Sue's Pov
"Boyfriend mo pala si Cent? Bakit hindi mo sinasabi samin?" Hilang tanong ni Lorraine sakin pagkatapos niyang mag excuse kina Cent at Connor at sabihin na pupunta lang kami sa wash room.
"Na shock kami sayo hindi namin alam na mag jowa pala kayo" sabi naman ni Claire na nakahawak din sa isang kamay ko
"Hindi ko siya boyfriend nagpapanggap lang kami kasi may stalker siya na patay na patay sa kanya" paliwanag ko
"What?! Pumayag ka ng ganon lang? Paano na si Connor niyan mukhang natamaan pa naman sayo" sabi ni Claire
"Ayaw mo yon sayong sayo na si Conmor" sabi naman ni Lorraine kay Claire "Nandito ba yong stalker ni Cent? Mag ingat ka baka saktan ka nung stalker niya" sabi pa nito
"Hindi lang si Connor ang cute na lalaki sa mundo, ayokong saluhin yung mga basura ng mga kaibigan ko no!" Sabi naman ni Claire
"Nakakainis talaga! Akala ko pumunta siya dito para samahan ako pero mas gusto pa niyang makasama mga teammates niya na araw araw oras oras naman niyang kasama!" Napatingin naman kami kay Myca dahil sa panggigil nito sa panyo niya habang nagsasalitang mag isa sa likod namin
"Hoy! Nabaliw kana yata diyan? Anyare sayo?" Tanong ni Claire kay Myca
"Si Bryan kasi!" Inis na sabi niya
Pumasok kami sa wash room at binuksan muna lahat ni Claire mga pinto ng cubicles na naroon at pumasok sa isang napili niya.
"Hayan ba yung sinasabi mong masaya ka dahil kay Bryan? Wala pa kayong one month pero binabalewala ka lang niya" sermon ni Lorraine kay Myca habang nasa loob siya ng cubicle
"Nakakainis siya naglalambing lang ako sa kanya na samahan sumakay ng rides pero sabi niya magpasama nalang daw ako sa inyo dahil kasama niya mga team niya" busangot na sabi ni Myca
"Anong inaarte arte mo diyan? Edi breakin mo na!" Sabi naman ni Claire na kalalabas lang sa isang cubicle at naghuhugas na ngayon ng kamay
"Bakit hindi mo muna siya kausapin? Mag usap kayo, yung tungkol sa inyo kung ano ba balak niya" payo ko sa kanya
"Gusto ko nga siyang kausapin about sa relasyon namin kaso everytime na inoopen ko sa kanya umiiwas siya" sagot niya sakin
"Hindi pwede yon. Kausapin mo siya mamaya at itanong mo kung mahal kaba talaga niya. Kapag umoo siya tanungin mo kung ano balak niya sa relasyon niyo. Kapag umiwas siya o kaya nagalit dahil sa tanong mo breakin mo na dahil hindi ka talaga niya totoong mahal kapag ganon!" Gigil na payo naman ni Lorraine
Pagkatapos naming mag ayos ay bumalik na kami kung saan namin iniwan sina Connor. Nasa malayo palang kami ay nakikita na namin silang tatlo nila Joaquin na umiinom ng can beer.
"Hoy! Baka mapasobra ka diyan" mahinang hampas ko sa braso ni Cent. Hinawakan naman niya ang kamay kong nasa balikat niya at hindi inalis don
"Hindi ayos lang" sagot nito sakin
"Gusto niyo din ba?" Tanong naman ni Joaquin samin tinutukoy ay can beer
"Penge ako ha?" Mabilis na paalam ni Myca at binuksan ang isang lata at tumungga doon
"Bruha ka dahan dahan baka malasing ka" sabi ni Lorraine kay Myca
"San Mig light lang to emperador nga iniinom ko samin" sagot naman ni Myca kay Lorraine
"Kahit na mag dahan dahan ka dahil iiwan ka namin dito kapag nalasing ka" sabi naman ni Claire na kumuha din ng isang lata ng san mig light at uminom din.
X
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...