Sue's Pov
"Bakit daw?" Tanong ni Cent sakin matapos kong kausapin si Claire sa phone
"Papunta daw silang tatlo nila Myca at Lorraine dito" sagot ko tsaka ngumiwi. May plano kasi kaming manood ng sine ngayon ni Cent pero mukhang hindi matutuloy dahil darating yung tatlo. Nakapag paalam na pa naman ako kay Hyun Woo.
"Ahh" tanging sagot lang ni Cent
"Oppa gusto mo sumama samin?" Masiglang tanong ko kay Hyun Woo at tumabi pa sa kanya. Binato naman ako ng throw pillow ni Cent tsaka siya tumayo at kinuha yon at umupo sa gitna namin ni Hyun Woo
"Bolla" (ayoko) gagawin mo pa akong chaperone mo" sagot nito sakin
"Aniya!" (Hindi) Kasama natin mga friends ko" sabi ko
"May mga kaibigan kana dito?" Tanong niya
"Mmm" tumango ako "pupunta sila dito ngayon" nakangiting sagot ko
"Arraso" (okay) sagot nito tsaka tumingin sa katabing si Cent tsaka siya umusog palayo
"Wae?" Tanong naman ni Cent sa kanya
"Daebak! Gaeneun hangeul eul malhai su issda" (awesome! He can speak hangul) sabi ko ng magsalita ng korean si Cent
"Naneun geuege myeoch gaji gibonjeongin hangeul eul galeuchyeo" (I teach him some basic in hangul) kibit balikat na sagot niya sakin
"Minumura niyo naba ako?" Tanong ni Cent na nakasalubong ang kilay
"Ani!" Mabilis na tanggi ko kay Cent
"Eomma lang yaegihae bwassni? Naneun geunyeoege jeonhwahaneun geol ijeossda" (nakausap mo naba si Mama? Nakalimutan kong tawagan siya) tanong ni Hyun Woo sakin
"Ne, nan nega jalhago issdago geunyeoge malhaessda" nakangiting sagot ko
"Gomabseubnida" (salamat) nakangiting sagot naman nito sakin
"Baka gusto niyong magtagalog nalang para naman naiintindihan ko din kayo?" Sabat ni Cent.
"Sorry na po heto na po magtatagalog na po" sagot ko tsaka pinisil ang ilong niya "why so gwapo?" Natatawang tanong ko kay Cent. Tinanggal naman niya kamay ko nasa ilong niya at mabilis akong hinalikan sa labi. Napatingin naman ako kay Hyun Woo na nakataas ang isang kilay at kunwari walang nakita.
"Mas gwapo ako sa kanya" sabi ni Hyun Woo tsaka tumawa
Pinaglipat ko naman paningin ko sa kanilang dalawa tsaka umiling.
"Gwapo kayong pareho pero mas gwapo si Coco" sabi ko
"Sinong Coco?" Sabay na tanong pa nilang dalawa
"Si Cardo Dalisay" sagot ko sa kanila
"Sino yon? Anong year niya? Anong course?" Sunod sunod na tanong ni Cent
"Classmate mo?" Tanong naman ni Hyun Woo
"Si Cardo Dalisay hindi niyo kilala?! Ang astig kaya non lalo na kapag nakikipag upakan" sabi ko pa sa kanila
"Taga saan ba yon? Alam naman niyang may boyfriend kana diba?" Tanong pa ni Cent tsaka niya pinagsiklop palad naming dalawa
"Alam ko sa QC siya nakatira eh, ewan ko lang kung alam niya pero parang hindi niya alam" natatawang sabi ko.
"Geuga dangsineul ohae han geos ibnikka?" (Nanliligaw ba sayo?) Tanong naman ni Hyun Woo
"Geuneun imi yeoja chingugaissda" (may girlfriend na siya) sagot ko kay Hyun Woo
"Hindi mo sinabing may boyfriend kana?" Tanong naman ni Cent
"Hindi kasi niya ako tinatanong" sagot ko na hindi mapigilan ang pagtawa
"Dapat sinabi mo agad ng hindi na siya umasa" sabi pa niya
"Hayaan mo sasabihin ko kapag nakita ko siya" sabi ko na tumatawa parin
"Ang saya mo pa. Happy?" Sarkastikong tanong pa ni Cent sakin
"Birthday. Happy birthday" sagot ko sa kanya na mas lalong kinatawa ko. Hinila naman niya ako at nginudngod sa dibdib niya.
"Happy birthday pala ha? Sige tumawa kapa" sabi nito.
Yumakap nalang ako kay Cent at pinapatuloy parin ang pagtawa.
"Abnormal ka talaga" sabi ko pa
"Sino kaya satin ang mukhang abnormal ngayon?" Tanong nito na iniangat ang mukha ko tsaka tinignan ako
"Kiss mo'ko" sabi ko tsaka ngumuso. Ngumiti naman siya at ng hahalikan na niya ako ay tinakpan ko bibig ko tsaka muling tumawa
"Aish!" Sabi niya tsaka pinwersang tinanggal kamay kong nakatakip sa bibig ko tsaka niya ako mariin na hinalikan sa labi
"Ituloy niyo lang kunwari wala ako dito" napatingin kami ni Cent kay Hyun Woo na tinakpan pa ang mukha ng throw pillow
"Sorry na, abnormal kasi itong roommate mo" sabi ko
Napalingon ako sa may pintuan ng dalawang beses na nag doorbell yon. Tumingin ako kay Cent at kasama ko siyang nagbukas ng pinto.
"Sue!" Umiiyak na salubong sakin ni Myca na yumakap pa sakin. Kasama niya sina Lorraine at Claire na pinapasok naman ni Cent. Nakita ko naman pagtayo ni Hyun Woo at lumapit samin.
"Napano ka? Okay ka lang ba?" Alalang tanong ko tsaka inalalayan siya hanggang makaupo sa sofa.
"I'm sorry Sue nahihiya ako sa inyong dalawa ni Cent" sambit nito habang u iiyak. Napatingin naman siya kay Cent at mas lalong umiyak.
"Shh.. tahan na. Ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ko parin sa kanya habang pinupunasan mga luha niya
"Cent sorry kung nasigawan kita nung isang araw. Hiyang hiya ako sa inyo, hindi ko alam na ako pala ang dahilan kaya kayo nag away ni Bryan. Narinig namin silang nag uusap nung pumunta kami ng clinic, narinig namin kung anong dahilan kung bakit nag away away kayo. Cent thank you" umiiyak na sabi nito
"Sa susunod kilalanin mo munang mabuti yung taong mamahalin mo" sabi ni Cent. Napatingin naman ako sa kanya at napataas ng kilay. Maka payo siya ng kilalanin muna, parang binigyan niya ako ng pagkakataon na kilalanin muna siya. Na advance pa nga yung kiss.
"Wala yon naiintindihan namin" sagot ko kay Myca.
Tumingin naman ako kina Claire at Lorraine at napanganga ng makitang hinaharot nila si Hyun Woo. Tumingin ako kay Cent na nakakibit balikat at nakangisi lang sakin.
***********
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...