Sue's Pov
"Huwag naman isang sako kumuha ka nalang ng 2 1.5 kilos" turo ko sa mga naka pack na Royal Canine Junior Shih Tzu tsaka ako kumuha ng mga wet foods din.
"Dagdagan na natin para may stock sila" sabi nito na may bitbit na apat na packs ng kibbles.
"Hindi naman nila kailangan ng stocks pero sige na" sabi ko tsaka namili ng feeding bowl
"Kuripot ka lang" dinig kong sabi niya
"Hindi ah!" Angil ko agad "ayoko lang masira o masayang. Regular ko naman silang ibibili ng needs nila" sabi ko tsaka inirapan siya
"Nagbibiro lang po" sagot naman niya sakin na nilapitan pa ako at niyakap sa likod
"Nasa pet shop po tayo huwag ka munang dumikit dikit sakin at nakakahiya sa mga makakakita" sabi ko sa kanya. Para namang wala siyang narinig at hinalikan pa ako sa pisngi. "Yah!" Inis na sabi ko
"Gusto ko nga makita nila para malaman nila na pag aari na kita at tigilan na nila kakatingin sayo" sabi nito. Napatingin naman ako sa babaeng nakangiti at nakatingin samin. Ako pa talaga ginawa niyang dahilan? Hindi naman mukhang tomboy yung babae. Mukhang mas babae pa nga siya sa bakla dahil sa red lipstick niya.
"Sus!" Tanging nasabi ko nalang tsaka tinuloy ang pagpili ng feeding bowls nila Percy at Gidget
"Babe heto ano sa palagay mo?" Hawak niya ang isang stainless bowl at pinakita sakin
"Okay naman kaso gusto ko yung may designs" sagot ko sa kanya
"Parang may nakita ako sa kabila tignan nalang natin" sabi nito habang buhat yung basket namin
"Wow! Ang cute naman" sabi ko habang hawak yung ibat ibang kulay at disenyo ng mga pet bowls feeder. Kumuha ako ng tatlong kulay pink na iba iba ang disenyo at tatlong blue din na katulad ng disenyo ng mga pink.
"I think we need this too" sabi ni Cent na may hawak na Pink and Blue automatic food container and dispenser.
"Wow! Sana may for water din no?" Sabi ko habang hawak yung dalawang container na pwede maglaman ng 3.5 kilos kibbles per container. Sakto kapag pumapasok ako sa school pwede kong iwanan nalang pagkain nila.
"Meron din sila" sabi ni Cent tsaka niya ako dinala kung saan niya nakuha mga food containers. Napangiti ako sa dami ng pagpipilian hanggang kinuha ko yung palagay ko ay bagay kina Percy at Gidget na water drinkers nila. Syempre kulay pink and blue din. Bumili rin kami ng mga diapers, shampoo, soaps, treats and toys ng dalawang pattotie namin at syempre potty trainer.
"Cent palagay mo kasya sa kanila to?" Tanong ko kay Cent habang hawak ang pink dress na may sumbrero pang kasama at blue na terno na may kasamang shades naman.
"May lalaki paba ng konti sa mga yan?" Tanong naman niya sakin
"Meron po kaming sizes ng mga yan Ma'am and Sir" sagot ng saleslady samin
"Patingin nga po ng small size niyo extra small po kasi to" sabi ko. Mabilis naman kumilos ang saleslady at nilabas yung small size na same design lang din
"Heto po Ma'am" abot ng saleslady sakin
"Cent oh" pakita ko sa dog outfit
"Mukhang bagay nga kay Gidget" nakangiting sagot niya sakin
"Sige po ate kunin na din po namin yan yang dalawa" tukoy ko sa dress na pinili ko pati sa terno.
"Babe isali mo na rin mga to" sabi naman ni Cent at pinakita sakin yung dalawang jumper, mga rubber shoes at leash.
"Ang cute naman nila" tuwang tuwang sabi ko at tsaka pumili pa ng iba. Binili ko rin sila ng mga pantys at mga higaan. Kawawa naman kasi sila kung sa malamig na tiles lang sila matutulog.
Dahil marami daw pinamili namin binigyan nila kami ng dalawang laser engraved pet tags na may pangalan nila Percy at Gidget. Dahil sa dami ng pinamili namin nagpasya nalang akong mag taxi, gusto ngang sumakay din ng taxi ni Cent kaso inaalala ko yung motor niya. Babalikan nalang daw niya pero hindi ako pumayag. Sa huli ako parin nasunod. Ewan ko ba sa kanya bat niya ginagawang kumplekado ang maliit na bagay lang. Tumingin ako sa bintana at napangiti ng makita si Cent doon na nakasunod lang sa taxi na sinasakyan ko.
************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...