Chapter 19

1.5K 42 0
                                    

Sues Pov


Malakas na katok ang gumising sakin. Mabilis akong napatayo at binuksan ang pinto, nag aalala na baka may nangyaring masama.


Pabukas ko ng pinto ay nakita ko si Eonnie na sexing sexy sa suot niyang jogging outfit. Napatingin ako sa wall clock at alas kwatro palang ng madaling araw.



"Waeyo?" Kunot noong tanong ko



"Ttwigi wihae nagaja" (Let's go out for a run) sagot niya sakin



"Mwo? Cheoncheonhi malhae juseyo" (what? Please speak slowly) sabi ko



Inulit naman niya sinabe niya at pinagpapalit niya ako ng damit. Hihintayin nalang daw niya ako sa baba. Mabilis naman akong nag toothbrush, naghilamos at nagpalit ng jogging pants.




Lumabas ako ng bahay at agad nakita si unni na nag s-stretching. Ang ganda at sexy talaga niya at mas nagagandahan pa ako lalo sa kanya ngayon. Wait! Tomboy ba ako?! Pinilig ko ang ulo ko, kahit walang magkagusto sakin na lalaki hindi ako papatol sa kapwa ko babae.




Lumapit ako sa kanya at inutusan niya ako mag stretching muna. Stretching pa nga lang hirap na hirap na ako may pag asa pa kaya talaga ako?.



Inaya niya akong umalis, maglakad daw kami hanggang park. Huwag ko daw biglain ang muscles ko dahil baka sumakit lalo na't wala akong exercise.




Pagdating namin sa park ay nagulat ako dahil marami rami naring tao. Isang buwan na ako sa lugar na to pero hindi ko naisip na ganito kaganda dito. Dati nadadaanan ko lang to kapag lumalabas kami pero ngayon heto ako nakatayo at minamasdan ang kagandahan ng park.




Hindi ko ulit mapigilan sarili ko na ikumpara ang pinas at Korea. Nahawa na yata ako sa mga dating kaklase kong judgemental. Sinimulan na namin ni Unni ang pagtakbo, wala pa yatang limang minuto ako sa pagtakbo ay habol hininga na agad ako at nag ayang magpahinga. Pero hindi pumayag si unni eun ha sabi 3 minutes pa daw.



Halos hindi na ako makatayo at tagaktak ako ng pawis ng magpasyang huminto kami ni unni. Naubos ko agad ang baon kong tubig at ilang hinga lang yata nagawa ko ng sabihin nito na tumakbo na ulit kami. Halos maiyak ako dahil pakiramdam ko mamamatay ako kapag tinuloy ko pa ang pagtakbo pero tumakbo parin ako.




Ilang ulit kaming tumakbo paikot at every 5 minutes humihinto kami at pinapayagan magpahinga ni unni, mukhang naawa na din siya sakin ng makita nitong hindi ko na talaga pa kaya. Pina stretching ulit niya ako at sinabi na uuwi na daw kami pero bukas mas mahabang pagtakbo ang gagawin namin.





Pag uwi namin ay agad kong tinapon sarili ko sa sofa. Pagod na pagod ako at parang hindi ko na kayang tumayo pa. Sinundan ko naman ng tingin si Unni na pumunta sa may kusina na fresh na fresh pa samantalang ako ay mukhang nabubulok na gulay na.




Nagpahinga pa ako ng ilang minuto bago magpasyang umakyat ulit sa may kwarto ko at naligo. Katok sa pinto kasabay ng boses ni Ahjumma na tinatawag ako para mag almusal na. Bigla naman akong nagutom ng banggitin nito ang achim eul meogja. Kahit ramdam ko parin ang pagod ay masaya parin akong bumaba dahil kakain na.




Halos magkasabay kami ni Ahjussi na bumaba, nauna lang siguro ako ng limang hakbang. Nagbatian kami ng good morning at sabay na naglakad papuntang kusina.



Naabutan namin si Mama na inaayos ang mesa, mula ng dumating kami dito siya na nag aasikaso sa pagkain namin at tumutulong nalang sa kanya si Ahjumma. Nag good morning sakin si Mama at ganon din ako, umupo ako sa pwesto ko at hinintay makaupo ang lahat maliban kay Ahjumma na hindi daw talaga sumasabay sa pagkain samin.




Kinumusta ni Ahjussi ang umaga namin ni Eonnie at nagustuhan ko naman sinagot niya dahil hindi nito sinabi ang pagrereklamo ko dahil sa pagod. Nang sabihin na ni Ahjussi na kumain na kami ay inunahan ako ni eonnie sa pagkuha ng pagkain na ilalagay sa plato ko. Dalawang pan cakes at unsweetened almond milk na siya daw nagluto at gumawa. Start na daw kami sa diet meal namin at seryoso daw siya na foods lang na gawa niya ang kakainin ko sa loob ng sampung araw.



************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon