Sue's Pov
"Nakausap mo naba si Cent?" Tanong sakin ni Lorraine. Napangiwi naman ako dahil mula noong isang gabi na nakausap ko siya sa elevator ay yun na ang huling kita ko sa kanya.
"Sorry" tanging sagot ko. Nakita ko naman pag lungkot sa mukha ni Lorraine. Friday na ngayon at kailangan namin ma i sumite kay Sir Ronquilo ang research paper namin sa lunes.
"Masyado na tayong gahol sa oras para gawin ang paper niya, hindi ko pa nga natatapos din yung akin eh" sabi pa nito
"Hayaan mo kakausapin ko siya mamaya kahit mag hintay ako pa ako ng matagal kakaantay sa kanya" paniniguro ko kay Lorraine para hindi na ito mag alala.
"I love you talaga don't you worry wala naman forever eh kaya siguradong makakausap mo siya. Tsaka ayan na prince charming mo mauna na ako sayo sa loob" paalam pa sakin ni Lorraine na nginuso pa ang papalapit samin na si Harry "ayoko maka istorbo at mainggit sa paglalabidabidabs niyo bahala kana diyan" sabi nito bago tuluyang pumasok sa classroom namin
"Tapos na vacant niyo?" Bungad na tanong sakin ni Harry
"Hindi pa naman may 20 minutes pa kami" nakangiting sagot ko sa kanya
"Gusto mo mag kape?" Tanong nito sakin
"Next time nalang mainit eh kaya hindi na rin kami lumabas ng classroom" sabi ko dito
"Umiiwas kaba sakin?" Napa urong ako at napasalubong ang kilay sa biglang tanong niya.
"Umiiwas? Saan po napulot yan? Kasabay kapa namin nag lunch kanina" natatawang sagot ko
"Hindi, kasi pakiramdam ko lumalayo ka sakin. Kapag niyaya kasi kitang lumabas tumatanggi ka. Tapos kagabi hindi mo'ko nireplayan, hindi mo rin sinagot tawag ko sayo kanina" madramang sabi nito
"Nyee! Unang una po hindi ako umiiwas sayo dahil kung umiiwas ako hindi kita makakasabay na mag lunch. Pangalawa po tumatanggi ako kasi diba sinabi ko naman sayo na may research paper akong tinatapos? Kaya kahit gusto kong maulit yung bonding natin sa mall hindi pa pwede sa ngayon. Pangatlo po, maaga akong natulog kagabi kaya kaninang umaga ko na nabasa message mo. Naiwan ko din phone ko sa bahay kaya hindi ko talaga masasagot phone ko" mahabang paliwanag ko
"Ibig sabihin hindi mo'ko iniiwasan?" Nakangiting tanong na niya sakin
"Nag aadik kaba? Sinabi ng hindi diba? Kulit mo. Tsaka akina na nga yang towel mo para kang batang naglaro sa labas na hindi marunong mag punas ng pawis" sabi ko tsaka agaw sa towel niya at pinunasan ang pawis niya sa noo. Napatigil pa ako sa pagpupunas sa kanya ng magka titigan kami. Ngiting ngiti siya sakin habang ang kamay ko ay nasa mukha niya. Naalala ko tuloy yung nakaraan, ganitong ganito yon eh nauulit na naman ba?. Binawi ko ang tingin ko sa kanya at binalik sa kamay niya yung towel "ahm, papasok na ako. Magpalit kana ng damit mo baka matuyuan ka ng pawis" sabi ko tsaka nagmadaling pumasok sa classroom namin.
Kumatok pa si Harry sa pintuan at binuksan yon. Nakangiting lumapit siya sakin at binigyan ako tobleron. Nagsimula na naman ang tuksuhan hanggang sa itaboy ko na siya palabas.
Sa ilang araw na pagkikita namin ni Harry at pagsama sama niya samin pakiramdam ko nagbago na talaga siya. Minsan naiisip ko na nagsisisi siya sa nangyari dati pero may parte ng puso ko ang tumatanggi. Siguro kailangan ko pa ng panahon para maibalik ng lubusan ang tiwala ko sa kanya.
*************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
Fiction générale[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...