Chapter 39

1.3K 39 2
                                    

Sue's Pov

Sa laki ng Pilipinas at sa dami ng school sa Maynila bakit dito pa sa Montreal University nag aral si Harry?. Akala ko ay hihimatayin ako kanina ng makita siya salamat nalang at hindi niya ako nakilala.

Nag start na ulit ang klase namin. Unang araw ko palang ngayon pero parang last day na ng buhay ko. Pharmacology ang subject namin ngayon, nung nasa Korea ako ito ang pinaka paborito kong subject, kahit kailan hindi ako inantok o nawala ang focus ngayon lang talaga.

Next subject namin ay Ethics. Nanghiram ako ng notebook ni Lorraine para makita kung saan at ano na pinag aaralan nila. Pinahiram naman niya ako hanggang sa matuon ang buong atensyon ko sa binabasa. Hindi ko na rin nalaman na may umupo na sa katabing upuan ko na ikinagulat ko ng makita ko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko na may halong saya

"Magka kilala kayo ni Cent?" Tanong ni Claire sakin na lumipat pa ng upuan

"Oo. I mean hindi" magulong sagot ko tsaka tumingin kay Cent

"Magkapit bahay kami" tipid na sagot ni Cent

"Same building lang" kontra ko sa sinabi ni Cent kaya tinignan niya ako ng naka kunot noo. Sa pangalawang pagkakataon may nakita na naman akong pagbabago sa mukha niya at yun ay ang pagkunot ng noo niya. Hindi ko tuloy naiwasan mapangiti dahil sa cute na pagkunot ng noo niya.

"Same building? Condo?" Interesadong tanong ni Claire

"Mmm" tumatangong sagot ko. May itatanong pa sana si Claire kaso dumating na yung prof namin sa ethics kaya nagbalik na siya sa pwesto niya.

Natapos na pagtawag sa attendance ni prof pero hindi nabanggit ang pangalan ko. Lakas loob kong tinaas ang kamay ko at nagpa kilala sa kanya. Nabanggit nga daw sa kanya na may bagong exchange student pero hindi daw niya alam na nasa klase niya ako. Nagpakilala siya sakin at humingi ng sorry atsaka idinagdagdag ako sa class record niya. Sana lang lahat ng tao marunong mag sorry.

Halos hindi ako makasabay sa dini discuss ni Sir Ronquilo. Binasa ko naman yung notes ni Lorraine pero parang walang pumasok sa isip ko. Tumingin naman ako sa katabi ko na chill lang sa pakikinig habang nakasunod ang tingin sa prof namin.

Pinakopya samin ni prof ang sinulat niya sa white board at pinaroup niya kami by 5 sa research topic namin na stem cell. Agad lumapit sakin si Myca at sinabing kaming apat daw magkaka group, tumingin ako kay Cent na nakatingin samin at sinabing sa amin nlang siya sumali. Agad naman siyang sumang ayon at nag usap usap kami at napagkasundua na magkita kaming lima mamayang uwian sa tapat ng girls dorm.

*****************

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon