Sue's Pov
"Kumusta po?" Tanong ni Cent kay Mama matapos ko silang ipakilala hirap na hirap pa nga siya sa pagpilit na umupo kaya pinahiga nalang namin siya ni Mama
"Ayos lang naman ako. Ikaw kumusta kana?" Tanong naman ni Mama sa kanya
"Mabuti naman po mabuti na po" sagot nito kay Mama na tila nahihiya pero puno ng pag galang
"Inaayos na ng Tito mo yung kaso niyo ni Sue, hindi kami titigil hanggat hindi nila napagbabayaran ginawa nila sa inyo" sabi ni Mama sa kanya
"Maraming salamat po Tita" sagot naman ni Cent
Tumingin kami sa pinto ng may kumatok at pumasok si Hyun Woo at si Appa. Pinakilala ko rin si Cent kay Appa at nagkwentuhan pa sila. Dahil pagod pa sila galing sa byahe ay sinabihan ko si Hyun Woo na ihatid na muna sila Mama sa condo ko ng makapag pahinga sila. Nakiusap rin ako sa kanya na siya na muna bahala sa magulang ko. Pumayag naman si Mama na sa condo ko sila muna tumuloy para makita daw niya tinitirhan ko.
***********
"Kamukha mo pala Mama mo" sabi ni Cent sakin matapos lumabas sila Mama sa kwarto niya
"Ikaw lang nagsabi niyan. Ang ganda kaya ng Mama ko" may lungkot sa boses na sabi ko
"Wala ng mas gaganda pa sayo" sagot naman nito sakin na may ngiti sa mga labi na ikina pout ko
"Kung hindi lang naman ako nagpa retoke hindi naman ako gaganda" sabi ko sa kanya
"Babe" tawag ni Cent sakin na hinawakan pa ang isang kamay ko
"Mmm?" Tanong ko sa kanya
"Hindi naman mahalaga sakin kung nagpa retoke ka o hindi eh. Ang mahalaga sakin ay ikaw. Ikaw mismo. Wala naman kaso sakin kung ikaw si Sue Flores o si Sue Choi dahil ikaw parin si Sue at sa susunod na magpapalit ka ng apelyido ay sisiguraduhin kong magiging Sue Alfonso ka" sabi nito sakin na nagpa ngiti sakin ng bongga
"Magaling kana nga" tumatawang sabi ko
"Bakit parang ayaw mo sa apelyido ko? Bagay nga sayong tawaging Mrs. Sue Alfonso eh" sabi pa nito na tinaas ang isang kamay na tila iniimagine na nakasulat ang pangalan ko kasama ang apelyido niya
"Daig mo pa nag popropose ng kasal, tumigil ka nga diyan" tumatawang sabi ko
"Paano kung nag poprosose nga ako?" Biglang seryosong sabi niya "Nakilala ko na parents mo wala ng dahilan para hindi ako mag propose sayo" dagdag pa nito
"Cent tigilan mo pagbibiro mo baka maniwala ako" seryosong sagot ko sa kanya
"Seryoso ako. Magpapakasal kaba sakin?" Tanong nito sakin na diretyong nakatingin sa mga mata ko. Una akong kumalas ng tingin sa kanya at pinilit na tumawa
"Huwag ka nga! Ang bata pa natin" sagot ko sa kanya habang tumatawa
"Alam kong bata pa tayo pero sigurado akong ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Babe hindi naman ako nagmamadali pero gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sayo" seryosong sabi nito sakin.
Ngumiti ako kay Cent at hinawakan ang dalawang pisngi niya at binigyan siyang marahan ng halik sa labi.
"Thank you Cent, thank you sa love and care mo mahal na mahal kita" sabi ko tsaka muli siyang hinalikan sa labi "Pero sana sa susunod na mag propose ka may singsing na" pagbibiro ko pa sa kanya tsaka pinitik ang ilong niya. Hinila naman niya ang likod ko at niyakap
"Sorry biglaan kasi. Sa susunod sisiguraduhin kong may singsing na para hindi ka maka hindi" sabi nito tsaka hinalikan ang sentido ko
"Hindi naman ako h-hindi kahit walang singsing eh. Ang importante naman sakin ay yung magkasama tayong dalawa hanggang pagtanda" sagot ko sa kanya
"Promise? Sabi mo yan ha? Makakatipid ako ng pambili ng singsing" natatawang sabi nito
"Oo promise!" Sagot ko sa kanya tsaka hinampas ng mahina ang dibdib
"Mahal na mahal kita Sue" sabi pa nito
"Mahal na mahal din kita" sagot ko sa kanya.
*****************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
Fiction générale[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...