Sue's Pov"Uhsuhoseyo, joomoonhashigessuyo?" (Welcome, would you like to order) nakangiti akong tumingin sa babaeng barista at tumingin sa menu na nakapaskil.
"Maggiaddo juseyo" (please give me a macchiato) sagot ko sa kanys na may ngiti sa labi
"Uhddeon ssaeejeuro deurilggayo?" (Which size would you like?) Tanong nito sakin
"Medium juseyo" (medium please) sagot ko tsaka tumingin sa may labas, usapan kasi namin ni Mama na dito magkikita. Dinalhan kasi niya ng lunch si Appa sa office kanina at sinabing magkita nalang kami dito.
"Duh pilyohashinguh essuhyo?" (Is there anything else you'd like?) Tanong pa ng babae sakin
"Anniyo, geuguhmyun dwaeyo" (nope, that's all) sabay iling ko
"Yuhgisuh deushilguhyeyo?" (Will you having it here?) Tanong pa niya
"Yuhgisuh mashilguhyeyo" (I'll drink it here) sagot ko tsaka tumingin kung saan ako pwedeng pumwesto
"Sacheon obekwonipnida" ( it's 4,500 won) sabi niya.
Inabot ko ang card ko sa kanya at muling tumingin sa labas. Napaaga kasi ako ng fifteen minutes sa usapan namin ni Mama, nakalimutan ko na kahit dalawang taon na siya dito sa Korea ay pilipino time parin siya.
"Gamsahapnida, jampshiman gidaryuhjuseyo" (thank you, your order will be out shortly) nakangiting sabi ng babae
"Gamsahapnida" (thank you) pasasalamat ko din dito at hinintay ang order ko.
Umupo ako sa tabi ng bintana malapit sa may pinto para agad makita kung parating na si Mama. Inaasahan ko naman na male late talaga si Mama, pero ang hindi ko inaasahan ay yung dumating siya kassma ni Appa. Sinabi ko naman kasi sa kanya na itago muna kay Appa ang operasyon ko ngayong araw at sabihin nalang bukas ng umaga.
Gusto ko muna sana itago kay Appa na ngayong araw na ang schedule ng operation ko dahil kahit suportado niya akong gumanda ay hindi ito pabor na ipabago lahat ang mukha ko. Sabi pa niya kahit rhinoplasty lang daw ipabago ko sa mukha ko ay ayos na. Maganda naman daw talaga ako medyo napisat lang ang ilong. Nag aalala din siya dahil sa mga balita ngayon na napapanood namin ng mga nagpa plastic surgery na imbes na gumanda ay pumanget pa.
Dahil alam ni Appa na hindi niya ako mapipigilan ay siya na ang pumili ng doctor na mag aayos sa mukha ko. Siya din nagbayad sa halagang 6 million won para sa surgery ko at siya din nagpa schedule ng operation ko. Dapat talaga ay last week pa ako naoperahan kaso ang daming dahilan ni Appa, kesyo daw mag bibirthday ako kaya i urong pa ng two weeks operation ko. Alam kong ginagawa niya lang yon dahil sa nag aalala lang siya sakin, kaya isang araw bago ang birthday ko ay pina reschedule ko operation ko at ginawang kinabukasan pagkatapos ng birthday ko. Nilihim ko sa lahat ang ginawa ko at sinabi lang kay Mama kagabi.
"Appa" nasabi ko ng makita siya kasama si Mama
"Are you sure you want to do this?" Tanong agad nito sakin.
Yumuko ako at tumango.
"Ne" naiiyak na sagot ko
Nilapitan ako ni Appa atsaka niyakap.
"Okay, let's go" sabi nito tsaka tinapik tapik ang likod ko.
Walang may gustong bumasag sa katahimikan na bumabalot samin habang sakay kaming tatlo nila Appa at Mama sa kotseng minamaneho ni Mr.Nam. Nagsalita lang si Appa ng huminto ang kotse sa tapat ng hospital, tinanong niya ako kung kinakabahan daw ba ako. Agad akong humindi dahil ang totoo'y natatakot ako at hindi kinakabahan.
*************
BINABASA MO ANG
New Face (COMPLETED)
General Fiction[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi. Karamihan kapag pangit ang mukha ng isang tao ay bumabawi naman ito sa katawan niya sa pamamagitan...