Sue's Pov
Nagising akong yakap yakap ang larawan ni Cent. Binati ko pa yon ng good morning at hinalikan pagkatapos. Inayos ko rin ang hinigaan ko at nangialam pa sa closet niya. Kinuha ko sa closet niya ang isang kulay pulang jacket na uniporme ng MU basketball varsity team ng school namin tsaka nagligpit.
Bitbit ang frame na may larawan ni Cent at ang jacket niya ay lumabas ako ng unit niya. Malapit ng mag alas otso at kailangan ko ng mag handa, ihahatid ko pa sina Percyat Gidget sa bahay nila Tita France af dadaan pa ako sa school.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Simpleng puting blouse, skinny jeans na tinernuhan ko rin ng puting sandals ang sinuot ko. Una kong hinatid sina Percy at Gidget sa bahay nila Cent at iniwan na sila don. Sunod kong pinuntahan ang school para magpaalam sa school at syempre sa mga kaibigan ko.
Nag iiyakan sina Lorraine, Claire at Myca ng sabihin kong babalik na ako ng Korea. Ayaw pa nga nila akong paalisin at ayoko naman talagang umalis pero kailangan para kay Cent. Hindi ko na binanggit sa kanila kung bakit biglaan ang bigla kong pag alis pero nangako naman ako sa kanila na tatawaga ko lagi sila.
Nagtanong pa sila kung kailan ako babalik. Hindi ako nakasagot dahil ako mismo ay hindi ko alam kung kailan at kung may babalikan pa ako. Tinanong din nila kung paano na kami ni Cent pero mapait na ngiti lang sinagot ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo, parang nabasa ko naman mga nasa isip nila kaya inunahan ko na sila.
"Babalik na ako sa Korea at ayoko sa long distance relationship. Bago palang naman kami ni Cent at ang daming babaeng may gusto sa kanya kaya siguradong makakalimutan niya agad ako" pilit akong ngumiti sa kanilang tatlo tsaka uminom sa macchiato ko
"Bakit hindi niyo subukan ang ldr? Malay mo mag work out naman diba? Alam ko mahal na mahal mo si Cent" sabi ni Lorraine. Yumuko ako at pinigil ang pagtulo ng luha. Nang iangat ko ang mukha ko ay nakangiti na ako.
"Mahal na mahal ko siya pero sabi mo nga hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao diba? May kanya kanya tayong priority at ang priority ko ngayon ay hindi ang pagmamahal ko sa kanya" sagot ko na may nakapaskil na ngiti sa labi ko
"Iiwan mo nalang ba talaga sa ganitong sitwasyon si Cent? Bakit hindi mo hintayin gumising siya bago ka umalis? Bakit kaba nagmamadali?" Tanong ni Claire sakin
"Kailangan kong umalis habang tulog siya dahil kung gising siya sigurado akong mahihirapan akong umalis" mahinang sabi ko pero alam kong narinig naman nila
"Nag aalala ako kay Cent sa kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang umalis ka na hindi man lang nagpapaalam sa kanya" sabi naman ni Myca
"Kayo na ang bahala sa kanya ha? Hayaan niyo siyang magalit at masuklam sakin kung yun ang madaling paraan para makalimutan niya ako. Huwag niyo rin sabihin sa kanya na may contacts pa tayo at iwasan niyong banggitin ang pangalan ko sa kanya" pakiusap ko sa kanila.
"Kung yan ba talaga ang gusto mo rerespetuhin namin" sagot ni Claire sakin
"Sobrang mamimiss ka namin" sabi naman ni Lorraine
"Group hug tayo mga bakla" sabi naman ni Myca na naiiyak
Wala naman kaming pake sa mga tao na nagtitinginan samin habang nag iiyakan at nagyayakapan kami. Bahala sila kung isipin nilang nababaliw na kami ang importante lang naman ngayon sakin ay yung oras na kasama ko ang mga kaibigan ko dahil hindi ko alam kung kailan mauulit ito.
*************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
Ficção Geral[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...