Sue's Pov
"Baklang yon akala niya aatrasan ko siya? Walang Bonifacio na duwag! Ikahihiya ako ng mga ninuno ko kapag hindi ko naipagtanggol mga kaibigan ko lalo na ang sarili ko" sabi ni Claire na dinamay pa ang lolo Andres Bonifacio niya. Lolo yata yon ng lolo ng lolo niya. Basta lolo niya period.
"Sakin lang hindi na makakaporma yon. Nakita niyo kanina bumahag ang buntot ng bruha!" Pagyayabang naman ni Lorraine
"Nagtitimpi lang ako kanina kung wala lang tayo sa school tinumba ko na yon!" Sabi naman ni Myca
"Ang galing galing naman" tumatawang puri ni Joaquin kay Myca tsaka nito ginulo ang buhok ng kaibigan ko
"Hindi ako nagkamali ipagkatiwala misis ko sa inyo" sabi naman ni Cent sa tatlo
"Yang misis mo lang naman mahina eh, ayaw lumaban kaya ginaganon siya. Dapat sa mga ganon binibigla kaso naunahan na siya" sabi pa ni Lorraine
"Akala ko nga iiyak pa eh, ang lambot lambot kaya siya kinakaya" sabi naman ni Claire
"Ako na naman nakita niyo. Ayoko lang ng away. Hanggat kaya kong umiwas iiwas ako sa gulo. Ayoko din na may masaktan dahil sakin, mas masasaktan ako kapag ganon" sabi ko
"Pero Sue hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong umiwas. Minsan kailangan mo rin lumaban para rin sa mga taong minamahal mo" sabi naman ni Joaquin sakin
"Okay na yung siya na ang umiiwas" sabi naman ni Cent tsaka tumingin sakin "pero huwag na huwag kang mag papa api" dagdag pang sabi niya. "Kung kayang umiwas iiwas ka pero iba na ang usapan kapag sinaktan kana. Sabihan ka lang nila na hindi kaaya aya ay umalma kana. Mas mabuting pisikal na masaktan ka na lumalaban kaysa sa nasasaktan kana pero tahimik ka lang" seryosong sabi pa nito
"Kapag may nambully sayo Sue sabihin mo lang samin ni Kuya kami na nun bahala" sabi pa ni Joaquin
"Alam mo Joaquin nagtataka talaga ako sayo. Ang tawag mo kay Cent ay Kuya pero kay Sue Sue lang din diba dapat ate o kaya bayaw?" Sabi naman ni Myca
"Nakasanayan ko lang na Kuya itawag ko sa kanya. Pagrespeto narin para kahit hindi ko siya tawaging captain may respeto parin tawag ko sa kanya" paliwanag ni Joaquin
"Bakit Kuya din tawag sayo ni Cent? Ano yan endearment niyo?" Natatawang tanong naman ni Lorraine
"Hoy Cent sagutin mo nga!" Sabi nanan ni Claire
"Nakasanayan ko lang. Tinatawag niya akong Kuya kahit mas matanda siya ng isang buwan sakin kaya tinawag ko rin siyang kuya para patas lang" sagot ni Cent
"Weh?" Di mapigilan na komento ko. Pinisil naman ni Cent ang pisngi ko.
"Hayy naku.. wala na bang ibang bakanteng table? Ayoko dito ang pangit ng view" napatingin kami sa apat na babae na kadarating lang na umupo sa kabilang mesa
"Literal na pangit talaga kasi kahit anong gawin mong tago sa itsura mo lilitaw parin ang kapangitan mo tulad ng iba diyan sa tabi tabi" napukol ang atensyon ko sa sinabi ng isa pang babae na napatingin pa sakin na nag rolled eyes pa
"Kapag ba naging maputi si Shreak gagwapo siya? Hindi diba? Mag iiba lang o maninibago ka lang sa itsura niya pero si Shreak parin siya" sabi naman ng isa pa tsaka tumawa
"Tsaka OMG ha! Alam niyo ba yung balitang pina tapyas niya rin mga taba niya? Tiis ganda talaga siya para ma achieve ang gusto niya" sabi pa ng isa
"Hindi ko keri yon dahil sa injection nga lang takot ako paano pa yung operahan ako. It's a big NO talaga for me. Okay na ako sa natural beauty ko" sabi pa nung babae na nagsabi ang pangit ang view
"Ewan ko ba bakit may mga taong hindi kuntento sa kung anong ibinigay ni Papa God sa kanila. Talagang pinagkaka gastusan pa talaga yung sarili para maging trying hard na maganda. Ewww." Yumuko nalang ako at hiyang hiya sa sarili ko.
