Chapter 48

1.2K 35 0
                                    

Sue's Pov


Magkatulong naming inayos ni Cent mga pinamili namin sa kusina niya. Napag alaman ko na last year lang siya lumipat dito. Sa totoo lang nakakabaliw siyang kausap. Kausap nga ba? Parang hindi eh. More on nagsasalita lang ako na parang radyo pero siya tahimik lang. Kung hindi ko pa siya tatanungin ay hindi siya magsasalita, ang matindi pa ay ang tipid niyang sumagot.



"Grabe! Sa wakas natapos din tayo" sabi ko tsaka umalis sa kusina niya at umupo sa sofa sa may sala



"Gusto mo ng tubig?" Tanong nito sakin



"Yung malamig ha? Salamat" nakangiting sabi ko



Pagbalik ni Cent ay may dala itong isang pitsel na may yelo at isang baso. Nilagyan nito ng tubig yung baso at inabot sakin.



"Salamat sa pagtulong mo sakin" sabi nito na umupo sa single na upuan at sumandal don.



"Wala yon tsaka huwag mong pagwalang bahala health mo, kumain ka ng tama sa oras" sabi ko tsaka uminom ng tubig.



"Hindi ko naman pinapabayaan sarili ko, nakalimutan ko lang kumain kanina" sagot niya sakin



"Saan kaba kumakain?" Interesadong tanong ko. Umayos siya ng upo at tumingin sakin


"Kahit saan lang, kung saan ako abutan ng gutom" sagot niya sakin na ikina salubong ng kilay ko


"Ang gulo mong kausap. Mabuti pa umalis na ako ng makapag pahinga kana" sabi ko dito tsaka tumayo na



"Sige" sagot nito tsaka ako hinatid sa may pintuan niya



"Nga pala, tungkol sa research paper natin. Palagay mo ba kaya mong matapos yon? Kailangan kasi natin ipass yon sa monday" alalang tanong ko



"Kung tutulungan mo'ko palagay ko matatapos ko" sagot niya sakin



"Basta kapag kailangan mo ng tulong katukin mo lang ako sa unit ko tutulungan kita. Wala din naman akong gagawin bukas kaya libre ako" nakangiting sagot ko



"May gagawin kaba ngayon?" Tanong nito sakin



"Ewan ko, matutulog na?" Patanong kong sagot sa kanya



"Inaantok ka naba?" Tanong ulit niya



"Hindi pa naman bakit?" Tanong ko din sa kanya



"Pwede mo ba akong tulungan ngayon sa research paper ko? Maaga kasi practice namin bukas at late na matatapos kaya hindi ko alam kung paano ko magagawa paper ko" sabi nito


"Ngayon na? As in ngayon?" Paninigurado ko



"Yeah, pero okay lang kung hindi pwede" sabi nito



"Hindi hindi. Pwede naman iniisip ko lang kasi pagod ka diba?" Sabi ko dito



"Ayos lang kaya ko naman" sagot niya sakin



"Okay" tumatangong sagot ko "ikaw ang bahala" sabi ko pa


"Kunin ko lang mga gamit ko sabay na tayo" sabi niya tsaka tinalikuran na ako

********

Pagpasok namin sa unit ko ay pinahintay ko siya sa sofa. Pumasok ako sa kwarto ko at nilabas ang laptop ko at notes ko.


Pagbalik ko ay nakita kong nakabukas na ang laptop ni Cent at nakatutok siya don. Hindi ko alam kung bakit na cu cutan ako sa seryosong mukha niya. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa laptop niya.



Binaba ko ang laptop ko sa center table katabi ng laptop niya tsaka ako pumunta ng kusina para kumuha ng snacks namin. Nang hiwa lang ako ng mga prutas at nilagay yon sa plato para pagsaluhan namin. Bumalik ako sa sala bitbit ang isang fruit plate tsaka tumabi kay Cent.



Tinignan ko ang ginagawa ni Cent at masasabi kong mabilis siya. Sana lang matapos niya research paper niya hanggang sunday. Binuksan ko na din ang laptop ko at tinuloy din ang pag type para naman sa paper ko.

***********

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon