Sue's Pov
"Bossing naubusan pala ako ng bell pepper pasuyo naman ako sa unit mo kahit isa lang palitan ko nalang kapag namalengke ako" malakas na sabi ko kay Cent habang abala itong nakatutok sa laptop niya
"123321" sagot lang nito sakin
"Huh?" Sabi ko habang hinihiwa ang carrots para sa iluluto kong beef caldereta.
"123321 password ko ikaw na kumuha don" sabi pa nito
"Ayoko unit mo yon eh baka may mawala pa pagbintangan mo'ko" tangging sabi ko
"Kapag may nawala ibig sabihin ikaw nga kumuha, wala naman ibang may alam ng passcode ko kundi tayo lang dalawa" sabi pa niya
"Hoy! Hindi malikot kamay ko ah! Tsaka anong kukunin ko don wala naman interesanteng bagay naroon. Isa pa po hindi ko alam password ng pintuan mo kaya hindi talaga ako makakapasok don" malakas na sabi ko dito. Kagigil siya.
"123321 nga diba? Tatlong beses ko ng sinabi kaya alam mo na kung ano yung password ko, kapag may nawala talaga don ikaw lang kumuha at kailangan mo syempreng panagutan." Sabi pa niya
"Okay ka lang? Bilisan mo na kasi! Makikikain kana nga lang ang damot mo pa. Para sa isang bell pepper lang pinapakita mo ugali mo" inis na sabi ko
"Ganyan kaba talaga? Hindi ko naman sinabing pakainin mo'ko diba? Ikaw nag aya at nagkusa ka. Tsaka ang mahal ng gulay ngayon, kung ayaw mo kumuha sa unit ko edi huwag mo ng lagyan ang niluluto mo" sagot nito sakin
"Wow ah! Hiyang hiya naman ako sayo" sabi ko habang lumalapit sa kanya "thank you sa pagpayag mong kainin mga pagkain ko ha? Kung lumayas kana kaya ngayon bago ko ipukpok sa ulo mo ang laptop mo?" Gigil na sabi ko dito. Tumingin naman siya sakin na blanko ang mukha.
"Hindi mo naman kailangan mahiya at walang anuman, masarap ang luto mo kaya kinakain ko. Ayokong lumayas dito pero kung yun talaga gusto mo aalis ako, ang kaso paano ang research paper natin? Sigurado hindi ko siya matatapos na ako lang mag isa" hindi ko alam kung adik siya o abnormal lang talaga. Sinabunot ko nalang ang buhok ko at umalis sa harapan niya baka kasi mabaliw ako kung papatulan ko siya.
Nagbalik ako sa kusina at tinapos ko na lahat ng mga rekadong dapat kong hiwain. Tumingin naman ako kay Cent na makapal ang mukha na walang ibang pake sa paligid niya maliban lang sa laptop niya. Dahil kailangan kong magluto ako na ang sumuko.
Hinubad ko ang apron na suot ko at bumuntong hininga. Wala eh talo ako, alas onse na at kailangan kong magluto ng lunch naming dalawa. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya pakainin diba?
Hindi ako nagpaalam at lumabas na ng unit ko. Ilang hakbang lang naman pagitan ng mga unit namin kaya mabilis akong nakalipat. 123321 pindot ko sa lock ng pintuan niya, bumukas naman yon at pumasok agad ako.
Pagkapasok ko sa unit niya ay sumalubong agad sakin ang amoy ng bahay niya. Ang gwapo ng amoy kasing bango niya, napaisip ako kung perfume ba niya inispray niya sa bahay niya.
Dumiretyo ako sa kusina at kumuha ng green at red bell paper. Hindi ko alam kung bakit naisip kong buksan ang refrigerator niya. Naningkit naman mga mata ko ng makitang nabawasan ng dalawang lata ang beer na naroon.
************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...