Sue's Pov
Huminga muna ako ng malalim bago nag door bell sa pintuan ni Cent. Naka tatlong beses na rin akong nag door bell at kumatok sa pinto niya pero walang Cent na nagbubukas sakin. Aalis na sana ako ng mapansin ang lalaking nakatayo sa di kalayuan at pinapanood ako.
"Aish! So feeling mo model ka diyan?" Inis na tanong ko kay Cent
"Anong ginagawa mo sa pintuan ko?" Tanong niya na naglakad palapit
"Abnormal. Hindi man lang ako inayang pumasok" mahinang sabi ko pero mukhang narinig niya ako kaya nilawakan niya pagbukas ng pinto at tinignan ako pababa sa dala ko.
"Pasok" sabi niya tsaka siya tumabi para makapasok ako
"Thank you ha?" May inis paring sabi ko bago pumasok sa unit niya.
Pinagmasdan ko kabuuan ng unit niya at napatango sa sarili ng makitang maganda ito. Pagpasok mo palang malalaman mo na agad na lalaki ang nakatira dahil sa interior design nito na lalaking lalaki. Kulay itim at white kulay ng mga gamit niya at ang pinaka gusto ko ay ang pagiging malinis nito.
"Umupo ka" sabi nito sakin na nauna ng umupo sakin tsaka binuksan ang tv
"Nagluto pala ako ng pinakbet napasobra kaya gusto ko mag share sayo" sabi ko tsaka pinakita sa kanya ang tupperware na hawak ko
"Ikaw nagluto?" Kunot na noong tanong niya tsaka tumayo at kinuha sa kamay ko ang sisidlan ng ulam at dumiretyo sa may kusina niya.
"Parang tanga, sinabi ko na ngang nagluto ako itatanong pa kung ako nagluto" mahinang sabi ko tsaka sumunod sa kanya at pinanood ginagawa niyang paglipat sa ulam.
"Salamat. Sakto hindi pa ako kumain" sabi niya tsaka binuksan ang rice cooker niya pero walang makitang lutong kanin.
Nagkatinginan kami.
"Anong balak mo? Hindi ka mag sasaing?" Tanong ko sa kanya habang naka paweywang
"Wala akong bigas" sagot niya sakin
"Ehh? Paano ka kumakain?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya
"Sinusubo ko yung pagkain?" Nakasalubong na kilay na sagot niya sakin. Mukhang hindi pa siya sigurado sa sagot niya
"Pilosopo lang?" Inis na sabi ko tsaka tinignan mga cabinets niya pero walang laman yon kundi isang pirasong cup noodles.
Pagbukas ko sa refrigerator niya ay puro tubig lang ang laman. Inikot ko din paningin ko sa kusina niya at napa buntong hininga dahil puro display lang yata mga gamit niya dito at hindi pa nagamit.
"Tara sa unit ko may kanin ako don sabay nalang tayong kumain" sabi ko dito na tinignan siya ng masama pero wala talaga siyang pakialam at nakatingin lang sakin. "Halika na nga!" Malakas na sabi ko tsaka siya hinila hanggang makalabas kami.
Binuksan ko ang pinto ng unit ko at pinaupo si Cent sa may sofa. Pagkatapos kong ihanda pagkain namin sa mesa ay tinawag na siya.
Dahil sa wala naman akong inaasahang bisita at sarili ko lang din naman pinagluluto ko konti lang talaga sinasaing ko. Halos ibigay ko lahat ng kanin sa plato ni Cent at kakarampot lang kinuha ko.
"Kumain kana" utos ko dito tsaka inilapit ang niluto kong pinakbet sa kanya
"Kain kana din" sabi nito at walang hiya hiyang maganang kumain siya. Nagtanong pa ito ng kanin kaso wala na akong maibibigay dahil binigay ko na lahat sa kanya. Ako pa talaga nahiya sa kanya.
**********
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...