"Hoy!" Malakas na sabi ni Myca na ikinatingin nung mga babae samin na nakataas kilay pa "mga pangit na'to akala mo kegaganda mukha namang paa! Nakita niyo naba mga sarili niyo? Hindi pa no? Pwes sinasabi ko na sa inyo mukha kayong paa na nakaapak ng tae!" Nakatayo at naka pamewang na sabi ni niya
Tumayo din ako at pinigilan sina Claire at Lorraine na mukhang lulusob sa gyera.
"Ikaw na mukhang ipis!" Duro ni Claire sa babaeng may makapal na make up "baka gusto mong tsinelasin kita? Lumayas ka sa harapan ko bago kita sprayan ng baygon! Pangit man kami mas pangit ka pa rin!" Galit na sabi niya
"Kung mukha akong ipis mukha ka naman daga!" Sabi nung babaeng tumayo na tinawag na ipis ni Claire
"Weh? Ano daw?!" Natatawang tanong ni Myca samin
"Mukha ka daw daga bakla! Duling yata siya akala niya ikaw yung kaibigan niya" sabi naman ni Lorraine na tinuro yung kaibigan nung babae na malaki ang dalawang ipin sa may harapan.
"Edi kayo na ang petfect! Mga perfake! Feeling maganda puro retoke naman mukha! At least kami kuntento sa kung anong meron kami kung ano binigay samin ni God!" Sabi naman ng isa pa
"Huwag mong madamay damay si God dito dahil si God never niyang hinusgahan ang mga tao! Never niyang nilait ang mga tao! At naniniwala ako na hindi ka galing kay God dahil sa ugali mo! Tandaan mo girl walang nagagawang mabuti ang inggit! Kung naiinggit ka magpa retoke ka din! Kung wala kang pampa retoke edi mag ipon ka! Easy lang diba!?" Malakas na sabi ni Myca.
"Oo nga! Oo nga!" Napatingin naman ako sa mga taong nakapaligid samin na sinusoportahan ang sinabi ni Myca
"Oh diba?! Respeto sa kapwa tao mahirap bang gawin yon?! Huwag maging plastik! Lahat tayo kung may pagkakataon at syempre pera may ipapabago o ipapaayos tayo sa mukha natin! Kainis lang mga babaeng ang paplastik ng mga bruha!" Sabi pa ni Myca
"Kung tapos na kayong kumain lumabas na kayo" pumagitnang sabi ng matabang lalaki na may suot pang apron
"Hindi pa kami tapos kumain pero sila tambay lang dito at nakiki wifi lang kaya sila po palabasin niyo" sagot ni Claire sa lalaki
"Hindi kami pulubi para maki wifi lang dito sa Cafe" sabi naman nung babaeng tinawag na ipis kanina ni Claire
"Edi kayo na mayaman! Mga richkid pala kayo eh! Hindi kayo bagay dito sa Cafe dun kayo sa starbucks uy!" Sabi naman ni Lorraine
"Tama na yan lumabas nalang kayong pareho nakakaistorbo kayo sa ibang costumer" taboy samin ng lalaki
"Lumabas nalang tayo para wala ng away" aya ko sa mga kaibigan ko
"Hindi pa tayo tapos kumain ang mahal kaya ng binayad ko sa cheesecake overload at caramel frappe ko" reklamo ni Claire
"Sa Starbucks nalang tayo treat ko" rinig kong sabi ni Cent na nasa tabi ko. Tumingin siya sakin tsaka ito tumango ng bahagya
"Ay Gorabells na tayo mga bakla! Yan ang totoong mayaman!" Sabi ni Myca na kinuha na ang bag niya
"Truth! Yung iba feeling richkid lang, mapanglinlang!" Sabi naman ni Lorraine na kumapit sa braso ni Myca
Hinawakan ko si Claire at nauna na kaming lumabas ng Cafe. Wala naman tigil ang pagtalak parin nina Lorraine at Myca na nasa likuran namin. Sumulyap naman ako kay Cent na seryosong kausap si Joaquin.
*************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...