Chapter 95

861 30 2
                                    

Sue's Pov

"Ano ba kasi yang sasabihin mo at kailangan dito pa tayo" iritadong tanong ni Lorraine dahil mainit ang kinaroroonan namin

Inaya ko sila Lorraine, Claire at Myca dito sa labas ng cafeteria dahil may gusto akong sabihin sa kanila. Masaya ako pero parang may kulang at sa tingin ko kailangan ko ng sabihin sa kanila to para tuluyan na maging masaya ako.

"Pasensya na ayoko kasing may makarinig na iba. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niyo pero umaasa ako na tatanggapin niyo ako" sabi ko tsaka tumingin sa tatlo

"Ano ba yon bakla?" Tanong naman ni Myca sakin

"Umupo kaya muna tayo don no? Ang init kaya ng napili niyong pwesto" sabi naman ni Claire.

Lumipat naman kami sa may bench sa ilalim ng puno ng mangga at umupo doon. Huminga muna ako ng malalim at bumuntong hininga.

"Hindi naman kaila sa inyo na galing akong Korea diba? Ang totoo niyan matagal ko ng kilala si Harry kasi magka schoolmate kami" simula ko sa kwento ko

"Pero naalala ko hindi ka niya kilala noong ipakilala kita sa kanya" sabi naman ni Myca

"Kailangan ba kapag schoolmate mo kilala mo lahat nag aaral don? Baklang to" sabi naman ni Lorraine kay Myca

"Kilala niya ako, naging malapit din kami sa isa't isa noon" sabi ko

"Diba grade11 lang kayo non? Nakalimutan ka niya agad agad? Ako nga kahit yung mga elementary classmate ko namumukhaan at kilala ko parin sila" sabi naman ni Claire

"Ako din naman kilala ko pa mga classmates ko dati, ang kaso lang kasi nagpa retoke ako kaya hindi na ako makilala ni Harry" sagot ko sa kanila

"Talaga? Ano pinagawa mo? Ilong mo? Kaya pala ang tangos no?" Sabi naman ni Myca na tsineck pa ang ilong ko

"Tumangos lang ang ilong hindi na makilala? Ano yan parang si Superman na hindi makikilala kapag may suot na salamin?" Komento naman ni Lorraine

"Sana ilong lang pinaretoke ko, kaso buong mukha pina ayos ko" sagot ko sa kanila na ikinanga nilang lahat

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong nila

"Mmm" tumatangong sagot ko "ang nakikita niyong mukha ngayon ay peke. Sobrang pangit ko noon at lagi akong ginagawang katatawanan, maging si Harry na akala ko na siya na ang prince charming ko ay hindi parin pala. Pinaglaruan lang din pala niya ako at pinagpustahan nila. Pagkatapos pumunta na kami ng Korea. Sa Korea tinanggap ako ng mga tao, pero wala parin akong tiwala sa sarili ko kaya nag diet ako hanggang sa makuha ko ang katawan na gusto ko. Birthday gift ko naman sa sarili ko ang pag c-cosmetic surgery, kaya heto na ako ngayon ibang iba na sa dating Sue noon". Kwento ko sa kanila

"Magkano ginastos mo para ma achieve ang ganyang looks? Ang perfect ng pagkakagawa" amaze na tanong ni Claire

"Yan din gusto kong malaman. Magkano?" Tanong din sakin ni Lorraine

"Ang galing talaga ng Korea no? Alam mo bang balak ko din pumunta ng Korea para magpa double eyelid? Kung mayaman lang talaga ako magpapa overall din ako" sabi naman ni Myca

"Ibig bang sabihin ay tanggap niyo ako kahit retokada ako?" Tanong ko sa kanila

"Bruhang to! Bakit naman hindi? Yung ate ko nga nagpa tangos ng ilong eh. Si Miyo ng Engineering Department na tinatawag nilang beauty nagpa retoke din ng ilong. Tanggap ka namin kahit ano kapa bakla! Kahit sabihin mo pa samin ngayon na transgender ka yayakapin ka parin namin" sabi ni Lorraine tsaka niyakap ako. Nakiyakap din yung dalawa.

"Kung may manghuhusga sayo sigurado hindi kami yon kundi yung mga taong inggit lang sayo. Biruin mo dalawang gwapo nagkandarapa sa ganda mo. Bayaan mo silang mamatay sa inggit!" Sabi ni Claire

"Pero bakla seryoso ako ha? Magkano ba ng makapag ipon ipon ako?" Seryosong tanong ni Myca na kinatawa namin

"Simulan mo ng mag ipon ngayon dahil siguradong mamumulubi ka" sagot ni Lorraine kay Myca

"Ibebenta ko yung kalabaw ng tatay ko" sabi pa ni Myca

"Jusko! Pamasahe mo lang yon papuntang Korea kaya huwag mo ng pag interesan yung kalabaw niyo" sagot pa ni Lorraine

"Ang gawin mo girl tumaya ka sa Ultra Lotto! Kapag nanalo ka isabay mo nalang kami ni Lorraine sa pagpaparetoke mo. Syempre dapat libre mo yon!" Masiglang sabi naman ni Claire

"Thank you sa inyo, ang sarap ng pakiramdam na wala akong tinatagong sikreto. Lumuwang pakiramdam ko" sabi ko sa kanila

"Hindi naman big deal yan bakit kailangan mong isikreto? Yan lang pala problema mo akala namin napano kana" sabi ni Lorraine

"Exactly!" Sabay pang sagot nila Myca at Claire. Nagkatinginan pa nga sila at tsaka kami nagtawanan.

********
Narrator

Lingid sa kaalaman ng apat na magkakaibigan ay may tatlong pares ng mata at tenga ang nakikinig sa usapan nila. Habang nagtatawanan ang may nabubuong hindi magandang plano ang tatlong babae na puno ng inggit kay Sue.

*************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon