiie" kunwari kinikilig na sabi ko tsaka siya pinugpog ng halik sa mukha.

****************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon