Sue's Pov
Ngayon ang unang araw ko sa bagong university na papasukan ko. Hindi ako mapakali habang nakatingin sa salamin at tinitignan ang sarili. Suot ang pink top ko na pinatungan ko ng white cardigan tsaka tinernuhan ng ripped jeans at brown sandals ay ready to go na ako.
Habang naglalakad hindi ko maiwasan hindi mag isip ng negatibo. May puntong gusto ko pa ngang umurong at bumalik nalang sa Korea. Masyado nga siguro akong nasaktan sa sariling bansa ko na hanggang ngayon ay natatakot parin ako. Natatakot ako na isipin na masasaktan na naman ulit ako, na gawin katatawanan at ipahiya sa mga tao.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa university na papasukan ko. Ilang minuto lang din binyahe namin at nakarating agad ako. Dumiretyo ako sa Admission office at sinabing ako yung exchange student galing Korea. Ilang minuto pa hinintay ko bago nila ako sinamahan sa magiging classroom ko sa BSN3B.
"Lahat naman kayo aware na may bago kayong magiging kaklase diba? Gusto kong pakisamahan niyo siyang mabuti at tulungan sa mga bagay na hindi niya alam. Hindi ako sigurado kung advance na lesson niya o huli na, ang importante nandito siya para mag aral kaya bigyan natin siya ng palakpak" dinig kong sabi ng isang profesor sa loob ng classroom. Binuksan din nito ang pinto at pinapasok ako. Nahihiyang nagpasalamat naman ako.
Ang kabang nararamdaman ko kanina sa labas ay dumoble pa ng humakbang ako papasok sa classroom. Nakayuko lang ako at tinatago ang mukha gamit ang buhok ko.
"Magpakilala kana" dinig kong sabi ng magiging guro ko
"Ne, gomabseubnida" mabilis na sagot ko sa kanya tsaka nag bow. "Annyeong haseyo, joneun Sue Choi imnida. Nal singyeong sseojwo" pakilala ko sa lahat tsaka nag bow, huli na ng ma realize ko na nasa Pilipinas na nga pala ako. "Sorry" napapikit ako sa sobrang kahihiyan. "Ako nga pala si Sue Choi" dagdag ko at muling yumuko
"Okay lang yan maganda ka naman eh"
"Nice to meet you ang cute mo"
"Dito kana sa tabi ko umupo"
"Turuan mo'ko mag korean ang cute cute mo"
"Maupo kana" sabi ng prof namin kaya inangat ko mukha ko para maghanap ng mauupuan, nakita ko na maraming bakante sa likuran. Tulad ng dati sa may bandang likod ako umupo, bakante din ang dalawang upuang naka pagitna sakin.
Tinuloy ng prof namin ang tinuturo niya, hindi naman ako nahirapan sumabay dahil tinuro na samin tinuturo niya. Medyo umayos na rin pakiramdam ko, medyo naiilang lang ako sa mga kaklase kong lalaki na nagpapalipad hangin na agad sakin.
********
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...