Sue's Pov
Halos limang buwan na rin ang nakalipas buhat ng magbalik ako ng Korea. Noong una ay hirap talaga ako dahil na mimiss ko si Cent pero unti unting umayos din ako sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ko.
Halos gabi gabi kung magka usap kami ng mga kaibigan kong naiwan sa Pilipinas. Madalas magkaka chat din kami dahil mayroon kaming ginawang group chat. Kapag may sobrang oras naman ay nag vi video call din kami. Minsan gusto ko silang tanungin tungkol kay Cent pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pinanindigan naman nila ang pangako nila sakin na hindi sila magkukwento o kahit banggitin man ang pangalan ni Cent sakin.
Kasalukuyan ako ngayon na nag s-surf sa net ng maisipan kong buksan ang facebook account ko. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may nakita akong pamilyar na mukha. Kahit nga siguro nakatalikod o kahit anino lang niya ay makikilala ko. Nakalimutan kong friend ko nga pala si Joaquin sa facebook at nag tag siya ng picture sa mga kasama niya sa pictures at isa si Cent sa mga taong naroon sa larawan.
Walang facebook account si Cent kaya hindi ko siya naging friend. Minsan nag sstalk ako sa mga timelines ng mga kaibigan ko at mga naging kaklase ko sa MU at nagbabaka sakali na may makitang picture doon si Cent.
Habang minamasdan ko ang larawan ni Cent ay hindi ko naman maiwasan ang hindi mapaluha. Miss na miss ko na siya at hangga ngayon ay mahal na mahal ko parin siya. Lalo akong napaluha ng makita ko ang kamay niyang naka akbay kay Shane. Parehong malapad ang mga ngiti nila at mukhang masayang masaya sila.
Pinahid ko mga luha ko at sinarado ang laptop ko. Masaya ako dahil okay na siya. Masaya ako dahil naka move on na siya. Ngumiti ako sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Tuloy parin ang buhay kaya kailangan kong magpakatatag, naniniwala ako na darating ang araw magiging tunay na ang mga ngiting nakapaskil lagi sa mga labi ko.
Lumabas ako ng kwarto ko at naabutan sa sala si Betty ang cutie pattotie kong fur sister. Natutulog ito sa may sofa ng dahan dahan akong lumapit sa kanya at buhatin siya. Nagising naman siya ng hawakan ko at dinila dila ang pisngi ko.
"Ang taba taba mo na hindi kana sexy" usap ko sa kanya tsaka ako umupo sa sofa at kinalong siya. Bigla naman itong tumalon at lumipat sa kabilang upuan tsaka tinuloy ang pagtulog niya.
"Aba!" Malakas na sabi ko tsaka muli siyang kinuha "Bad ka ah! Kung nandito lang mga baby ko hindi kita papansinin eh!" Sabi ko dito habang hinahagod ang likod niya na may mahabang buhok. Bigla ko naman na miss sina Percy at Gidget. "Kumusta na kaya sila? Si Tita France pa kaya nag aalaga sa kanila o si Shane na?" Biglang kumirot ang puso ko ng maisip ang bagay na yon
"Sue yah" tawag sakin ni Ahjuma
"Waeyo?" (Bakit?) Sagot ko habang naglalakad siya palapit sakin
"Jeomsim meog euleo mwol wonhaneungeoya?" (Anong gusto mo para sa tanghalian?) Tanong nito. Napangiti naman ako
"Lechon Paksiw" sagot ko na todo ngiti sa kanya
"Eunhaga almyeon eotteoghaji? (Paano kung malaman ni Eun Ha?) Napansin kasi ni unnie na nadagdagan ang timbang ko. Gusto niyang mag diet ulit ako at pansinin mga kinakain ko. Dahil matigas ang ulo ko hindi ko na napapansin mga kinakain ko, bumabawi nalang ako sa exercise.
"Neo hante geunyeoge malhalgeoya? (Sasabihin mo ba sa kanya?) Nakangiting tanong ko tsaka siya kinindatan "naega neoleul yolinahaneun geol dowa julge" (tutulungan kita magluto) binitawan ko si Betty at masayang lumapit kay Ahjuma. Ngumiti naman siya at tila na excite pa.
Buhat ng bumalik ako dito sa Korea kapag may extrang oras ako lalo na kapag weekends ay tinutulungan ko sa paglilinis si Ahjuma para malibang ako. Minsan naisipan niyang magpaturo ng mga filipino dishes sakin at natuwa naman ako. Naging pagluluto tuloy ang naging hobby namin pareho.
*************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...